Iza Calzado feels strongly for only one electoral candidate

May 5, 2016
<p>Iza Calzado is pushing everyone to vote and to vote wisely, "Exercise your right to vote. Huwag magpadala sa mga nababasa lang lahat sa Facebook, every day new things are popping up. So thorough research lang din at gamitin natin ang mga utak natin sa

Bilang political satire ang pelikulang My Candidate na kinabibilangan ni Iza Calzado, natanong namin ang aktres kung sino ang kandidato niya ngayong May 9 elections.

Tila kasi ang kongresista na si Leni Robredo, na tumatakbo sa pagka-bise presidente, ang sinusuportahan niya.
 
Pero hindi ito kinumpirma ni Iza.
 
Sabi niya, “I like her, I like her, but I’m not campaigning for anybody.”
 
May pinost din daw siya sa kanyang Instagram account tungkol sa bagay na ito.
 
“Yung pinost ko sa Instagram account ko, sa vice-presidential race, si Tito Greg [Gregorio Honasan].

“His son is my friend, inaanak ko pa yung apo niya.
 
“Si Kuya Alan [Peter Cayetano] and Ate Lani [Cayetano], we’re friends as well.

“With Leni Robredo, my parents knew her. My mom was good friend with the brother of [the late] Secretary Jesse Robredo.

“Bicolana ang nanay ko and, actually, Leni remembers me.

“Mrs. Robredo remembers me and she was like, ‘Naaalala pa kita.’
 
“She’s so nice and she’s a lovely woman.
 
“And Senator Chiz [Escudero], of course, he’s Heart’s husband [Heart Evangelista].”
 
Dugtong pa niya, “Si Senator Bongbong Marcos, wala kaming personal relationship.

Continue reading below ↓

“But I know him socially like, ‘Hi, Sir, how are you?’
 
“But I’m more careful with everyone and, I think also, it’s the craziest election we’ve ever had.

“Para sa akin, I’ll just take the backseat.

“I don’t feel passionately for any of them except for one person, so yun lang.”
 
Nakausap PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Iza sa presscon ng My Candidate sa 55 Events Place noong Martes, May 3.

RESEARCH PA MORE. Isa si Iza sa mga artistang boboto sa Lunes, Mayo 9.
 
Sabi nga niya, “Ay naku, ‘no, talagang kailangang mag-vote para may karapatan akong mag-complain, exercise your right to vote.
 
“Sabi nila magkakadayaan, so what?

“At least, you do your part, it’s so crucial and I believe you have to do your part.”

Bilang isang botante, ano ang batayan niya sa pagboto?
 
Mabilis na sagot ni Iza, “I vote who I want to vote.

“It doesn’t matter kung talunan siya, the person I believe in.

Continue reading below ↓

“Ako, if there’s something that I really want to tell the voters is to choose wisely.

“Huwag magpadala sa mga nababasa lang lahat sa Facebook. Every day, new things are popping up.

“So thorough research lang din at gamitin natin ang mga utak natin sa pagboto.”

Hindi pa raw desidido si Iza kung sino ang iboboto niya bilang presidente.

“Hindi pa ko sure sa president, at sa senators, hindi pa ko kumpleto.”
 
Pero biro niya, “Basta po, Vera Sanchez, iboto natin.”
 
Si Vera Sanchez ang karakter ni Iza sa pelikulang My Candidate na mapapanood na sa Mayo 9.

Read Next
Read More Stories About
Iza Calzado
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
<p>Iza Calzado is pushing everyone to vote and to vote wisely, "Exercise your right to vote. Huwag magpadala sa mga nababasa lang lahat sa Facebook, every day new things are popping up. So thorough research lang din at gamitin natin ang mga utak natin sa
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results