Janvier Daily plays his second major movie role in Bayaw

"Hindi naman kaswal na ginagawa ko ito. Kinakailangan sa pelikula, kaya nagawa ko ngang maghubad. As an artist, may challenges na dumarating na gaya niyan. Ito ang trabaho ko, e. Kailangan lang ng lakas ng loob," says Janvier Daily about doing nude scenes in indie films.


Hindi nagdalawang-isip ang sexy actor na si Janvier Daily sa pagtanggap sa indie film na Bayaw, idinirek ni Monti Parungao. Naging big hit ang Bayaw sa nakaraang Cinemalaya Philippine Independent Film Festival. Among exhibition films, ito yung nagkaroon pa ng second screening due to insistent public demand.

Kasama ni Janvier sa Bayaw ang beterano na rin sa indie films na si Paolo Rivero. Gumaganap sila bilang mag-bayaw na nagkaroon ng sexual relationship sa isa't isa pagkatapos ng isang krimen.

"Minsan na lang ako kung gumawa [ng pelikula]," banggit ni Janvier sa PEP (Philippine Entertainment Portal). "Mas naglalagi ako sa hometown namin sa Baguio. Ang inasikaso ko, yung modelling. More on fashion shows ako.

'Two years bago nasundan yung Roxxxanne [his indie movie with Sheree and Jay Aquitania]. Pangalawa ito na malaki ang role ko. Sobrang challenging naman kasi ng role kaya tinanggap ko. Yung gaganap sa role ni Renan sa istorya ng Bayaw, kailangang matapang ang loob. Ginawa ko lang ang trabaho ko.

"Nag-usap kami nang masinsinan ni Paolo doon sa mga delikadong eksena, like love scenes. 'Pag nasa set kami, nakatuon ang pansin namin ni Paolo doon sa characters namin. Ginagawa lang namin ni Paolo kung ano ang sabihin ng direktor namin. 'Pag nag-cut na, balik na agad sa realidad. Masarap katrabaho ang direktor namin, magaan. First time ko sa kanya. Makulit siya na mahilig magbiro kaya okey lang. Parang naglalaro lang kami sa set."

Anu-ano pa ang dapat asahan ng marami kay Janvier pagkatapos ng Bayaw?

"Hindi ko alam kung may susunod pa akong movie," sagot niya. "Kung mayroon man, ibibigay ko yung 100 percent na kailangang ibigay ko."

ETHEL BOOBA. Sa totoong buhay, malabo naman yatang mangyari kay Janvier ang nangyari sa kanya sa pelikula na nagkaroon siya ng sexual involvement sa kanyang bayaw.

Pero sa mga kaganapan sa showbiz noong pumasok si Janvier sa eksena, na-involve siya sa comedienne na si Ethel Booba. Ano na ang nangyari sa kanila?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Matagal na yun, closed book na sa nakaraan ng buhay ko," sabi niya. "Marami akong natutunan sa mga nakaraang intriga sa buhay ko. Walang permanente sa mundo. Masasabi ko lang, nangyari lang ang dapat mangyari. Ganoon lang talaga ang buhay. Kailangang tanggapin ang realidad."

NOT AN EXHIBITIONIST. Kahit daw nakunan siya ng nude photo na lumaganap noon, sinabi pa rin ni Janvier na hindi siya exhibitionist na nag-e-enjoy ng paghuhubad sa harap ng kamera.

"Hindi naman kaswal na ginagawa ko ito. Kinakailangan sa pelikula, kaya nagawa ko ngang maghubad. As an artist, may challenges na dumarating na gaya niyan. Ito ang trabaho ko, e. Kailangan lang ng lakas ng loob," saad niya.

Ang Bayaw, na naging topgrossing film sa NETPAC World Competition ng Cinemalaya, ay binigyan ng R-18 rating ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB).

Pagkatapos ng ilang linggong pakikipag-meeting sa MTRCB panelists, ang controversial film ay re-edited ni Monti, kaya ang mga mahahalagang eksena na gustong mapanood ng mga tao ay nandun pa rin. Kailangang huwag silang kumurap para hindi nila ito ma-miss.

Magbubukas ang Bayaw sa mga sumusunod na sinehan: Robinsons Galleria, Ruben, Remar, Gotesco Grand, Gotesco Ortigas, Isetann, at New Cinema Cebu. Mapapanood din ito sa Robinsons Ermita, Robinsons Bacolod, Robinsons Iloilo, Robinsons Novaliches, at Robinsons Metro East sa mga susunod na linggo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN