Jana Roxas breaks silence over painful past with Alfred Vargas


Last year, Jana Roxas was really hurt after Alfred Vargas denied their relationship. But she has already moved on, and doesn't see any problem if GMA-7 gives her a project with her ex-boyfriend. "No problem po, much better po kung magkakasama kami sa isang show," she tells PEP.


Balik-acting ang StarStruck 3 Avenger na si Jana Roxas sa Ikaw Sana, ang primetime soap na muling pagtatambalan nina Mark Herras at Jennylyn Mercado, sa direksyon ni Joel Lamangan. Matagal-tagal ding nawala si Jana sa showbiz dahil kinailangan muna raw niyang magpapayat.

Ngayon, naka-lose na siya ng 20 lbs at unti-unti nang bumabalik sa dati ang kanyang figure. Sa katunayan, nilapitan na siya ng most widely-read men's magazine na FHM para mag-pose sa cover, pero ang sabi niya sa PEP (Philippine Entertainment Portal) kagabi, September 15, during the press launch of Ikaw Sana, kailangan pa niyang mag-lose ng ilang pounds. Sa height niyang 5'4" ay nabibigatan pa rin sa weight niyang 110 lbs.

If ever matuloy ang kanyang sexy pictorial, may limitations ba siya?

"May limitations pa rin po, pero depende sa kung hanggang saan ako papayagan ng GMA Artist Center na mag-pose nang sexy. Susunod lang ako sa kanila. Siguro, mas practical na ako ngayon since I've just turned 19 na rin po," sabi ni Jana.

Sa unang pagkakataon, nagkaroon na rin ng chance ang PEP na linawin kay Jana ang naging issue noon sa kanila ng napabalitang boyfriend niya na si Alfred Vargas.

Nag-isip muna ito kung sasagot siya, pero kinulit pa rin siya ng iba pang entertainment press, kaya napakuwento na rin ang budding star ng GMA-7.

"Nagkakilala po kami sa isang show," panimula niya. "Niligawan niya ako at dahil mabait siya, very sweet, parang siya na ang nagturo sa akin how to grow—kasi eighteen pa lang ako noon—at panatag ako kapag kasama ko siya, naging kami na. Wala po naman kaming usapan na itago ang relasyon namin, lumalabas kaming magkasama."

Sinegundahan ng ilang reporters ang kuwento ni Jana at sinabing madalas silang makitang magkasama noon. Hiinahatid pa nga raw siya nang maaga sa gym, at alam nilang may relasyon sila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Natawa lamang si Jana sa mga narinig, dahil noong ibinalita ang relasyon nila, hindi niya inasahan ang naging takbo ng mga pangyayari.

Pagbabalik-tanaw niya, "Tumagal din po ng eight months ang relasyon namin, until lumabas ang issue at ininterbyu ako noon ng Showbiz Central. Inamin ko ang relasyon namin, pero nag-guest din siya sa show, napanood ko at nag-deny siya na may relasyon kami. Kaya 'yong interview sa akin ng show, hindi na nila ipinalabas kasi nga nag-deny na siya. Hindi na rin ako nagsalita kahit may mga humihingi ng interview sa akin."

May closure ba ang kanilang relasyon?

"Nagpaalam lang po siya sa akin noon na gusto raw niyang hanapin ang sarili niya. Hindi ko po alam na may iba na pala siyang girlfriend noon. Hindi na po siya nagpaalam nang maayos, basta na lang siya nawala," sagot ni Jana.

Nasaktan daw siya sa mga nangyari at mga ilang buwan din niya itong iniyakan.

"Sobra po. Ang sakit po sa akin noon na idini-deny niya ako. Naapektuhan din po ang mommy ko. Naging close kasi sila, pumupunta po siya sa amin sa Tarlac noong kami pa. Siguro po, mga three months din bago ako tumigil sa pag-iyak, tuwing maalaala ko ang nangyari sa amin," ang medyo malungkot niyang paglalahad.

Pero paniniguro niya, "Naka-move on na rin po ako, and I'm happy na rin for him. Nakita ko na po ang girlfriend niya sa Facebook niya."

Isang kasamahan sa press ang nagbiro kay Jana, paano kung humingi ng tulong sa kanya si Alfred sa pangangampanya nito para sa election this 2010? Hindi kaila sa lahat na kakandidato bilang councilor ng Quezon City ang 27-year-old actor.

Sagot ni Jana, "Okey lang po 'yon. Tumawag siya sa akin noong birthday ko, August 22, at binati ako. Natatandaan po niya 'yon dahil pareho ang birthday namin ng mommy niya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May boyfriend na ba siya ngayon?

"Wala po. Dalawa pa lang naman ang naging boyfriend ko. Si Bugz Daigo, 'yong kasama ko sa StarStruck 3, at one year ding tumagal ang relasyon namin. Si Alfred na po ang sumunod."

Dagdag pa niya, kung magkakaroon siya ulit ng boyfriend, ang gusto niya: "Sana po hindi na taga-showbiz."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN