John Lloyd Cruz describes Ruffa Gutierrez's gesture as "friendship"

Actor John Lloyd Cruz shrugs off speculations about the special screening that Ruffa Gutierrez hosted for his latest film, In My Life. He said that it was out of "friendship" that Ruffa did it for him.


Deadma lang si John Lloyd Cruz sa mga nagsasabing may relasyon nga sila ni Ruffa Gutierrez kaya nag-organize ang actress-TV host ng sarili nitong special screening sa My Cinema ng Greenbelt 3 para mapanood ang In My Life, ang pinagbibidahang pelikula ng aktor kasama sina Luis Manzano at Ms. Vilma Santos. (Click here to read related story.)

Sabi ni John Lloyd sa PEP (Philippine Entertainment Portal) sa presscon nito kamakailan sa Annabel's restaurant sa Tomas Morato para sa pinakabago niyang endorsement, ang La Breza Condo ng Sta. Lucia Land, nagpapasalamat siya sa gesture ni Ruffa at ng kaibigan nilang si Divine Lee na nag-organize ng special screening ng kanyang pelikula.

For "friendship" ang deskripsyon ni John Lloyd sa ginawa nina Ruffa at Divine. Mahirap na raw makakita ng mga ganitong klaseng kaibigan na tumutulong sa pag-promote ng movie.

Binigyang rason din ni John Lloyd ang pagnanais ng iba pang mga kaibigan nina Ruffa at Divine na mapanood ang In My Life kaya sila nag-arkila ng buong sinehan para sabay-sabay nila itong panoorin.

Wala pang maisip si John Lloyd na pambawi sa kabutihan ng dalawa niyang kaibigan. Biro nga ng aktor, baka sa pelikula na lang ni Ruffa na Shake, Rattle & Roll XI siya babawi kung kakayanin ng budget niya ang mag-organize din ng premiere showing para sa actress-TV host.

Nangako na lang si John Lloyd na kapag may pelikula si Ruffa o anumang events na io-organize nito, sisikapin niyang dumating para ito naman ang bigyan niya ng suporta.

Hindi makapaniwala si John Lloyd nang malaman niyang mas nauna pa raw siyang binigyan ng sariling special screening ni Ruffa kaysa sa kapatid nitong si Richard Gutierrez.

"Ah, talaga? Siguro dahil uso rin ngayon... Yun ang naiisip ko on my next birthday na gano'n ang gagawin ko," sabi lang niya.

Natuwa naman si John Lloyd sa balitang humahagalpak sa tawa ang ina ni Ruffa na si Annabelle Rama habang pinapanood ang pelikula.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Siyempre, yung pelikulang yun, dinesign para sa nanay, di ba? Nakita mo naman yung journey sa character ni Shirley, yung character ni Ate Vi. Imposibleng hindi maka-relate ang isang nanay and for someone like Tita Annabelle, you know, she's very funny and I wanna say na medyo close yung character ni Tita Annabelle at ni Tita Shirley, ni Ate Vi. I think it's a character that she can very much relate to," pahayag ng aktor.

TOUCHING PEOPLE'S LIVES. Maliban sa kasiyahang nararamdaman sa success ng In My Life, lumuwag din ang puso ni John Lloyd dahil marami raw silang na-touch na buhay, hindi lang ng mga ordinaryong tao kundi maging ng mga bading. Gumaganap bilang gay lovers sina John Lloyd at Luis sa pelikula.

"Natutuwa kami ni Luis dahil sa character namin, marami kaming nabuksan na isip ng tao. Marami kaming napasaya at marami kaming na-touch. Yun ang importante sa aming lahat na gumawa ng pelikulang ito, especially kay Ate Vi, na ni-represent ang lahat ng ina."

Napangiti lang si John Lloyd sa isyung nagkailangan sila ni Luis sa premiere showing ng pelikula.

"Nakakatawa naman yun! Hindi naman sa nagkakailangan kami, pero kasi kakaibang experience din kasi yung... Imagine, first time kong umupo sa premiere night na lalake yung pinapanood ko na, di ba? Yung surprise ko na, 'I love you because ganyan-ganyan...' it used to be Sarah [Geronimo] or Bea [Alonzo]. Ngayon iba na!

"Kakaibang experience and something na I'm really proud of. Yun talagang kakaiba. I'm really happy na nakagawa tayo ng something different. So, walang ilangan. Hindi naman siya ilang. Ilang wouldn't be the right term dahil somehow alam ko na yung mangyayari, e. Yung reaksiyon lang ng tao," paliwanag ni John Lloyd.

FIVE-YEAR WAIT FOR SARAH? Samantala, hindi naiwasang itanong kay John Lloyd ang tungkol sa "five years" na ipaghihintay daw niya para malaman kung puwede nang ligawan at magkaroon ng boyfriend si Sarah Geronimo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa presscon kasi para sa magaganap na concert ni Sarah sa Araneta Coliseum, ang Record Breaker, natanong si Sarah kung totoo bang sinabihan niya si John Lloyd na maghintay ng five years kung gusto nitong manligaw sa kanya. Itinanggi ni Sarah na sinabihan niya si John Lloyd ng ganito.

Ito naman ang naging reaksiyon ng aktor: "May tamang oras sa lahat ng bagay. Hindi naman ako pinapahintay ni Sarah. Wala naman siyang pinapahintay."

Nagsimula lang daw sa kuwentuhan ang tungkol sa pagkakaroon ng boyfriend ni Sarah, na sinabi nga raw nitong pagdating niya ng 25, doon lang raw siya papayagan na maligawan at magka-boyfriend ng kanyang parents.

"Tapos nauwi na sa biru-biruan at hanggang ngayon may mga isyu nang ganyan na kesyo na hindi pa raw siya puwede at kailangang maghintay ng five years para maligawan. Doon nanggaling 'yon," paglilinaw ng aktor.

Hindi alam ni John Lloyd kung ano ang sasabihin ngayong ikinukumpara naman siya kay Mark Bautista, na nagsabing handa siyang maghintay ng limang taon para kay Sarah.

"Anong sasabihin ko?" sabi niya. "Kumbaga, kanila yun, kung ano ang gustong gawin o desisyon ni Mark Bautista sa love life niya, sa career niya, labas tayo doon."

Hindi naniniwala si John Lloyd na na-disillusion na raw si Sarah dahil sa pumutok na rumor na may romantic relationship ang aktor at si Ruffa.

"Alam naman natin at alam ng lahat, at alam naman ni Sarah na ang focus niya talaga ngayon ay career. Alam niya yun to begin with," sabi ni John Lloyd.

JOHN LLOYD'S NEXT PROJECT. Bagamat hindi pa kumpirmado, base sa pagkakaalam ni John Lloyd, as of press time, ang susunod niyang movie ay ang pagsasamahan nila nina Bea Alonzo at Maricar Reyes, na pang-Valentine's offering ng Star Cinema.

Ipinagdiinan ni John Lloyd na ito pa lang ang alam niya at baka raw mabago pa sa mga susunod na araw.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Alam naman ninyo ang business na ito, puwedeng mapalitan, puwedeng hindi na ako kasama. A lot can happen between now and Valentine's Day," sabi niya.

Umayon naman si John Lloyd sa mga naunang balita na si Sarah uli ang makakasama niya sa third sequel ng pelikula nila na ipalalabas sa Valentine's season.

"Yun ang plano dati. Siyempre, sa business aspect, sa lahat ng bagay, especially in moviemaking, may tinatawag na timing and coordination. Yung coordination with your competitor. Marami ring nagbago. [The] Sarah project it will come latter part pa of 2010," pagbabalita ng aktor.

Bukas ang alis ni John Lloyd patungong Amerika para mag-entertain sa mga Filipino community kaugnay sa anniversary celebration ng TFC (The Filipino Channel, global channel ng ABS-CBN) at sa magkakasunod na premiere showing ng In My Life sa San Francisco at Canada.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN