All-out bold actor Marco Morales plans to hire agent for international movie assignments

After doing the international film The Consul of Sodom, actor Marco Morales is now thinking of getting an agent for international movie assignments. "Napag-isip-isip din ako na magpursigeng makakuha ng agent na may connections sa iba't ibang film productions abroad, na kung kailangan ang isang gaya ko sa casting, pupuwede akong mabigyan ng trabaho."


Walang hinto sa pagtatrabaho si Marco Morales. Katwiran niya, hanggang dumarating ang assignments, sige lang nang sige. Hindi pa naman masasabing made na siya, pero nagwo-work to his advantage yung hindi siya nag-i-impose ng kung anu-anong limitasyon.

"Sabi naman ng iba, madali raw akong pagsasawaan kapag ganoon," 'ika niya. "Hindi ko naman iniisip na ganoon. Ako, kung maganda ang role at nahuhusayan ako sa direktor, wala akong arte sa katawan. Kung ano ang kailangang gawin sa eksena, gagawin ko.

"Dito nga sa Pipo, marami na naman silang magugulat sa ginawa ko rito. Hintayin na lang nila at malapit na ring maipalabas. Hindi na isyu sa akin kung nag-frontal nudity ba ako o hindi, kasi, alam ng mga tao na ginagawa ko yun.

"Okey rin lang na hindi ko gawin, kung hindi naman nire-require. Pero, so far, very daring and sexy yung themes ng movies na ginagawa ko," ani Marco.

Gaya nga sa Pipo na dinirek ni Bong Ramos, ang gusto kasi ni Marco ay mag-grow sila nang sabay ng direktor nito.

"Nahuhusayan ako kay Bong at gumagawa rin naman siya ng movies na hindi daring ang tema, like yung Haw-ang, napanood ko yun. Pero, very unconventional ang characters niya. Gaya sa ginagampanan ko sa Pipo, cybersex performer ako rito, nagpe-perform ng sex sa harap ng webcam," sabi pa niya.

Besides, nakatrabaho na niya si Bong sa Butas (Loophole) at Big Night, and in those films, talagang nag-all-out din si Marco. Ito rin ang dapat asahan sa Pipo, lalo na't mga palaban din daw yung mga kasama niya rito, like Tyrone Perez and Michelle Estevez.

Ganito rin ang dating halos ng I Luv Dreamguyz na natapos ni Marco sa bakuran ng kumpanya ni Manny Valera na DMV Entertainment at dinirek ni Joel Lamangan, na ilang ulit na ring nakatrabaho si Marco.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Comfortable na kasi ako sa kanila, like kay Bong at Direk Joel, kaya hindi ako nagdadalawang-isip kung kailangang maghubad ako. Kasi, alam ko, kung gagawin ko yun, kailangan talaga, lalo kung sila ang nag-uutos," sabi pa ni Marco.

GOING INTERNATIONAL. Iba naman ang dating ng international film na The Consul of Sodom. Nag-audition pa siya para sa pelikulang ito. Katambal niya rito ang Latin actor na si Jordi Molla na nakalabas na sa ilang foreign films, tulad ng Jamon, Jamon, Inhale.

"Nag-text si Arnold Vegafria sa akin, informing me na may audition. Nagpunta ako sa Dusit Hotel. Nakuha naman ako. Nagustuhan ako ng direktor [Sigfrid Monleon] dahil perfect daw ako roon sa character ng lover ng Spanish poet na ginampanan ni Jordi.

"Period movie kasi ito, ang setting, mga 1930s na umabot pa noong '70s, kaya very interesting. Yung experience ko rito, napag-isip-isip din ako na magpursigeng makakuha ng agent na may connections sa iba't ibang film productions abroad, na kung kailangan ang isang gaya ko sa casting, pupuwede akong mabigyan ng trabaho.

"Napagkuwentuhan nga namin ni Jordi 'yan sa set. Ang sabi niya, ganoon din ang nangyayari sa kanya na hindi kailangang gawin niyang base ang Hollywood. Kaso, marami ang kumakausap sa aking agents na mas madali para sa akin kung gagawin kong base ang Hollywood, o kaya sa Australia na lang, pero naririto kasi sa Pilipinas ang mga trabaho para sa akin.

"Hindi ako nawawalan ng trabaho rito sa Pilipinas. Pinag-iisipan ko pa rin ang diskarte at pasikut-sikot tungkol sa bagay na yan," sabi na lang ng aktor.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN