Eugene Domingo pays homage to Ai-Ai delas Alas

"We have to acknowledge na sa matagal na panahon, mga lalaki or sikat na action stars or komedyanteng lalaki ang nangunguna sa pagbibida. Nang lumabas si Ms. Ai-Ai delas Alas, nagkaroon ng pag-asa ang mga artistang babae na nagko-comedy. We have to acknowledge that," says Eugene Domingo about her friend Ai-Ai delas Alas.


Sa "Intriga Crossfire" ng Showbiz Central noong Linggo, Sept 6, ang tinataguriang next Comedy Queen na si Eugene Domingo ang naupo sa hot seat para isa-isang i-interrogate ng mga hosts ng show. This time, mas relaxed na nga ito dahil sa naging tagumpay sa takilya ng kanyang launching movie na Kimmy Dora: Kambal Sa Kiyeme.

At dahil daw sa tuloy-tuloy na success sa box-office ng kanyang movie, posible raw na siya na nga ang next Comedy Queen. Tanong ni Pia Guanio, "Ano'ng masasabi mo sa bagay na ito?"

"Wow! I am very much flattered, of course, dahil 'yang ganyan, kapag binibigyan ka ng mga title na 'Next Comedy Queen,' isang paraan nila 'yan para ikaw ay papurihan or dahil natutuwa sila sa ginawa mong trabaho. Pero ang sa akin ay gusto ko lang kayong mabigyan ng isang magandang pelikula.

"Kung may title man ako o wala, nagpapasalamat pa rin ako dahil patuloy na pinapasok at mas dumarami ang mga taong pumapasok sa aming pelikula. And as we speak right now, doble, triple na po ang kinikita ng aming pelikula. At malaki ang pasasalamat ko sa aming ginagawang promo na kung tawagin ay 'word of mouth.'

"So, nagpapasalamat po ako dahil ang mga Filipino ay likas na madaldal. Kapag pinanood nila, sinasabi nila sa mga kapitbahay, sa mga ka-Facebook at doon pa lang, tuwang-tuwa na 'ko. Sa kung anumang title na ibigay nyo, 'Next Comedy Queen,' 'Next Diamond Queen,' 'Next Agimat ng Komedya' or kung anuman, maraming-maraming salamat sa lahat ng title na 'yan.

"Sa ngayon, ang importante sa akin, number one nationwide ang Kimmy Dora."

AI-AI OPENED THE WAY. Ang sumunod naman na nagtanong ay si Raymond Gutierrez. Ayon dito, because of the success of Kimmy Dora, baka raw maapektuhan ang ibang mga komedyante, and one name na matunog ay si Ms. Ai-Ai delas Alas. Marami ang nagsasabi na baka si Eugene na ang kumuha ng trono ni Ai-Ai?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Yes, salamat at nabigyan n'yo 'ko ng pagkakataon na ipaliwanag. Unang-una, kaibigan ko si Ms. Ai-Ai. At hindi natin dapat kalimutan na kung hindi naman dahil sa kanya, hindi magbubukas ang daan para sa mga tulad kong nagkokomedyante, di ba?

"We have to acknowledge na sa matagal na panahon, mga lalaki or sikat na action stars or komedyanteng lalaki ang nangunguna sa pagbibida. Nang lumabas si Ms. Ai-Ai delas Alas, nagkaroon ng pag-asa ang mga artistang babae na nagko-comedy. We have to acknowledge that.

"And number two, we are really, really good friends hindi lang dahil syino-showbiz ko kayo or magkasama kami sa pelikula. Pero sa lahat ng pelikulang magkasama kami ni Ms. Ai-Ai delas Alas, she always lets me shine. Otherwise, hindi n'yo mapapansin ang aming mga characters na ginampanan ko sa mga nakaraan naming pelikula.

"And, since the first day of our filming, magmula nang mag-shooting ako ng Kimmy Dora, hindi siya nagsawang magbigay ng advice, ng encouragement, ng papuri. She was very, very generous to tell me na 'magdasal ka lang, ang ganda ng poster n'yo, pang-mayaman. Ang ganda ng trailer nyo, ang cute-cute! Naku, manonood ako agad pagdating ko galing GenSan'.

"And true enough, pagkagaling niya ng shooting sa GenSan, nanood siya ng pelikula. Nag-text siya sa akin na, 'Magaling ka rito, BF! Ang ganda ng pelikula n'yo and God Bless You.' So, with that, gusto ko lang i-share sa inyo na hindi kailangan ng kumpitensiya.

"Kami po rito sa industriya ay gumagawa ng pelikula. Hindi namin kailangang mag-away. Ang gusto lang namin ay mabigyan kayo ng magandang pelikula."

LEAD OR SUPPORT IS OK. Salang naman ni Mo Twister, ngayong leading lady na siya, dapat bang lahat ng roles niya ngayon ay leading lady na siya? Will it bother her kung hindi siya ang leading lady?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Oh no, not at all! Like what I always say...English-speaking sa kanya, di ba? Ha-ha-ha! Pero, katulad nga ng palagi kong sinasabi, there are no small roles, only small actors. Ibig kong sabihin, walang maliit na papel kung gagampanan mo nang maige.

"Ang sa akin, nagsimula na rin lang ng suportahan. Kung nanood kayo ng Kimmy Dora, marami run na malalaking artista, pero pumayag na gumanap na cameo lang, like Regine Velasquez, Aiza Seguerra at yung ating mga hinahangaan na singer. Like Rufa Mae Quinto, lumabas siya kahit mga walang bayad yun. So, it's time now for our industry na ang mga artista, suportahan ang isa't isa dahil isang industriya lang naman ito, lahat tayo makikinabang dito.

"So, para sa aking mga susunod na proyekto, ke maliit, ke support, lahat yun gagawin ko kung naniniwala ako sa direktor at sa pelikula. Then, after two years, magpapa-launch ulit ako. Paulit-ulit, launch lang nang launch."

MOTHER LILY. Last Sunday naman daw, ayon kay John Lapus, nang dumalo silang pareho ni Eugene ng Star Magic Ball ay nagkabati at napatawad na si Eugene ni Mother Lily Monteverde. Pagkatapos ito ng pahayag ni Mother na banned si Uge sa lahat ng movies ng Regal. So, how was her reconciliation with Mother Lily?

"Si Mother Lily at Regal Films ay isa nang institusyon. Siguro, hindi pa tayo marunong magbasa, pero may mga pelikula nang prino-produce ang Regal Films. So, nagkaroon lang kami ng miscommunication.

"Sasabihin natin na ako ay naging cause of delay sa dapat ay pelikulang ginawa ko noong nakaraang filmfest. Paulit-ulit naman akong humihingi ng paumanhin kay Mother Lily, sa Regal Films, kung anuman ang hindi naging pagkakaintindihan or cause of delay.

"At noong nagkita kami sa Star Magic Ball, e, wala tayong maupuan. So, doon tayo naupo sa table nila. Siyempre, hindi ako makakain dahil si Mother..."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dugtong ni Sweet, nakalimutan daw niyang magkagalit nga pala ang dalawa kaya siya pa ang nagsabing, "Mother, si Eugene, o..."

"Sabi ko, 'Mother, patawarin mo na ako, ang tagal-tagal na noon...' 'Tapos sabi niya, 'Oo, oo naman!' 'Tapos sabi niya, 'O, good luck, ha?' Sabi ko, 'Manonood ka ba? Sabi niya, 'Oo, pipilitin ko.' Pero, hindi ka naman nanood, Mother, hinintay kita," natatawang biro pa niya.

"Pero I'm sure manonood siya. At saka, damang-dama ko naman sa yakap ni Mother Lily na tapos na yun. In fact, gusto kong gumawa sa Regal Films. Imbitahan lang ako at mabigyan ako ng magandang piyesa, any time."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN