Karen delos Reyes makes showbiz comeback in Stairway To Heaven

"Ang laki naman ng ulo ko kung sabihin kong magaling ako, di ba? Pero siyempre, na-depress ako for like a month. Parang, 'Shit, ano ba 'to, walang tumatawag!' Tapos kapag may tumawag, they'll say, 'I'll call you back.' Like tatawag ako sa mga friends ko na E.P. [executive producer], so hindi ko nga alam kung ano ang nangyari! Banned ba ako sa GMA? Wala akong kaide-ideya," says Karen delos Reyes about the time she had no offers.


Umaasa si Karen delos Reyes na kung mabibigyan ng chance ay magtuluy-tuloy na sanang muli ang showbiz career niya, simula sa bagong primetime series ng GMA-7 na Stairway To Heaven, kung saan gumaganap siya bilang kaibigan ni Rhian Ramos.

Matagal-tagal nang nawala sa sirkulasyon si Karen. Kaya ngayon ay desidido na siyang ibalik ang kanyang showbiz career.

"I don't know, talagang ilang beses ko nang kinalimutan ang showbiz. I mean, parang from there na nasa taas ka, tapos biglang na-lost. Before kasi, masyado akong nadala ng alon ng showbiz. After mag-flop ng career—actually hindi naman nag-flop—nawala na lang akong bigla," sabi ni Karen nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng Stairway To Heaven noong September 7.

Hindi naman siya completely nawala sa showbiz for the past three to four years, aniya. Yun nga lang, kadalasan daw ng role niya ay minor lang talaga at pasulpot-sulpot lang sa ilang shows ng Kapuso network, gaya ng guest role niya bilang batang Eugene Domingo sa Adik Sa 'Yo

"Actually dito [Stairway To Heaven], hindi rin naman ako major role, pero alam mo yun, yung point na I'm so flattered na napasama ako sa pictorial. May tarpaulin ako. Magkaka-billboard pa. Kumbaga, this is a blessing in the sky galing kay Lord!" bulalas niya.

Noong time na nawala siya, sinamantala niya ang pagkakataon para ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral. In fact, naka-graduate na siya sa kanyang Photography course sa College of St. Benilde noong 2008.

Pero nag-decide na lang ba talaga siyang mag-aral o may nangyari kaya niya naisipang bumalik sa pag-aaral?

"Hindi, kasi na-depressed ako noong mawalan ako ng show after Darna [2005]," pag-amin niya.

BACK TO BASICS. May lumabas na reports noon na masyado raw kasi siyang bilib sa sarili, pero wala namang magagandang roles na naibibigay sa kanya, at meron din daw siyang attitude problem. Ano ang reaksiyon niya rito?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ang laki naman ng ulo ko kung sabihin kong magaling ako, di ba?" sabi ni Karen. "Pero siyempre, na-depress ako for like a month. Parang, 'Shit, ano ba 'to, walang tumatawag!' Tapos kapag may tumawag, they'll say, 'I'll call you back.' Like tatawag ako sa mga friends ko na E.P. [executive producer], so hindi ko nga alam kung ano ang nangyari! Banned ba ako sa GMA? Wala akong kaide-ideya."

Ang ginawa raw ni Karen ay umuwi sa Palawan.

"Pumunta ako ng El Nido. Taga-roon naman ako, kababayan ko si Katrina [Halili]. So, halos isang buwan ako dun. Nagmuni-muni, paano ba? Nagsulat ako. Naging trip ko dun, sulat. Script! Mga buhay-buhay ng mga tao dun.

"Then, pagbalik ko rito, I met friends na mga artsy-patsy, tapos nagugulat sila. Alam nilang wala akong show, pero ang lakas kong gumastos. Like, 'Starbucks tayo!' E, siyempre, may ipon naman ako, di ba? Then, there's this one person, this one guy na barkada ko na, sabi niya, 'You know what, you don't have to spend a lot to be happy.'

"Nawarting ako dun! Na parang, wow! Apak sa pagkatao ko yun, di ba? He taught me how to skateboard na dun lang pala, matutuwa na 'ko, di ba? So, 'yan, skateboard na ako nang skateboard. Mga simpleng bagay. At saka sabi niya, kung mahilig ka sa kape, kung adik ka sa kape, magtimpla na lang tayo ng Nescafe, parang ganoon," lahad ni Karen, na unang nakilala sa isang burger commercial.

Hindi naman itinanggi ni Karen na ang tinutukoy niyang guy ay boyfriend niya for three years now.

"'Saka kaya rin ako nag-aral," patuloy niya, "kasi siya, inisip ko, hindi pa kami nito. Graduate siya ng Benilde also, Multimedia. And yung family nila, artist. So, parang nabuksan ang utak ko. Hindi pala buong buhay ko, showbiz. Meron pala akong puwedeng gawin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Like a lot of friends call me up for events. So, I've been doing events for the past few years. So, puwede kong balikan 'yan. Puwede rin akong mag-photographer. So, maraming puwedeng gawin. Habang wala ako, siguro iniisip nila, 'Naku si Karen, baka naghirap na or something...' Hoy! Meron pa nga nabuntis daw ako. Ano ba, itong ganda kong ito?" natatawa niyang sabi.

ANGEL LOCSIN. May kinalaman pa rin ba ang pagkawala niya sa sirkulasyon ang naging isyu sa kanila noon ng dati niyang co-star na si Angel Locsin?

"Uy, hindi, mahal ko na si Angel ngayon, in fairness!" natatawang sabi ni Karen. "Friends na kami ngayon. We saw each other like two years ago sa birthday ni AJ Eigenmann, which is very, very close friend of mine. So, wala lang, nagbatian kami.

"Sorry for the term, ha, pero, 'tang--! ang tanda na natin. Alam mo yun? So, parang, 'Kamusta ka na? How are you?' Wala na... wala akong grudge sa kanya. Wala naman akong isyu kay Angel."

FROM BAD TO GOOD. Nasanay at nakilala si Karen sa mga kontrabida roles. In fact, marami ang nagagalingan sa kanya bilang kontrabida. Pero dito sa Stairway To Heaven, ang role niya ay si Jenna, ang kikay at mabait na kaibigan ni Jodi (Rhian) nang magka-amnesia ito.

"Kumbaga, magiging kontrabida man ako, sa mga taong umaaway kay Jenna. So, kapag may umaway sa kanya, aawayin din kita. Walang puwedeng umaway sa best friend ko. At saka dito kasi, designer kami. Kumbaga, yung outfit kong ganyan, krung-krung outfit. So, sana tuloy-tuloy na," ani Karen.

Ngayong nakikita niya ang mga bagong kontrabida sa Kapuso network, gaya ng kasama rin niya sa Stairway To Heaven na si Glaiza de Castro, ano ang napi-feel niya?

"Ay, I'm so proud of Glaiza!" sambit ni Karen. "I mean, nakatrabaho ko siya commercial days ko pa lang. I'm so happy for her. My God, bata lang siya dati. I think she was 12 or 13 that time, siguro ako 15. Tapos, nakita ko siya ngayon. Bongga kami ng bagets, artsy-fartsy rin kaya okey kaming dalawa. Bongga siya! Yun lang ang masasabi ko."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

A NEW KAREN. Feeling niya ba, may nagawa rin siyang mali kaya siya nawala sa sirkulasyon?

"Wala akong pagkakamali, malinis ako! Chos!" sabay tawa niya at sabing 'biro lang'. "Everything happens for a reason. Nakalagay sa Bible 'yan. Basahin n'yo nga ang Jeremiah 29:11.

"Hindi, totoo... Si God kasi, He will never forsake us nor abandon us. I mean, everything happens for a reason. Kahit anong mangyaring kaganapan sa earth, sa buhay mo, kahit na nga ngayong down na down ka... I'm sorry, basta na kay Lord ka, pagpapalain ka Niya."

Wala siyang pagsisisi?

"Hindi ko siya pinagsisihan. Kasi kung ginawa ko ang tama dati, wala ako ngayon. Kung hindi ko ginawa ang mga pagkakamali ko before, kung hindi ako nadapa, e, nasaan ako? Isa pa yung boyfriend ko, hindi ako mag-aaral," saad ni Karen.

Born-Again Christian na ba siya?

"Matagal na... since birth! Kaso, noong nakikita n'yo ako na nagluluka-lukahan dati, backslider ako. Ganun. Yung tipong, 'A, sikat ako!' Etchos!" natatawang sabi ni Karen.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN