StarStruck Season 5 audition begins, welcomes new co-host Carla Abellana

"I think ang mao-offer ko lang, yung personality ko. Yung sarili kong touch. Konting lambing, ganyan... We'll see, we'll see kung ano pa yung maa-unleash sa akin," says Carla Abellana (center, with Raymond Gutierrez and Dingdong Dantes) when asked what she can offer as the new co-host of StarStruck.


Ni-launch na noong Linggo, August 30, sa GMA-7 musical-variety show na SOP ang audition para sa StarStruck V.

Muli ngang pumailanlang ang mga salitang "Dream, Believe, Survive" nang lumabas na sa isang singing production number ang SOP hosts na sina Ogie Alcasid, Janno Gibbs, Jaya, at Regine Velasquez. Puro mga kantang pang-baguhan at mga nangangarap maging sikat na artista ang mga kinanta nila, tulad ng "The Dream (Hold On To Your Dream)" ni Irene Cara, "I Believe I Can Fly" ni R. Kelly, Cake's version of "I Will Survive," at ang "Lucky Star" ni Madonna.

Kinanta ng mga host ang mga ito habang nagpa-pan ang TV cameras sa mga nag-o-audition for StarStruck V, na umaga pa lang ay nakapila na sa labas ng GMA Studio 7 at Studio 5 sa GMA Network Drive. Meron ding live remote feeds ng auditions sa mga lugar na tulad ng SM Cebu, SM Davao, SM Iloilo, at Stadia sa Dagupan.

Mga aspirants mula edad 16 hanggang 23, lalaki, babae, bakla, at tomboy ay nakapila para sa tsansang mapili bilang isa sa mga mapapalad na official StarStruck finalists (Final 14).

Tatakbo ang audition buong September at mag-e-air officially ang kinagigiliwang talent show sa November.

Para sa mga interesado pang sumali, ang requirement ay photocopy at certified true copy ng birth certificate, pictures (one close up and one whole body), at parental consent at parent's valid I.D. para roon sa mga below 18 ang edad.

Ang schedule ng auditions ay ang mga sumusunod: Sept. 1 to Oct. 2, mula Lunes hanggang Biyernes lamang sa GMA Network Center; Sept. 5 to 6 sa CSI Dagupan, SM Pampanga, at SM Cebu; Sept. 12 to 13 sa SM Davao, SM Iloilo at muli sa SM Cebu; Sept. 19 to 20 sa SM Cagayan de Oro, SM Molino, at SM Bacolod; at Sept. 25 to 27 sa SM Naga.

WELCOME THE NEW HOST. Pumalit bilang bagong host ng StarStruck ang Rosalinda star na si Carla Abellana. Ayon sa press release, "management decision" daw na i-explore naman ang kakayahan ni Carla na mag-host sa isang show, habang pansamantalang magbabakasyon muna si Jolens sa hosting job niya sa Kapuso reality artista search show.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nagpaunlak ng maikling interview sina Carla, Dingdong Dantes, at Raymond Gutierrez sa PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press matapos ang kanilang launching sa SOP.

Ani Carla tungkol sa bago niyang trabaho as co-host ng StarStruck, "It's an honor to be chosen to host StarStruck with Dingdong Dantes and Raymond Gutierrez. It's very exciting, it's a new opportunity, I'm very happy and I'm very thankful." (watch video)

Sabi naman ni Raymond tungkol sa absence ni Jolina, "I think Jolina's so busy now, and she's concentrating on her acting career right now."

"Kaya nga... welcome, Carla," sabi naman ni Dingdong. "Maraming malalaki at magagandang [naging] contributions si Jolina sa show. On the other hand, let's welcome si Carla."

Tatlong seasons nakasama ni Dong si Jolens sa show. Seasons 2 to 4 sila nagkasama, nang palitan ni Jolina ang Season 1 co-host ni Dong na si Nancy Castiglione. Season 3 naman nang mag-join sa kanila si Raymond bilang isa sa mga hosts ng StarStruck 5. Si Dingdong na lang ang natira sa original hosts ng show.

Nang tanungin si Carla kung ano ang puwede niya namang i-contribute o gawin sa show aside from hosting, "Kaya ko rin namang sumayaw," sagot agad ni Carla. "Iba, e. I think ang mao-offer ko lang, yung personality ko. Yung sarili kong touch. Konting lambing, ganyan... We'll see, we'll see kung ano pa yung maa-unleash sa akin."

Sa ngayon, bukod sa Rosalinda ay nagko-co-host din si Carla sa SOP paminsan-minsan. Nakakakanta naman daw siya, pero nagbu-voice lesson pa rin siya.

Maski nung high school at college, nakakaranas na rin daw siyang mag-host sa school programs, pero hindi niya pinangarap noon na mag-artista o maski na sumali rin mismo sa StarStruck.

"Ay, never. Never naman. Kasi nga, tutok ako sa pag-aaral, so I never dreamed of becoming an actress when I was younger," sabi ni Carla.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kahit na parehong showbiz ang ama't ina (matinee idols Rey "PJ" Abellana and Rhea Reyes), hindi raw niya talaga sinubukan na mag-showbiz, except noong nag-college na siya't nagsimula na siyang lumabas sa mga TV commercials.

Sa ngayon, masasabi ngang gustung-gusto na ni Carla ang kanyang ginagawa kahit na malayo sa kursong tinapos niya (Cum Laude in Psychology sa De La Salle University-Manila). Proud na proud pa nga si Carla na ipakita ang kanyang "battle scars" mula sa kanyang role as Rosalinda.

"I do my own stunts, proudly. Lahat po napagdaanan ko na. Tumalon sa building, sumabit sa puno...," sabay pakita ni Carla ng kanyang halos sariwa pang galos sa braso, "nasagasaan, tinapon sa pond, sinunog..." (watch video)

Napabalita na ring gagawa si Carla ng tatlong pelikula sa taong ito mula sa kanyang 12-picture contract with Regal Films. Ngayong dumarami na ang trabaho niya, may "ngarag factor" na ba siyang nararamdaman?

"Hindi naman. Ready'ng-ready pa rin at scheduling lang yan. Pagbubutihin ko pa rin ang pagiging artista at dito sa StarStruck," nakangiting pagtatapos ni Carla.

Watch video of their sit-down interview here.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN