Mother Lily Monteverde excited about the launching movie of Aljur Abrenica and Kris Bernal

"Excited ako talaga sa pelikulang ito. Regal has always been the prime mover of love teams since the time of Nora [Aunor] and Tirso [Cruz III], Vilma [Santos] and Boyet [de Leon], Maricel [Soriano] and William [Martinez], and many, many more. The time has come for Aljur and Kris," says Mother Lily Monteverde about the launching movie of Aljur Abrenica and Kris Bernal.


Nakakuwentuhan ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang Regal matriarch na si Lily Monteverde last Wednesday, September 2, sa Starbucks sa Imperial Palace Suites sa Tomas Morato, Quezon City. Masayang ibinalita ng lady producer na maganda ang box-office result ng horror film na Tarot, na pinagbidahan nina Marian Rivera at Dennis Trillo.

"Kumita naman siya, considering na hindi naman gano'n ka-big budgeted yung movie," sabi ni Mother Lily.

Isa pa sa ikinaka-excite ng lady producer ay ang launching movie nina Aljur Abrenica at Kris Bernal, Nandito Ako, Nagmamahal Sa 'Yo (dating I'll Be Waiting For You). Ayon kay Mother Lily, nakita niya na malaki ang potensiyal ng loveteam nina Aljur at Kris na sumikat pa nang husto, kaya isang pelikula ang ibinigay niya sa dalawa.

Dagdag niya, "Excited ako talaga sa pelikulang ito. Regal has always been the prime mover of love teams since the time of Nora [Aunor] and Tirso [Cruz III], Vilma [Santos] and Boyet [de Leon], Maricel [Soriano] and William [Martinez], and many, many more. The time has come for Aljur and Kris."

Pagmamalaki pa ng lady producer, ginastusan nila ang movie na kinunan ang mga eksena sa Bohol. And no less than veteran director Maryo J. de los Reyes ang nagdirek nito.

Produkto ng TV reality show na StarStruck sina Aljur at Kris. Naging top-rating ang kanilang TV series na Dapat Ka Bang Mahalin?. Currently, napapanood sila sa primetime soap opera na All My Life. Kaya naman hindi na nag-atubili pa si Mother Lily na mapanood naman ang loveteam ng dalawa sa pelikula.

Naitanong din ng PEP kay Mother Lily kung ano ang film festival entry nila this December.

"Hindi pa ako sure," agad na sagot niya. Pero tila nagbigay naman siya ng hint sa biglang tanong niya na, "Sino ba ang bagay na anak ni Sharon [Cuneta]?"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ito na ba yung Mano Po 6?

"Basta, isu-surprise ko na lang kayo," sabi na lang niya na sinundan ng trademark niyang pagtawa.

Next month, magtu-tour ng Europe at sa ilang parts ng Asia si Mother Lily.

"Family vacation lang 'yon. Siguro, one month lang," banggit niya.

Sa September 30 na ang showing ng Nandito Ako, Nagmamahal Sa 'Yo. Magkakaroon din ito ng premiere night sa SM Megamall on September 27.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN