Vilma Santos shrugs off comments that John Lloyd Cruz outshone her in one scene of In My Life

"So in that particular scene na sinasabi nilang nilamon ako ni John Lloyd, then I'm very happy. At this point in time, wala na akong insecurity sa ganyan. Ang akin nga, kung sino pa ang puwede kong masuportahan, gagawin ko," says Vilma Santos.


Masaya ang Star For All Seasons at Batangas Governor na si Vilma Santos dahil naayos na ang gusot sa pagitan ng Star Cinema at SM Cinemas. Dahil dito, maipalalabas na ang pelikula ni Ate Vi na iprinodyus ng Star Cinema, In My Life, sa lahat ng SM Cinemas simula September 16.

Sa katunayan, bukod sa premiere night ng In My Life sa SM Lipa on September 14, magkakaroon din ito ng premiere sa SM Megamall on September 15, pagkatapos ng premiere sa TriNoMa Mall sa araw ding 'yon.

Ayon kay Ate Vi, "Definitely, I am very happy kasi alam ko kahit papaano makakaapekto na hindi magkasama ang Star Cinema at SM, na kahit papaano iba pa rin yung lahat kasama mo, especially sa showing ng movie mo.

"Thank God kasi nagkaayos na. Magkakaroon nga kami ng dalawang premiere in one night... I don't know kung first time yun—one in Trinoma and one in Megamall. Ang importante, nagkaayos na, nagkakatulungan na, and this would be good for our movie industry.

"Mayroon din kaming premiere night in Lipa on the 14th. Yun naman ay bilang isang public servant, kapalit naman yun ng mayroon din akong nagagawa for my constituents. Dahil ang proceeds nito ay mapupunta sa Alay Lakad for our out-of-school youth. I'm so thankful to Star Cinema, ibinigay nila nang libre yung pelikula. Not a single centavo will go to me or to Star, but it will go to Alay Lakad, senior citizens, and out-of-school youth."

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Ate Vi sa "Laki Sa Gatas" nutrition drive ng Bear Brand sa Ponciano Bernardo Elementary School kahapon, September 9.

"NILAMON" NI JOHN LLOYD... Kung husay at kalidad bilang isang artista ang pag-uusapan, wala nang kuwestiyon sa mga napatunayan ni Vilma. Pero may mga lumalabas na intriga na "nilamon" daw siya ng co-star niya sa In My Life na si John Lloyd Cruz sa confrontation scene nila na ipinapakita sa trailer. Ano ang masasabi ni Ate Vi rito?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Naku, hindi ako nagpa-panic sa ganyan!" sabi niya. "Ako yung isang artista na naniniwala na ang isang artista ay hindi ka puwedeng gumawa ng isang pelikula na ikaw lang. If we will talk about a good movie, kasama lahat ng aktor, direktor... kasama 'yan.

"So in that particular scene na sinasabi nilang nilamon ako ni John Lloyd, then I'm very happy. At this point in time, wala na akong insecurity sa ganyan. Ang akin nga, kung sino pa ang puwede kong masuportahan, gagawin ko.

"In this particular movie, may kanya-kanya kaming roles. I am doing my role, Luis [Manzano, Vilma's son] is doing his role, and John Lloyd is doing his role, too. Ngayon, pag pinagsama-sama mo yun at naka-create ka ng isang magandang pelikula, you should be proud.

"If they think na nilamon ako, it doesn't matter. I am very, very proud of John Lloyd, he's such a good actor. Kung ako naman makakasuporta, I'd rather do that. Ano pa ba ang kailangang ika-insecure ko at this point in time? Ang laban namin diyan is to create a good film and we have very good actors, we have very good director, and we have a very good production. Ano pa ang hahanapin ko?" pahayag ng Star For Al Seasons.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN