Ruffa Gutierrez rents theater for special screening of John Lloyd Cruz's movie In My Life

"Maganda daw talaga yung pelikula kaya excited na ako mapanood. Sabi nila nakakaiyak daw, nakakatawa, ang gagaling daw nilang umarte lahat. So I'm really expecting to cry, nagdala ako ng maraming tissues. And I'm really expecting to watch a really good film," explains Ruffa Gutierrez on why she decided to host a special screening for In My Life, which stars John Lloyd Cruz (inset).


Isang special screening ang ibinigay ni Ruffa Gutierrez para sa pelikulang In My Life sa My Cinema, Greenbelt 3, kagabi, September 16—opening day ng naturang pelikula ng Star Cinema. With a seating capacity of more than 50 seats, nirentahan ni Ruffa ang sinehan for P20,000 under the name of Jay Bautista.

Ang lead cast ng In My Life ay sina Vilma Santos, Luis Manzano, at ang nali-link kay Ruffa na si John Lloyd Cruz.

Ilang malalalapit na kaibigan ni Ruffa ang nakita ng PEP (Philippine Entertainment Portal) na pumunta sa special screening. Nauna na si Ana Roces na mag-isang dumating, sumunod ang best friend ni Ruffa na si Donita Rose, at maya-maya lang ay dumating na rin si Bubbles Paraiso.

A few minutes before the actual screening scheduled at 9 p.m., dumating si Ruffa with her parents, Eddie Gutierrez and Annabelle Rama.

Bago nagsimula ang screening ay nakausap ng TV crew at iba pang entertainment press si Ruffa. Ayon sa kanya, ginawa niya ang special screening bilang suporta sa Star Cinema at sa cast ng movie.

"Maganda daw talaga yung pelikula kaya excited na ako mapanood. Sabi nila nakakaiyak daw, nakakatawa, ang gagaling daw nilang umarte lahat. So I'm really expecting to cry, nagdala ako ng maraming tissues. And I'm really expecting to watch a really good film."

Tinanong namin si Ruffa kung sino sa cast ng In My Life ang darating at kung inimbita ba niya si John Lloyd.

"Wala, I did not... Ate Vi, Luis... I think mayroon siyang ginagawa. Tapos si JL [John Lloyd], may TV feature. So talagang it's just really for family and friends. Since napakarami namin, more than fifty, naisip naming i-rent ang buong sinehan.

"Excuse me naman, they are paying ha!" paglilinaw ni Ruffa. "Hindi ako nagbabayad sa kanila, di ako Santa Claus! It's P300 kasama na ang popcorn and softdrinks. I'm paying for myself lang, but I'm not paying for everyone. Pero lahat naman sila, wala namang problema na magbayad sila, e. Alam ni JL na may ganitong party, siyempre thank you nang thank you."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi naman itinago ni Ruffa na fan siya ng Star For All Seasons at ni John Lloyd.

"Yeah, I'm their fan. Actually, isang pelikula pa lang [ni John Lloyd] ang napapanood ko, yung A Very Special Love. Dun pa lang naging fan na ako. Si Luis, this would be my first time. Si Ate Vi, ever since, bata pa lang ako. I know this is gonna be a good film," sabi ng actress-TV host.

Aminado si Ruffa na first time niyang ginawa na mag-rent ng buong sinehan para mapanood ang isang pelikula.

"Actually, tomorrow [Sept. 17], yung isang friend ko rin, si Divine Lee, she's also renting out the cinema. Hindi ko lang alam kung magtsa-charge siya kasi mayaman naman yun, mas mayaman naman si Divine kesa sa akin. I'll do the same for Richard in his next movie, yung Patient X," aniya.

Open ang mga anak ni Ruffa na sina Lorin at Venice na idol nila si John Lloyd, pero dahil PG-13 ang In My Life at medyo sensitibo ang tema ng pelikula ay hindi niya isinama ang mga anak.

"Bawal sila, very delicate yung theme so hanggang trailer lang sila," sabi ni Ruffa. "Hindi ko sinabi sa kanila na mayroon kaming cinema party, baka mag-insist na talagang sumama sila. So, wala, for adults lang talaga ito."

Marami naman ang nag-expect na darating si Ruffa sa isa man sa tatlong premiere ng In My Life noong Martes, Sept. 15, pero hindi siya pumunta.

Paliwanag ni Ruffa, "Hindi naman ako na-invite, e. Wala talaga akong balak na pumunta. Mayroon akong meeting last night. Mayroon na nga kaming cinema party, at least magbabayad kami, di ba?"

INTERVIEW WITH JOHN LLOYD. Tinanong din ng PEP si Ruffa tungkol sa obserbasyon ng marami na sa guesting ni John Lloyd sa The Buzz last Sunday, Sept. 13, ay parang nagkakailangan sila at hindi kumportable sa isa't isa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Alam mo, I sat on the chair. Hindi ko naman alam na uupo siya sa tabi ko. Kumbaga, umupo lang ako dun. Hindi naman sinadya na ilayo yung chair. Napanood ko sa TV na medyo malayo nga, pero hindi ho sinadya yun.

"I think we're very professional in our interview, hindi kami nagpa-cute. We talked about the movie, hindi kami nagtuksuhan or anything. So I think naging very professional kami. So I'm very happy. ABS is also proud of the interview. Mabait kami. So, yun lang," sabi ni Ruffa.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN