Tyron Perez plays hard-luck character who engages in cybersex in Pipo

When Tyron Perez was launched in Midnight Dancers two years ago, his career seemed full of promise. Now he admits it's a bit depressing that it has slowed to a crawl. But Pipo looks likea movie that will make people sit up and take notice again.


Two years after ni-launch siya sa Twilight Dancers ni Mel Chionglo, muli na namang mapapanood sa wide screen si Tyron Perez sa title role ng Pipo. Handog ng Leo Films, mula ito sa direksyon ni Bong Ramos, at ipalalabas sa October 7.

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Tyron noong Sabado, September 19, sa press preview ng Pipo na ginanap sa Titus Brandsma Media Center, Quezon City. Ayon kay Tyron, masaya siya na muli siyang nakagawa ng pelikula.

"Nagpapasalamat ako kay Rodel Fernando [line producer ng pelikula] dahil tinext niya ako para sa Pipo. Na-miss ko ang gumawa ng pelikula kaya talagang natuwa ako nang may dumating na offer uli sa akin," sabi ni Tyron

Isang anak-mahirap si Tyron sa Pipo. Nanay niya rito si Karla Estrada. Dahil mahirap ang kanyang pamilya at nasabak si Pipo sa cybersex at pumatol sa bakla, magkaroon ng pera ang pamilya para sa pang-araw-araw na pangangailangan nila.

Kung sa tunay na buhay naging mahirap si Tyron, magagawa kaya niya ang mga ginawa ng karakter niya sa pelikula, magkapera lang?

"Hindi siguro," sagot niya. "Hahanap ako ng trabaho, siyempre, para may pagkakitaan. Pero hindi ko siguro iisipin na gawin yung naging role ko sa Pipo para magkapera lang. Alam ko namang marami pa ring paraan para magkaparera, pero dapat sa malinis na paraan."

DEPRESSED OVER SLOW CAREER. Sa ngayon ay walang regular show si Tyron at wala na rin siya sa ilalim ng GMA-7, kung saan ang huling ginawa niya ay yung Joaquin Bordado na pinagbidahan ni Robin Padilla.

"Matagal na akong wala sa [GMA-7]. Kay Tito Dougs [Quijano] na ako, di ba? Kaso namatay na nga siya, kaya wala na akong manager ngayon," sabi niya.

Aminado si Tyron na nadi-depress na siya sa takbo ng career niya dahil sa dalang ng mga dumarating na proyekto.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Tinatanong ko sa sarili ko, bakit wala nga akong gaanong offer gayung kapag nagtatrabaho ako, binibigay ko naman yung best ko. Hindi naman ako nali-late. Wala namang problema sa akin."

Hindi kaya naging mapili siya sa role kaya dumalang ang mga offers?

"Hindi naman," tanggi niya. "Sa akin naman kahit anong klase ng role basta maganda yung istorya, tatanggapin ko 'yan. Trabaho 'yan, e. Sayang naman kung pakakawalan ko pa, di ba? Nagkataon lang talaga na walang masyadong offer sa akin ngayon."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN