Cristine Reyes ecstatic over her experience at Seoul International Drama Awards

Cristine Reyes graced the 4th Seoul International Drama Awards held last September 11. The sexy actress was nominated as Best Actress for Eva Fonda, which won a special prize for Best Drama Series.


Umani ng tagumpay ang ABS-CBN drama series na Eva Fonda makaraang manalo ito ng Special Award sa katatapos na 4th edition ng Seoul International Drama Awards na ginanap sa Olympic Hall sa Seoul, South Korea. Mismong ang star ng soap na si Cristine Reyes ang tumanggap ng parangal.

Proud na proud si Cristine sa teleseryeng pinagbidahan niya sa ABS-CBN. Hindi niya inakala, at maging ng bumubuo ng Eva Fonda, na ang lahat ng kanilang pinaghirapan ay magdadala pala ng karangalan sa Kapamilya Network at sa buong bayan.

Laking gulat nila nang sa Seoul International Drama Awards ay ma-nominate ang programa, at si Cristine naman ay ma-nominate sa Best Actress category.

Huwebes, September 10, lumipad patungong Korea si Cristine, kasama ang ABS-CBN Entertainment Head na si Linggit Tan at ang mga direktor ng serye na sina Jon Red at Frasco Mortiz. Kinabukasan, September 11, ipinagkaloob ang Special Award for Drama Series para sa programang Eva Fonda.

Tinalo ng Eva Fonda ang mga drama shows galing sa mga bansang Russia (Fathers and Sons), Singapore (Fighting Spiders), Turkey (Forbidden Love), Iran (Token) at United Kingdom (Britannia High).

Kahapon, September 13, ay ipinalabas sa The Buzz ang interview kay Cristine matapos ang kanyang memorable experience sa Korea.

"Thank you, thank you! Sobrang natuwa ako siyempre dahil ako lang ang Pilipino na nandun. At the same time, ang Eva Fonda nanalo!" masayang bulalas ni Cristine.

Ipinagmalaki rin ng sexy actress ang kanyang bagong karanasanang ito.

"Sobrang enjoy. Tapos 'yon, marami akong na-meet na mga actors, producers, and directors."

Ikinatuwa rin ni Cristine na kilala ang Eva Fonda sa Korea. Sa katunayan daw ay "Eva" ang tawag sa kanya ng mga Koreano. At maging ang mga Amerikanong naroon ay nabighani rin sa dating ng current FHM's sexiest woman.

"Nakakatuwa kasi binigyan ako ng card nung CSI guy, yung producer. Tapos sabi niya if ever na mapadpad ako sa USA, i-message ko raw siya, i-email ko raw siya tapos dadalhin niya ako sa set ng CSI. Sabi ko, wow!" salaysay ni Cristine. (Ang CSI ay isang sikat na drama series sa U.S. na ilang beses nang nanalo sa Emmy Awards.)

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa awards night ay naging presenter pa si Cristine para sa dalawang kategorya. Hindi rin niya makalimutan ang kanyang red-carpet experience.

"Ang saya niya kasi yung paparazzi talagang alam mo yung mga lights. Kumbaga pag nakikita mo yung red carpet sa Hollywood, para talagang pose sila. Sobrang pinaghahandaan nila. Sobrang laki nung event!"

Hindi man naiuwi ni Cristine ang Best Actress trophy, masaya pa rin ang sexy actress sa kanyang nomination.

"Medyo nalulungkot ako. But then, kung iisipin ko, natuwa na rin ako dahil yung ma-nominate ka pa lang is malaking karangalan yun."

Matapos ang awards night, nakaikot pa raw si Cristine sa Korea, kasama ang kanyang translator.

Very memorable daw talaga kay Cristine ang experience niyang ito na nagbigay ng karangalan, hindi lang sa kanya kundi maging sa ABS-CBN at sa Pilipinas.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN