Yayo Aguila says the family will not withdraw complaint against Baron Geisler

"There was a point na parang lahat kami napapagod na. Pero nang kinausap nga namin ang anak namin kung gusto niya pang ituloy, sabi niya, 'Nandito na ito. Ipinaglaban ko na ito. I will stand for it.' So yun, kung ano ang gusto niyang gawin, nakasuporta kami sa kanya," says Yayo Aguila about the "acts of lasciviousness" case that her daughter Patricia filed against Baron Geisler.


Walang balak ang showbiz couple na sina Yayo Aguila at William Martinez na iurong ang isinampa nilang kasong acts of lasciviousness laban kay Baron Geisler kaugnay ng pambabastos diumano ng aktor sa anak nilang si Patricia Martinez. Mahigit isang taon na ang kaso at hanggang ngayon ay naghi-hearing pa rin sila.

"Tuluy-tuloy na ito. Meron pa kaming tatlo o apat na hearing. Hopefully matapos na siya," sabi ni Yayo nang ma-interview siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal).

Ayon kay Yayo, si Patricia talaga ang desididong ituloy ang laban kahit gaano pa ang itagal nito. Bilang mga magulang, full support ang ibibigay nila ni William sa kanilang anak.

"Alam mo yung anak ko, ayaw niyang itigil ito. Honestly, there was a time na parang, ano ba ito, nakakapagod na. Nakakaubos ng oras, ng money. Hindi naman dapat nangyari ito kung inamin niya [Baron] agad, e. Pero hindi, dahil may proseso, ang hirap. There was a point na parang lahat kami napapagod na. Pero nang kinausap nga namin ang anak namin kung gusto niya pang ituloy, sabi niya, 'Nandito na ito. Ipinaglaban ko na ito. I will stand for it.' So yun, kung ano ang gusto niyang gawin, nakasuporta kami sa kanya."

WILLING TO FORGIVE BARON. Pero anu't ano man ang kalabasan ng kaso, mapapatawad pa ba niya si Baron?

"Sa totoo lang, oo, e," sagot ni Yayo. "Kasi hindi naman ako yung tao na mahirap... Ako pa, napakalambot ng puso ko. Kung si God nga nakakapagpatawad, ako pa kaya na isang tao lang? Alam naman ni Baron na mahal ko siya bilang kaibigan, bilang parang anak-anakan ko. Alam niya yun. Malapit siya sa akin, kay William. May pinagsamahan kami.

"Kaya nga pag nagkakasalubong kami, ako, I always choose not to look at him. Pero binabati niya si William. Magalang naman siya. Si William, civil naman sa kanya. Hindi naman kasi bastos na tao si William, hindi siya war freak. Pero kasi ako, meron siya dito sa akin, e [sabay turo sa puso niya]. Hindi ko siya tinitignan. I always look away kasi malambot ang puso ko, e. Kaso nga, ang sinaling mo yung anak ko, e. Siyempre, nanay ako, talagang ipaglalaban ko ang anak ko," paliwanag ni Yayo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Gumawa na ba ng move si Baron para makipag-ayos?

"Nung birthday ni Tita Cory [Vidanes, ABS-CBN head]. Alam ko, nailabas yun sa isang showbiz talk show. He tried, niyakap niya si William, tapos ayaw niyang bitawan. Sabi niya, 'Sir, baka puwede tapusin na natin ito. I'm sorry.' Pero may cameras na nun, e. Sabi namin, huwag na.

"At saka ang daming nakapaligid dun na kaibigan namin ni William na gustong anuhin siya, e. Pero sabi namin, huwag ganun. Huwag nating daanin sa dahas. Kumbaga, may process 'yan, e, nasa korte na, makakasama pa sa kaso. Sabi rin ni William, 'Huwag, huwag ngayon. Ituloy na natin ito, nasa court na, e.' Gumaganun na siya sa mga camera," salaysay ni Yayo.

May message ba siya for Baron?

"Wala. Kasi marami rin akong naririnig about him na ibang kaso. And it saddens me. Kasi, unang-una, makakasama sa kanya yun, sa mga naka-file na case sa kanya. Nasa-sad ako dahil mahal ko siya as a friend.. Gusto ko maayos na niya ang buhay niya. I hope na huwag na niyang hintayin na may dumating pa na hindi maganda. There's always a room for improvement while you're alive. So, sana gamitin niya yun kasi sayang. Masarap mabuhay, 'no!"

Nagkasama sina Yayo at Baron sa Bahay ni Kuya nang kapwa silang maging housemates sa Pinoy Big Brother Celebrity Edition.


NO SEPARATION, NO ANNULMENT. Isa pang isyu na ipinasagot ng PEP kay Yayo ang tungkol sa diumano'y hiwalay na raw sila ni William at nagpapa-file na raw sila ng annulment. Mariin itong itinanggi ni Yayo at sa katunayan daw ay magse-celebrate na sila ng kanilang 26th wedding anniversary sa December.

"Hindi totoo 'yan!" bulalas niya. "Matagal nang isyu 'yan. Ganun yata talaga sa showbiz kapag tumatagal ang pagsasama, ang ikakabit na tsismis sa iyo ay kesyo naghiwalay o magkakaroon ng annulment. Ngayon pa ba kami maghihiwalay kung kailan kailangan ng anak namin ang suporta naming dalawa sa kaso, di ba?"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kumusta ba ang relationship nila ni William ngayon?

"Okay, mas magaan. Gumagaan siya lalo as the years go by, kasi lumalalim yung friendship n'yo. Pag tinatanong nga ako kung ano yung secret, wala naman secret, e. Siguro nataon lang na para kaming magbarkada. At saka siguro sa age naming ito, ibang level na. Sa dami ng pinagdaanan namin, ibang level na yung relationship. Kahit hindi kami mag-usap, alam na namin yung iniisip ng isa't isa."

MOOMOO & ME. Sa kabila ng mga isyung kinakaharap ngayon, may dahilan pa rin para maging masaya si Yayo in terms of her career. Sunud-sunod nga ang TV projects niya ngayon, gayundin si William, sa iba't ibang TV networks. Natapos na raw last January ang kontrata ni Yayo sa ABS-CBN na nakuha niya dahil sa pagsali niya sa Pinoy Big Brother Celebrity Edition 2. Kaya libreng-libre na siya na mag-work sa network na gusto siyang kunin.

Tuwang-tuwa nga si Yayo nang tawagan sila ni William ng TV5 para gumanap na mag-asawa sa bagong family-fantasy sitcom ng TV5 na Moomoo & Me, directed by Soxy Topacio. Kasama nila rito ang mga bidang sina John Prats at BJ Forbes, with Saab Magalona, Tiya Pusit, IC Mendoza, Empoy, Celine Lim, Paul Salas at Benjie Felipe.

Ano ang feeling niya na magkasama sila ni William sa Moomoo & Me?

"Siyempre thankful ako kasi dalawa kami. Maganda yun kasi dalawa kaming may income. Hindi naman kami nawawalan ng projects pareho, pero ngayon lang ulit kami nagkasama sa project. Tapos maganda yung project kasi horror-comedy siya. Ang saya sa set, ang gaan para lang kaming naglalaro. Tapos si Direk Soxy pa, ang gaan katrabaho. Yung staff, ang babait," saad niya.

Kumusta namang katrabaho sina BJ Fobes at Saab Magalona na gumaganap na mga anak nila ni William sa Moomoo & Me?

"Masaya. Si BJ kasi, malapit na talaga ako diyan, e, kahit first time naming magkatrabaho. Malapit ako diyan kay BJ, may rapport na kami agad. At saka sa mommy niya, tsika talaga kami.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Si Saab naman, never ko pa nakatrabaho kasi si Maxene [Saab's sister] ang madalas kong makasama. Pero okay rin kami kasi nga meron din kaming connection dahil kay Kiko [Francis Magalona, tatay nina Saab at Maxene]. Si Pia [nanay ni Saab] pa, laging nasa set, puro kami tsikahan, kuwentuhan, ganyan."

Ano ang meron sa show nila na dapat panonoorin ng mga tao?

"Kasi, di ba, hard times ngayon, ang daming hindi magandang nangyayari? Kailangan talaga nating yung values lalo na about sa family, na mapapanood ng mga anak natin na makakatulong sa kanila to form values. Kasi ngayon, hi-tech na, yung mga bata parang ang gusto maglaro lang ng PSP, ganyan. At least ito, meron siyang aral na mapupulot.

"Tapos sa mga magulang din, it's high time na magkaroon ng bagong show na yung entertaining, pero may mapupulot kang aral. At saka sinabi ko nga, magaan kasi sa trabaho, it's full of love. Hindi lang yung concept, pero yung samahan ng cast, maganda. Pag ganun positive talaga yung lumalabas mismo dun sa show."

REUNITED WITH JOHN. Nagsisilbing reunion project itong Moomoo & Me para kina Yayo at William with John Prats dahil nagkatrabaho na sila nine years ago bilang pamilya sa youth-oriented show noon ng ABS-CBN na G-mik. Kaya mas lalo pang na-excite si Yayo sa show.

"Alam mo, hindi ko alam na siya yung kasama namin, e. Hindi kasi ako matanong kung sino ang mga kasama. Tapos nung storycon na, nakita ko yung mga papel at saka yung list ng cast, nakita ko ang name ni John. Na-excite agad ako, tapos tinext ko si Camille [Prats, kapatid ni John]. 'Ano ang number ni Kuya? Kasama ko siya.'

"Tapos tinext ko si John. E, yun pala itong si John, medyo reluctant siya. Siyempre taga-Channel 2 siya, ibang network. Hindi niya rin alam kung sino yung ibang cast. So, feeling niya, wala siyang kakilala.. Tapos nung malaman niya na kaming dalawa ng Tito William niya ang kasama, sobrang excited na siya, nagmamadali na raw siya para dun sa storycon. Dun lang kami ulit nagkita ni John after a long time. Nagkikita kami minsan hi, hello lang, madalian lang. Kasi parang anak na rin namin 'yang magkapatid na 'yan. Ang saya talaga nung nalaman namin na magkakasama kami," kuwento ni Yayo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May pressure ba on their part na ang makakatapat ng show nila ay mga top-rating teleseryes ng GMA-7 at ABS-CBN?

"May pressure, pero hindi namin 'yon iniisip. Mahirap tumapat, kumbaga, solido na sila, e. Pero kung iisipin mo pa rin ang positive, walang imposible kung lahat kami magwo-work together. At saka very supportive ang TV5 sa show namin. Basta we're here to offer an alternative show na tatawa sila at may mapupulot pang aral."

Mapapanood ang Moomoo & Me tuwing Huwebes, 8 p.m., sa TV5 simula sa September 10.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN