Maricar Reyes is not yet ready to answer questions about Hayden Kho

In a rare public appearance, Maricar Reyes graced the Star Magic Ball last August 31. But when asked by reporters about the sex-video scandal with Hayden Kho, the newcomer replied: "I will answer in a more appropriate time."


Magmula nang pumutok ang isyu tungkol sa sexy videos nila ni Hayden Kho ay nanatiling tahimik si Maricar Reyes, habang patuloy sa kanyang pagtatrabaho bilang isa sa mga baguhang aktres ng ABS-CBN. Walang narinig na anumang pahayag mula sa kanya sa kabila ng pagsasalita ng ibang mga personalidad na kasangkot sa isyu.

Kaya naman nang makita siya ng entertainment press sa Star Magic Ball noong August 31 sa Shangri-La Makati ay sinamantala nila ang pagkakataon upang tanungin si Maricar tungkol sa kumalat na sex videos nila ni Hayden.

Pero ito lamang ang isinagot niya: "I will answer in a more appropriate time."

Hindi na rin nagpumilit ang reporters na tanungin siya tungkol doon, bagkus ay kinuha na lang ang kanyang reaksiyon sa suportang ibinibigay sa kanya ng ABS-CBN. Sunud-sunod kasi ang TV projects ni Maricar sa Kapamilya network, gaya ng Precious Hearts Romances Presents Bud Brothers, May Bukas Pa, Your Song Presents, at iba pang TV guestings.

Para kay Maricar, isa itong bagay na lagi na niyang ipagpapasalamat sa kanyang mother studio.

"Sino ba naman ang hindi matutuwa sa suportang ibinibigay nila sa akin?" sambit niya. "They really believe in me and they really wanted to showcase my talent at sobra-sobra ang pasasalamat ko sa kanila.

"Salamat, wala talaga akong masasabi kundi sobrang salamat talaga na ganun ang pagtrato nila sa akin. It's overwhelming, yung support and tiwala nila sa akin."

Pinagtatakhan ng marami ang husay na ipinamamalas ni Maricar sa pag-arte. Mukhang marami na raw yatang pinagdaanan ang baguhang aktres kung kaya't malalim ang pinaghuhugutan niya.

"Hinuhugot ko actually sa character that I portray. The director really coaches us, lalo na si Direk Cathy [Garcia Molina] in Bud Brothers, so I'm really thankful to her," nakangiti niyang sagot.

Sa Sabado, September 5, ay mapapanood si Maricar sa sitcom nina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo na George and Cecil, kung saan gaganap siya bilang ex-girlfriend ni Ryan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN