Philippine Medical Association clarifies there is no final decision yet on Hayden Kho's suspension

Contrary to a report made by a major broadsheet, the Philippine Medical Association (PMA) clarifies that they have not yet made a final decision on Dr. Hayden Kho's suspension.


Nilinaw ng Philippine Medical Association (PMA) na hindi pa nila sinuspinde ang cosmetic surgeon na si Hayden Kho, Jr., taliwas sa isang newspaper report na pinatawan na raw nila ito ng parusa.

Ayon sa report ng GMA News, kailangan pa raw mag-deliberate ang board of governors ng PMA sa rekomendasyon ng kanilang ethics commission na suspendihin si Hayden ng isang taon dahil sa "dishonorable conduct unbecoming a physician." Ito ay ayon sa executive director ng PMA na si Dr. Arthur Catli.

"The ethics commission's decision is not yet final," sabi ni Dr. Catli. Idinagdag din niya na anumang ruling tungkol sa isyu ay kinakailangang aprubahan ng board, ang highest body ng PMA.

Sinabi rin ng executive director ng PMA na karapatan ni Hayden na dumaan sa "due process" at required din ang PMA na sundin ang sarili nitong administrative code.

Bagamat wala pang itinakdang araw para sa deliberation, siniguro ni Dr. Catli sa publiko na gagawa ng official announcement ang PMA, sa pamamagitan ng president nito o kahit na sinong authorized person, kapag mayroon na silang desisyon.

Ayon sa report ng isang major broadsheet kahapon, Sept. 4, sinuspinde na raw ng PMA si Hayden sa loob ng isang taon, base sa impormasyon mula sa abogado nito na si Atty. Lorna Kapunan.

"The information only came from Kho's lawyer. If that's what she believes, we can't do anything with that. But the report is not necessarily correct," paglilinaw ni Dr. Catli.

"WE WANTED TO EXPEL HIM." Matatandaang nagsagawa ng imbestigasyon ang PMA kay Hayden pagkatapos hilingin ng aktres na si Katrina Halili sa Professional Regulation Commission (PRC) na bawiin ang lisensiya ng cosmetic surgeon.

Ang hiling na ito ni Katrina ay nag-ugat sa pagkalat ng sex videos ni Hayden kasama ang iba't ibang babae, kabilang na si Katrina, sa Internet ilang buwan na ang nakalilipas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Naglabas ng rekomendasyon noong Huwebes, Sept. 3, ang ethics commission ng PMA na suspendihin si Hayden mula sa kanilang grupo sa loob ng isang year.

Sa hiwalay na panayam ng GMANews.TV sa ethics commission chairman ng PMA na si Dr. Santiago del Rosario, sinabi nito na isang taon lang ang inirekomenda nilang suspension kay Hayden dahil naging "cooperative" daw ito.

Dagdag niya, "At that time, we wanted to expel him, but there were mitigating circumstances that came up. Kho was very cooperative in analyzing involvement in the case. He also expressed commitment to help advocacy programs against illegal drugs and to help in medical missions as expression of remorse and atonement."

Sinabi ni Dr. del Rosario na kapag nasuspinde nga si Hayden, tatanggalin muna sa kanya ang mga benepisyo ng isang active member, gaya ng pagdalo sa seminars for continued medical education.

Binanggit din ni Dr. del Rosario na nakatakda siyang makipagkita sa board of directors sa September 14 para i-present ang kanyang rekomendasyon sa kaso ni Hayden.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN