Iza Calzado wants to keep her current lovelife private—if possible

"I think it's really high time that I do something outside of that box," says Iza Calzado about playing offbeat characters.


Kasama ang magaling na aktres na si Iza Calzado sa cast ng comedy film na Yaya & Angelina (The Spoiled Brat Movie) ng APT Entertainment and GMA Films. Parang break nga raw sa dramatic actress ang movie dahil this time, comedy naman siya at may pagkakontrabida pa raw ang role niya in a funny way.

Kuwento nga ni Iza sa presscon ng Yaya & Angelina kahapon, September 15, "Ako ang manggugulo sa buhay ni Yaya [Michael V] and Angelina [Ogie Alcasid]. Basta, masama ako rito! Pero actually, sa movie, naging antagonist na rin ako kay Binoe [Robin Padilla], yung Blackout. Pero dito, funny naman 'to. At saka, yung buong film, kahit bad ako, parang nakakatawa pa rin ang pagka-bad."

Tamang-tama naman daw para sa kanya ang exposure niya sa movie.

Kumustang katrabaho sina Ogie at Michael V?

"Bad girl ako dito, sinisigaw-sigawan ko sila. Tine-threaten-threaten ko sila. But you know, they are both genius. Si Kuya Bitoy [Michael V], sobra siyang creative. Actually, pareho silang sobrang witty, sobrang bilis.

"Pero si Kuya Bitoy, parang may kasamang Knowledge Channel [cable channel]. May trivia palagi. Parang, 'Oh my gosh!' Si Kuya Ogie naman, siguro mas pilyo. Makulit kasi. Kunwari may green jokes, very La Salle. Ang definition ko dun, 'very La Salle' kasi marami akong friends na La Sallista."

Mukhang seryoso palagi si Iza kaya marami ang nagtatanong kung kaya ba niyang mag-comedy, lalo na't nakilala talaga siya sa drama.

"Yun nga ang misconception ng tao," sabi niya. "Off-cam, ang kulit ko! Ang kulit-kulit ko off-cam. Kung alam lang ng tao. Actually, ang dami kong na-e-encounter na ganoon. They always tell me that I'm serious or they perceive me to be serious. Kaya kapag nami-meet nila ko, nagugulat sila."

WHEN GOOD GIRL TURNS BAD... Nagkataon lang naman daw siguro na bad roles ang ginagawa niya ngayon dahil sa bago niyang afternoon series sa GMA-7 na Kaya Kong Abutin Ang Langit, may pagka-kontrabida pa rin ang role niya na unang ginampanan ni Maricel Soriano sa pelikula.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nagkataon lang po siguro," ani Iza. "Kasi ito [Yaya and Angelina] naman, ibinigay lang sa akin ni Sir Tony [Tuviera, APT producer]. Siyempre, tatanggihan mo ba? Tapos, GMA Films din. So, I was so happy at sobra akong fan nina Yaya and Angelina. Sobrang tuwang-tuwa talaga ako at kapag nasa Bubble Gang kami, sobrang nakakatawa! Kaya sobra akong excited. Nagkataon lang talaga.

"But I think it's good. I get to showcase yung range ko as an actress. Kasi, nabiyayaan din ako ng Rowena Joy, tapos ito. Whereas before, pare-pareho—inaapi, damsel in distress... So, I think it's really high time that I do something outside of that box."

Matagal na raw niyang gustong maging versatile sa lahat ng ginagawa niya.

"Nag-umpisa naman ako noong Milan [Star Cinema movie]. Nagkataon lang siguro noong time, yun ang naibigay. It was still a very challenging role," paliwanag ni Iza.

Excited na rin si Iza sa pagsisimula ng taping ng Kaya Kong Abutin Ang Langit ngayong araw na ito, Sept. 16.

"Sobra! Napi-pressure, nae-excite. Lahat na! Kinakabahan!" natatawang paglalarawan ni Iza sa pagsisimula ng bago niyang project sa Kapuso network.

Feeling daw niya, mare-retain sa TV version ang linyang pinasikat ni Maricel sa movie: "Ayoko ng masikip, ayoko ng putik..."

"First time ko rin makakasama si Angelika dela Cruz at si Ms. Lani Mercado," banggit pa ni Iza.

IZA VS. SUNSHINE. Ang kaibigan at sinasabing karibal ni Iza pagdating sa acting na si Sunshine Dizon ay ire-remake naman ang Tinik Sa Dibdib ni Nora Aunor. Dahil sa naging isyu sa kanila recently, sa palagay ba ni Iza ay may pressure sa kanilang dalawa ngayon ni Sunshine pagdating sa sinasabing kumpetisyon sa pagitan nila?

"Hindi rin, hindi rin... Kasi, ever since, ako talaga, ang focus ko, itong trabaho ko lang talaga. Kasi kapag pinakialaman ko pa or inintindi ko pa ang trabaho niya or isyu niya, ako rin ang magsa-suffer, e," ani Iza.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nagkita na sila sa ilang pagkakataon, okey na ba sila?

"Opo, wala naman. Ayoko na rin po namang pag-usapan para matapos na. Kung pagbibigyan n'yo po ako, sana huwag n'yo na lang pong itanong," pakiusap niya.

Nangiti lang si Iza when we told her na sa tagal na rin niya sa showbiz, tila ngayon lang siya nabalitang may nakaaway o nakasamaan ng loob.

Ang Kaya Kong Abutin ang Langit ni Iza at Tinik Sa Dibdib ni Sunshine ay parehong tampok sa Sine Novela.

IZA'S "SHY" BOYFRIEND. When it comes to her lovelife, pigil na pigil pa rin si Iza na magkuwento, bagamat inamin na niyang may non-showbiz boyfriend siya ngayon.

Mas naiintindihan na ba ng boyfriend niya ang showbiz?

"Nahihiya pa rin. Pero alam naman niyang kasama yun," nakangiting sabi ni Iza."

Ibinigay ngang halimbawa ni Iza ang nangyari noong birthday party ni Ogie noong August 27, kung saan kasama niya ang non-showbiz boyfriend niya. (Click here to read related story.)

Kuwento niya, "Nagulat lang din kami nang gabing yun [birthday ni Ogie]. Hindi nga ako makapagsalita nang maayos. Nabasa ko ang write-up sa PEP, sabi ko, 'Parang ang bobo ko namang sumagot dito!' Parang wala akong nasabi kung hindi, 'Ah, ah...' Kasi, I was really caught off-guard.

"But you know, it was really bound to happen. It's inevitable. It's a small world at saka aksidente talaga siya na nangyari. Sabi nga ni Ate Ara [Mina], nabasa ko yun kay Dolly Anne [Carvajal], that is why she doesn't bring her boyfriend.

"Ako kasi, I asked Kuya Ogie three times if there will be press people. Not that I don't want to share things with you, but I was hoping to keep things private. Kasi nga, mahiyain [si boyfriend]."

Hindi kaya dahil ayaw niyang ma-expose ang boyfriend sa intriga?

"Kasama na rin yun, kasi nga, yun nga, private person."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dahil ba nanggaling na rin siya sa ganoong sitwasyon noon kaya she wants to keep things private this time?

"Kasama na rin yun. I-add mo na rin lahat 'yang sangkap," pagsang-ayon niya.

Sa ngayon, ayaw na raw niya munang isipin kung sakaling sa kabila ng sinasabi niyang "privacy" ay hindi pa rin mag-work ang relationship niya.

Alam din ni Iza when to say "okay na, tama na" during an interview kapag feeling niya, lumalampas na sa gusto lang niyang i-share ang line of questioning ng reporters.

But she was still asked kung paano ba niya ide-describe ang bagong boyfriend niya.

"Siguro ano na lang, disiplinado, maprinsipyo, mabait. Yun, basta okey naman siya. Edukado at matalino," matipid na sagot ni Iza.

Sa tingin ba niya ay kaya ng boyfriend niyang mag-adjust sa showbiz life niya?

"I'm sure... I'm sure kaya niya yun."

Natawa na lang si Iza nang marinig ang balita na ang bagong boyfriend daw niya ang bumili ng bagong bahay na tinitirhan sa may Acropolis.

"Actually, first time kong marinig yun noong mag-guest ako sa Showbiz Central. Dapat pala, sinabi ko yes, para lie na sumayaw sila!" natatawa niyang sabi.

Pero diin ni Iza: "Actually, bago ko pa siya na-date, nabili ko na ang bahay."



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN