PEP EXCLUSIVE: Barrameda lawyers file Motion for Reconsideration regarding DOJ's "lack of probable cause" about Third Jimenez's part in crime

"How can there be insufficient evidence against Third? They [Third, Ruby Rose at mga anak nila] live in the house of the Jimenez. Third has no independent source of income. Kaya nga there is a connection between him and his father. He is financially dependent on him. How come there is no sufficient evidence on him [Third]? They live in the same house. Yun nga ang nakalagay sa MR [Motion for Reconsideration] namin, e," explains Atty. Rowena Guanzon, lawyer of the Barrameda


Nag-file na kahapon, September 3, ng Motion for Reconsideration ang mga abogado ng pamilya Barrameda kaugnay sa pagpatay kay Ruby Rose Barrameda-Jimenez, kapatid ng aktres na si Rochelle Barrameda.

"We filed a Motion for Reconsideration sa DOJ [Dept. of Justice] to include Manuel 'Third' Jimenez III among the charged," balita ni Atty. Rowena Guanzon nang makausap ng PEP (Philippine Entertaintment Portal) sa telepono.

Nai-file daw ang Motion alas-tres ng hapon sa opisina ng DOJ. Nagpadala na raw sila ng kopya nito sa abogado ng mga Jimenez na si Atty. Mario Aguinaldo through registered mail. Hindi naman daw kailangan ng "entry of appearance" o personal na naroon sina Atty. Aguinaldo. Filing lang naman daw yun at hindi hearing. "Mag-ooposisyon lang sila sa motion namin. Yun naman ang rules," dagdag pa ni Atty. Guanzon.

NOT HEARSAY. Ani Atty. Guanzon, kailangang maisama sa mga dapat kasuhan si Third dahil talagang may kinalaman daw ito sa pagkakapatay kay Ruby Rose at may mali raw sa pagkakaabsuwelto nito sa imbestigasyon ng DOJ investigating panel.

"Talagang dapat siyang makasuhan dahil wala namang nakinabang nang higit sa pagkamatay ni Ruby Rose, kundi siya," diin ni Atty. Guanzon. "Yung sinasabi ng resolution kasi ng investigating panel ng prosecutors, dismissed the complaint as to Manuel III [participation in the crime]. They said Montero's statement is hearsay and that there is insufficient evidence against him [Manuel III].

"Hearsay daw iyon dahil sinabi lang ni Montero ay 'May tinawagan si Spyke sa phone, nakipag-usap siya, narinig ko, 'sabi niya, Sir, tapos na po ang problema nyo, sir. Sir, naitapon na rin po namin.'

"After that conversation on the phone, katabi niya si Montero, sinabi ni Montero, 'Sino yun?' Sabi ni Spyke, 'Si Third, bibigyan daw ako ng bonus.'"

Si Leonardo "Spyke" Discalzo ay ang bodyguard ni Third at isa sa anim na sinampahan ng kaso ng DOJ. Habang si Manuel Montero naman ang sinasabing principal witness ng mga Barrameda, bagama't isa rin ito sa mga kinasuhan ng DOJ (click here to read related story).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, the prosecutors ruled that it is hearsay. Our ground for our Motion for Reconsideration is that, it is not hearsay. There are many Supreme Court decisions to support our argument that that [of Montero's], is an independent, relevant statement. That is not hearsay. Meaning that is admissible even in court as an independent, relevant statement."

Pagkatapos nito'y nagbanggit si Atty. Guanzon ng mga parehong kasong napagdesisyunan na sa Supreme Court para patunayan ang kanyang argumento na ang statement ni Montero ay hindi dapat ni-rule ng DOJ prosecutors na hearsay. Dagdag pa niya, hindi raw dapat nagdedesisyon ang Prosecutors kung hearsay man ang isang statement o totoo.

"Hindi naman applicable ang Rules on Evidence sa preliminary investigation. Kasi ang Rules on Evidence ay for the Court. For the judges to enforce and not the Fiscal. 'Tsaka there is overwhelming evidence connecting Manuel III to the conspiracy. The mastermind is his father [Atty. Manuel Jimenez Jr.], the conspirator is his uncle [Lope Jimenez], Spyke is his bodyguard...

"So ang sinasabi namin, why did the Prosecutors find probable cause against Lope and Atty. Jimenez, ba't hindi kay Third? Walang logic, e, di ba? Para naman kay Third yung murder na yun, e. Sino ba'ng nag-benefit dun, di ba si Third? Ginawa naman yun ni Atty. Jimenez, hindi para sa sarili niya, kundi para kay Third. Sinabi naman ni Lope kay Montero, 'Kahihiyan ng pamilya.' E sino ba'ng pamilya ni Ruby Rose, di ba si Third?"

NEW EVIDENCE. Balita pa ni Atty. Guanzon, may bago raw silang ebidensiya na puwede nilang magamit para ma-establish na noon pa gusto ni Third makipaghiwalay kay Ruby Rose.

"Habang naghahanap si Rochelle [Ruby Rose's sister] sa mga gamit ni Ruby, may nakuha siyang letter. Letter ni Third kay Ruby nung 2006 telling her that he wanted to separate. Kaya nga nung Christmas at New Year ng 2006, wala si Third sa piling nina Ruby Rose at ng mga anak niya. Dumating na lang siya doon sa bahay, January. Separate rooms na sila. This was before he beat up Ruby Rose dahil lang sa earrings na hinahanap niya kay Ruby Rose."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

BEATEN UP FOR AN EARRING. Ayon kay Rochelle sa interview nito sa PEP tungkol sa pananakit diumano ni Third kay Ruby Rose, nangyari ito noong January 21, 2007.

"Kasal yun ng kapatid ni Third. May hinihingi siyang diamond-studded earring niya kay Ruby. Kasi nung time na yun, nagpagawa si Ruby ng ka-pair nung earring na yun ni Third para kapag hindi ginagamit ni Third yung earring, magagamit niya kasi pair na."

Humiram daw muna ng pair of earrings na suot ni Rochelle sa anniversary ng bar nila si Ruby Rose, at pinahiram naman daw muna ni Ruby Rose ang pair of earrings niya (na may earring ni Third) kay Rochelle. "'Tapos nung hindi niya makuha kay Ruby yung earring niya kasi nga nasa akin, inuntog-untog na ni Third yung ulo ni Ruby sa cabinet.

"Sabi ko nga, ang dami naman nilang drivers, bakit kailangan pa niyang saktan si Ruby? Sana ipinakuha na lang niya sa akin," kuwento pa ni Rochelle.

THERE IS A CONNECTION. Patuloy ni Atty. Guanzon tungkol sa isinumite nilang Motion for Reconsideration sa DOJ, "How can there be insufficient evidence against Third? They [Third, Ruby Rose at mga anak nila] live in the house of the Jimenez. Third has no independent source of income. Kaya nga there is a connection between him and his father. He is financially dependent on him. How come there is no sufficient evidence on him [Third]? They live in the same house. Yun nga ang nakalagay sa MR [Motion of Reconsideration] namin, e.

"At saka yung affidavit ni Rochelle, that says every afternoon, pumupunta doon sa bahay nila si Ruby. Kasi ang uwi ng eldest na anak ni Ruby from school ay 2 o'clock. So alam nila [Jimenezes] na every day, pumupunta sa bahay si Ruby."

Sa ngayon, maghihintay na lang daw sila ng 10 days para malaman kung ano ang sagot ng DOJ sa kanilang motion.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

WARRANT ISSUED. Samantala, pinirmahan na kaninang umaga ni Judge Hector Almeida ng Malabon Regional Trial Court Branch 170 ang Warrant of Arrest para sa mga akusado sa pagkakapatay kay Ruby Rose.

Sa panayam ng PEP kay Atty. Mario Aguinaldo kaninang hapon, sinabi nito na hindi pa nakakarating sa kanila ang kopya ng motion nina Atty. Guanzon. Wala pa rin ang Warrant of Arrest para sa kliyente niyang si Atty. Manuel Jimenez III. Boluntaryo naman daw na susuko si Atty. Jimenez once ma-confirm nila ang pagkaka-issue na nga ng warrant.

Sa susunod na hakbang nila, sasagutin na lang daw ni Atty. Aguinaldo ang motion ng mga Barrameda, matapos niyang matanggap ito at mapag-aralan.

FOLLOWING RULES AND PROCEDURES. Gusto namang linawin ni Atty. Aguinaldo ang tungkol sa nauna nang lumabas sa PEP na hindi pagkakatanggap nina Atty. Guanzon at Atty. Ana Kristal ng kopya ng kanyang isinumite noong Motion for Judicial Determination of Probable Cause sa Malabon RTC.

Ikinagalit ni Atty. Guanzon ang anito'y "discourtesy" raw ni Atty. Aguinaldo sa kanya. Naging mainit tuloy ang simpleng hearing lang sana dahil sa pag-aargumentuhan nina Atty. Aguinaldo at Atty. Guanzon sa korte ni Judge Hector B. Almeida noong umaga ng August 28, Biyernes.

Katuwiran ni Atty. Aguinaldo, "Sa criminal case, yung mga tinatawag na private prosecutor, wala silang personality to appear there, unless there is a written authority from the Public Prosecutor or Fiscal. At that time, wala pa silang appearance as private prosecutor. Kaya hindi ko sila pinadalhan ng kopya. Dahil mayroong mga procedure to follow and regulation, e. Ang pinadalhan ko lang ng kopya yung Public Prosecutor, dahil yun ang may control at supervision over the case.

"Kailangan sa Fiscal ka magpapadala. Ang private prosecutor kung may entry of appearance na sila, padadalhan mo na rin. At kung meron na silang approval ng appearance nila, meron na silang authority from the Public Prosecutor, padadalhan mo na rin sila ng kopya. E komo wala pa naman silang entry of appearance, kaya hindi ko sila pinadalhan ng kopya ng Motion for Judicial Determination of Probable Cause. Wala pa silang appearance pa, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi nila puwedeng ikatuwiran na nag-appear na sila sa DOJ. Ang Court ibang forum yun. Kung nag-appear sila sa DOJ, dapat meron din silang appearance sa Court as private prosecutors," paliwanag pa ni Atty. Aguinaldo

Hindi na lang daw siya nangatuwiran pa sa korte noong araw na yun dahil galit na galit na't nagtataas na ng boses si Atty. Guanzon sa Korte. "The lawyers should know the procedure, e. Yung three-day notice, may three-day notice sa public prosecutor. E hindi naman ako sanay na makipagtaasan ng boses, e.

"Kaya noong pinahihingi ako ni Judge to apologize, I cannot apologize, because I did nothing wrong. At alam mo naman, ginagalang natin ang lahat ng mga babae, so hindi na ako nakipagtaasan ng boses. Yun nga lang, the lawyers should know all the rules and procedures. And if you are accustomed with my style, rules and procedures and evidences lang ako, e. Hindi ako sanay sa sigawan at balitaktakan. Basta follow the procedures and regulations," katuwiran pa ng abogado ng mga Atty. Jimenez.

Samantala, kinumpirma din ni Atty. Aguinaldo na sumuko na sa mga pulis sa Rizal si Atty. Jimenez kaninang hapon, ngunit kinailangang dalhin sa isang ospital sa Tanay matapos manikip ang dibdib nito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN