John "Sweet" Lapus keeps his hands off Rufa Mae-Mo Twister issue

"Pero sana ay walang mawala sa kanila ni Mo sa show kasi mawawalan kami ng issue! Kapag nag-away pa naman ang dalawang 'yan, inaabangan! Kaya we pray na they will both realize ang worth nila sa show. Mahal namin silang dalawa at ayaw naming may mawala sa kanila," says John "Sweet" Lapus about Showbiz Central co-hosts Rufa Mae Quinto and Mo Twister.


Sa nalalapit na pagtatapos ng romantic-comedy series ng GMA-7 na Adik Sa 'Yo ngayong Biyernes, September 11, may lungkot na nararamdaman si John "Sweet" Lapus dahil mami-miss niya ang halos lahat ng involved sa naturang show, lalo na ang buong staff dahil masisipag ang mga ito at hindi raw tumitigil sa kanilang trabaho, umulan man o umaraw. Alagang-alaga rin daw sila palagi sa set.

Kuwento ni Sweet sa PEP (Philippine Entertainment Portal), "More than the cast, siguro ang staff ang mami-miss ko talaga. Kasi sila ang talagang napapagod tuwing taping namin. Kami, darating na lang kami doon at minsan maghihintay. Pero sila, wala silang tigil sa kakakilos. Siyempre, basta set ni Direk Joel [Lamangan], hindi puwedeng babagal-bagal ka, di ba? Kahit ako nga, natataranta kahit hindi ko eksena, e.

"Saludo ako sa kanila kasi kahit abutin na kami ng umaga sa taping, buhay na buhay pa rin sila. Kami uuwi na, pero sila nasa set pa at nagtatrabaho. Kaya deserve nila ang palakpak mula sa aming lahat for a job well done. Hopefully, makatrabaho ko ulit sila."

DENNIS & PAULEEN. Mami-miss din daw ni Sweet ang nakakakilig na tambalan nina Dennis Trillo at Pauleen Luna. Buhay na saksi raw si Sweet sa naging simula ng closeness ng dalawa.

"Ang masasabi ko lang ay nakakainggit si Poleng [palayaw ni Pauleen]! Gusto ko siyang sabunutan at kurut-kurutin dahil naunahan niya ako kay Dennis!" sabay tawa ni Sweet.

Dagdag niya, "Pero sa totoo lang, masaya ako for them. Nasaksihan ko ang unti-unti nilang pagiging close sa bawat isa. Mahirap ngang gawin 'yon ni Pauleen kasi nakaharang ako kay Dennis, pero nakagawa siya ng paraan at naloka na lang ako!

"Siguro nga meant for each other sila. Pareho silang loveless, di ba? Natagpuan nila ng bawat isa sa Adik Sa 'Yo. Ang cute nilang tingnan kapag wala sila sa set. Kung saan man humantong ang dalawang 'yan, tandaan na lang ni Dennis na nandito pa rin ako at handang makipag-inuman sa kanya kapag nabigo pa siya kay Poleng!" tawa ulit ni Sweet.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

(Pero may balitang nakarating sa PEP na break na diumano sina Dennis at Pauleen, kahit hindi pa man sila umaamin sa totoong estado ng relasyon nila.)

SHOW ME DA MANNY. Matapos man ang Adik Sa 'Yo, meron pa namang Show Me Da Manny at Showbiz Central si Sweet. Umalis na nga kahapon, September 8, ang isa sa mga bida nilang si Manny "Pacman" Pacquiao papuntang U.S. para sa training niya sa laban nila ni Miguel Cotto sa November 14.

Marami na raw nabangkong episodes para sa first season ng naturang sitcom. At balita ngang may second season ang show dahil sa magandang ratings nito every Sunday evening at sa pagpasok ng advertisers.

Ani Sweet, "Naku, sana naman totoo na may second season pa kami kasi ang sarap na nasa taping ka ng Show Me Da Manny. Walang pressure at walang stress. Maaga kami matapos kasi hindi puwedeng napupuyat si Pacman. Si Marian [Rivera] naman, hindi rin puwedeng umagahin parati dahil kailangan fresh siya sa set ng Darna.

"Ang nakakatuwa sa show namin, lahat ng big stars gustong mag-guest. Kahit na dumaan lang sila sa set namin, okey sa kanila kasi nga show naman 'yon ni Manny. Kapag may ni-request nga si Pacman na guest, pumapayag na mag-guest. Ganyan kabongga si Manny!

"Kaya we are praying for a second season kasi enjoy kami talagang lahat. Pero siguro nga depende 'yon kay Manny dahil tatakbo siya sa 2010 sa Saranggani, di ba? Pero ganun pa man, salamat sa patuloy na pagpapanood nila ng show every Sunday. We love you all!"

SWEET AT THE MOVIES. Sa movies ay magkakasunod din ang ginagawa ni Sweet. Kasama siya sa Aga Muhlach-Regine Velasquez movie na co-produced ng Viva Films at GMA Films. Wala pang final title ito, pero isa itong romantic comedy mula sa direksiyon ni Joyce Bernal, ang box-office director ng Kimmy Dora: Kambal Sa Kiyeme.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pangatlong movie ko na ito with Regine," banggit ni Sweet. "Nagkasama kami una sa Kailangan Ko'y Ikaw tapos nasundan ng Pangarap Ko Ang Ibigin Ka. In fairness, parehong kumita ang mga movies na ito and I am proud to work with her again. Huli kaming nagkasama sa Ako Si Kim Samsoon sa GMA-7.

"As for Aga, first time ko siya makakasama sa movie kaya nakakatuwa, kasi ang guwapo pa rin niya hanggang ngayon.

"May cameo role naman ako sa ginagawa ni Marian ngayon na movie na Nieves: The Impakto Slayer for Regal Entertainment. Kasali ito sa Metro Manila Film Festival sa December. Enjoy katrabaho si Marian. Nakakaaliw siyang magkuwento. Komedyante rin siya in real life. Okey lang na mag-support ako kay Marian. Sabi ko nga, kung si Darna ay may Ding, si Marian ay may Bading!" sabay halakhak ni Sweet.

RUFA MAE-MO ISSUE. Ayaw namang makialam ni Sweet sa nangyayari ngayon sa mga kasamahan niya sa Showbiz Central na sina Rufa Mae Quinto at Mo Twister. Muli na namang nag-away ang dalawa at kahit nag-sorry na on national television si Mo, mukhang ayaw na siyang patawarin ni Rufa Mae.

"Pareho kong kaibigan sina Mo at P-chi [palayaw ni Rufa Mae]," sabi ni Sweet. "Nakausap ko na silang pareho regarding sa nangyari. Bahala na sila na maayos 'yan, kasi pareho na silang matatanda at hindi na namin kailangang makialam diyan.

"Nag-sorry na si Mo, hindi lang namin alam kung tinanggap 'yon ni P-chi. Siyempre kung may tsismis ngang ayaw na bumalik ni P-chi sa show, malulungkot kami kasi malaking bahagi naman si P-chi ng success ng Showbiz Central. Naiintindihan namin ang nararamdaman niya and karapatan niya na mag-decide sa anong gusto niya.

"Pero sana ay walang mawala sa kanila ni Mo sa show kasi mawawalan kami ng issue! Kapag nag-away pa naman ang dalawang 'yan, inaabangan! Kaya we pray na they will both realize ang worth nila sa show. Mahal namin silang dalawa at ayaw naming may mawala sa kanila," may halong biro ni Sweet.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

TO C IS TO BELIEVE. Masaya namang ibinalita ni Sweet sa PEP na natuloy na ang pictorial niya para sa Calayan Surgicenter. Nakasama niya sa pictorial with ace lensman Raymund Isaac ang TV host-comedian na si Allan K. Makikita na ang kanilang billboard sa buwan na ito.

"Maganda ang concept ng billboard namin for Calayan. Sa pictorial pa lang ay makikita mo na ang kakaibang energy namin. Masaya at may magandang mensahe. Na kahit sino ka pa—boy, girl, bakla o tomboy—welcome ka sa Calayan. Kung ano ang pagpapaganda sa iba ay gano'n din ang gagawin sa iyo.

"Happy ako to still be with Dr. Manny and Pie Calayan. Ika-third ko na yata itong ini-endorse ko sila at marami na silang nagawang maganda, not just for me kundi para rin sa ibang tao," pagtatapos ni Sweet.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN