Successful triple premiere of In My Life made Luis Manzano tearful

"Nasanay ang mga tao na nagpapatawa ako, nangungulit or naghu-host. So, nakakatuwa na people appreciate what I do in terms of drama. Nakakaluha..." says Luis Manzano.


Sa mainit na pagtanggap ng mga tao sa tatlong premiere ng Star Cinema movie na In My Life—sa SM Batangas noong September 14 at sa TriNoMa Mall at SM Megamall kahapon, Sept. 15—inaasahan na magiging blockbuster din ito gaya ng ibang pelikula ng film arm ng ABS-CBN.

Ang In My Life ay tinatampukan nina Vilma Santos, John Lloyd Cruz, at Luis Manzano, mula sa direksiyon ni Olivia Lamasan.

Pagkatapos ng premiere sa SM Megamall kagabi ay nagkaroon ng cast party ang In My Life sa Tia Maria's. Dito ay nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Luis at ipinahayag niya ang kasiyahang nararamdaman sa success ng kanilang premiere.

"I'm very, very happy!" bulalas ng actor-TV host. "Napakainit ng pagtanggap ng tao, na-appreciate yung pinaghirapan naming lahat. Hindi naman din talaga biro ang lahat ng pinagdaanan namin, ng buong cast, si Direk Olive... Grabe ang natutuhan namin sa project na ito. I'm really thankful and happy na napakainit ng pagtanggap ng tao at na-appreciate nila talaga ang bawat karakter, ang bawat arte na ginawa namin."

Patuloy niya, "Nasanay ang mga tao na nagpapatawa ako, nangungulit or naghu-host. So, nakakatuwa na people appreciate what I do in terms of drama. Nakakaluha... After ng Batangas premiere night namin, kahit yung nangyari earlier sa Trinoma afterwards and in Megamall, napapaiyak pa ako kasi parang iba yung sense of achievement in this project. Naluluha ako and it only goes to show kung gaano kaimportante sa akin ito."

First time na nangyari na nagkaroon ng tatlong premiere night ang isang pelikula sa Pilipinas. Ano ang masasabi rito ni Luis?

"Yes, first time nga and, in fairness, nakakapagod, ha! But of course, we owe it to the public naman. Gusto naming maging espesyal para sa lahat ang magiging premiere night namin. Ang ginawa ng TriNoMa at SM, nagbukas din sila ng cinema, nagbenta sila ng tickets. So medyo nagkaroon ng advance screening. Siguro ABS and Star Cinema, alam nilang isa itong napakalaking project at napakalaking suporta naman ang nakukuha natin. So siguro, we have to get back kaya ginawang ganun na tatlo ang premiere night."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Luis also expressed his happiness na naayos din agad ang gulo sa pagitan ng Star Cinema at SM Cinemas, at ngayon nga ay mapapanood ang In My Life sa lahat ng mga sinehan ng SM.

"Sabi ko nga, tulungan ang industriyang ito. Hindi maiiwasan na magkaroon ng problema here and there, but at the end of the day, ang gusto lang naman ng Star Cinema at ng kahit na anong moviehouse ay magpasaya ng tao. Mas mabuting nakahanap ng compromise sa anumang problema dahil maraming mapapasaya, the fact na nagkaayos na sila."

MORE DRAMATIC ROLES. Sa ganda ng performance na ipinakita ni Luis sa nasabing pelikula, expected na simula na ito nang paggawa niya ng mga drama at mabibigat pang roles.

"Kung ano ang ibibigay sa akin ng ABS," nakangiti niyang sabi. "Pero siguro naman, hindi gagawin ng ABS na puro drama na lang. Of course, ang mga tao, maghahanap din ng variety. Pero siguro now that they've seen kung ano ang kaya ko, siguro they're more willing to give me heavier roles."

Kakatwa mang isipin, pero nandun ang kilig ng mga tao sa tuwing ipapakita ang mga intimate at sweet scenes nina Luis and John Lloyd. Ano ang masasabi ni Luis dito?

"Honestly, kami ni John Lloyd, medyo napapangiti kami at natutuwa kami na may ganung reaction pag nakikitang may holding hands o may lambingan, dahil hindi madali na gawin o makuha ang chemistry na yun. The fact na na-appreciate ng tao yun, I guess we did something right or mayroon nga kaming chemistry," saad niya.

Sa premiere ng In My Life sa TriNoMa Mall ay present ang ama ni Luis na si Edu Manzano para magbigay ng suporta sa kanya, kay Vilma, at sa lahat ng bumubuo ng pelikula.

"I'm very, very happy that he's here," sambit ni Luis. "Yun ang belated birthday gift ko sa kanya kasi nag-birthday siya last September 14. Tinext ko siya, 'This is my birthday gift for you.' Ang sabi nga ng dad ko, that's the best birthday gift na na-receive niya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN