Angelika dela Cruz plays good girl for a change in Kaya Kong Abutin Ang Langit

Angelika, who's on the comeback trail after giving birth, said she didn't request not to be given contravida roles on her return. "Nagkataon lang. Sanay naman na akong manampal, magtaas ng kilay. So siguro, gusto rin nila na maiba naman."


Ilang buwan ding namahinga si Angelika dela Cruz sa telebisyon dahil sa panganganak niya. Pero after a few months, sa kanya na rin mismo nanggaling na gusto na niyang magtrabaho at umarteng muli.

Masasabing hindi naman siya pinapabayaan ng GMA-7 dahil may bago na siyang sineserye ngayon, ang Kaya Kong Abutin Ang Langit, mula sa pelikulang pinabidahan nina Maricel Soriano at Gina Alajar in 1984.

Excited daw siya dahil bukod sa first time nilang magkakasama ni Iza Calzado, balik "mabait" role raw siya dito.

"Actually, first time namin ni Iza na magkakasama. Magkasama kami sa taping lang, guesting lang, pero yung regular series, ngayon lang talaga. And for a change, ako ang mabait," nakangiti niyang sabi.

She will play the character that Gina portrayed in the movie.

"E, di ba, yung pinaka-lead dun si Maricel, siya yung ambisyosa na gagawin ang lahat. Si Iza yun. Then, akin yung role ni Direk Gina at magkapatid kami. Ako yung sister niya na mabait."

Hindi naman daw niya ni-request na huwag namang kontrabida ang pang-comeback role niya.

"Hindi ko siya ni-request. Nagkataon lang. At saka, sanay naman na akong manampal, magtaas ng kilay. So siguro, gusto rin nila na maiba rin naman."

NEW MANAGER. Nakausap namin si Angelika sa blessing ng bagong opisina ni Perry Lansigan, ang PPL Entertainment, Inc. Si Angelika ay isa sa mga bagong alaga ni Perry at kauna-unahan din na babaeng artista na tinanggap nitong alagaan talaga.

Ayon kay Angelika, may one month na siguro siyang under kay Perry at matagal nang hindi na ang daddy niya ang nagma-manage sa kanya.

"Nag-GMA Artist Center rin ako, pero booking lang, hindi talaga management. Si Daddy kasi, ayaw na niya, pagod na siya. Siyempre, he wanted someone that we can trust and we want Tito Perry."

CHURCH WEDDING. Bukod sa kanyang pagbabalik-showbiz at pagiging isang ina, isa sa pinagkakaabalahang asikasuhin ni Angelika ngayon ay ang kanyang nalalapit na church wedding sa December 4 sa Tagaytay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Although, kasal na sila ng asawang si Orion Casereo sa civil rites, tuloy pa rin daw sila sa planong pagpapakasal sa church.

"Sa December 4 kasi, fourth year anniversary rin namin yun. Yung exact venue hindi pa namin inaano, pero sa Tagaytay. Actually, dapat noong December 4 talaga yung church wedding. Kaso, nabuntis nga ako, ayoko namang ma-stress. Buntis ka tapos ang daming aasikasuhin. Kaya we moved it."

Very hands-on daw silang dalawa sa kasalang magaganap.

"Kaming dalawa talaga ni Orion, at saka si baby Gabriel, kasama siya," natatawang kuwento ni Angelika. "Actually, simple wedding lang naman. Family and friends lang."

She seems contented and happy with her life...

"Yes, maiba naman," natatawa niyang sabi. "Yung mga past relationships, alam naman ng lahat na hindi naman smooth sailing, di ba? So, maiba naman. And ito na ang right time. Hindi na ito yung boyfriend-girlfriend lang, family na 'to. So, thank God naman. I'm very thankful kay Lord na ibinigay niya sa akin yung gusto ko talaga."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN