Comedienne Alyssa Alano victimized by a Ricky Lo pretender

A man pretending to be veteran entertainment editor Ricky Lo lured comedienne-host Alyssa Alano into surrendering P50,000 worth of department store gift certificates in exhange for a favorable write-up.


Nawalan ng P50,000 worth of gift certificates ang comedienne na si Alyssa Alano matapos itong mabiktima ng isang sindikato.

Ayon sa ulat ng GMA-7 News, nakatanggap ng tawag si Alyssa noong Martes, September 1, sa isang taong nagpapanggap na siya ang beteranong kolumnista at entertainment editor na si Ricky Lo.

Humihingi raw ng gift certificate ang kausap ni Alyssa sa kabilang linya kapalit ang isang magandang write-up tungkol sa kanya. Agad namang pumayag ang aktres sa dahilang kaboses daw ni Ricky ang kausap. Isang assistant diumano ni Lo ang nakipagkita kay Alyssa upang personal na kunin ang department store gift certificates.

Nagsampa na ng kaukulang reklamo si Alyssa sa National Bureau of Investigation (NBI) subalit pinagbawalan siyang magbigay ng pahayag sa media, sa pangambang baka makasira sa imbestigasyon na gagawin ng nasabing ahensiya.

Labis namang ikinalungkot ni Ricky ang balita. Sa isang separate interview ay sinabi ni Ricky na hindi lang isang beses nangyari ang ganitong insidente. Noon daw ay may nabalitaan na rin siyang gumagamit ng kanyang pangalan para sa isang passport transaction.

"Tawagan muna tayo, di ba? To verify kung tayo nga 'yon," pakiusap ni Ricky sa ibang artista na maaari ring mabiktima ng mga mapagpanggap na sindikato.

Magkasama sa weekly showbiz talk show na Startalk sina Alyssa at Ricky.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN