Manny Pacquiao vehemently denies using steroids

"Pinagbibintangan ako na nag-i-steroids ako, e, palagi naman akong nagdo-doctor. Hindi ko nga alam kung ano ang steroids, e, tapos sasabihan nilang nag-i-steroids ako. Dapat na-detect na lahat dahil before and after yung medical namin. At before kaming umakyat sa ring, kukuhanan ka ng urine. Pagkatapos ng fight, kukuhanan ka ulit ng urine. So, bakit wala silang nakita?" says Manny Pacquiao about the accusation of Floyd Mayweather Sr. that he is using steroids.


Sunud-sunod ang mga intriga ngayon kay Manny Pacquiao sa nalalapit na laban niya sa Puerto Rican boxer na si Miguel Cotto sa November 14.

Nauna na rito ang diumano'y hindi pagbibigay ng priority ni Manny sa kanyang training para sa laban nila ni Cotto. Ngayon naman, may intrigang lumalabas na diumano'y gumagamit siya ng steroids.

Agad itong pinabulaanan ng Pambansang Kamao nang makapanayam siya ng Showbiz Central.

Ayon kay Manny, walang katotohanan ang isyung ibinabato sa kanya ni Floyd Mayweather Sr.—ang ama at trainer ng dating pound-for-pound king na si Floyd Mayweather Jr.—na gumagamit daw siya ng steroids.

"Kumbaga, pinagbibintangan ako na nag-i-steroids ako, e, palagi naman akong nagdo-doctor. Hindi ko nga alam kung ano ang steroids, e, tapos sasabihan nilang nag-i-steroids ako. Dapat na-detect na lahat dahil before and after yung medical namin. At before kaming umakyat sa ring, kukuhanan ka ng urine. Pagkatapos ng fight, kukuhanan ka ulit ng urine. So, bakit wala silang nakita?" saad ni Manny.

Bagama't maselan ang akusasyon laban sa kanya, hindi naman daw nagpapaapekto si Manny sa intrigang ito sa kanya.

"Hindi naman, itinutuwid ko lang ang mga tama. Kailangang ipaubaya mo sa mga abogado. Hindi ko naman dinidibdib, pero siyempre, kailangang mabigyan ng leksyon ang mga taong ganyan, baka masanay," saad niya.

Pinag-aaralan na ngayon ng kampo ni Manny kung sasampahan nila ng kaso ang matandang Mayweather.

BOXING & MUSIC. Samantala, pagkagaling ni Manny sa abroad for his press tour with Cotto, magtutuloy-tuloy na siya sa pag-eensanyo para sa kanyang November 14 fight.

"Nag-umpisa na ako dito. At itong linggo itong magtutuluy-tuloy na tayo ng Baguio para mag-start ng training dun," pagbabalita niya.

Pero kasabay rin daw ng pag-eensayo ni Manny para sa kanyang laban kay Cotto ay ang pagre-rehearse niya para sa kanyang concert sa Mandalay Bay after ng laban niya kay Cotto. Special guest niya sa concert si Madonna Decena, ang Pinay na nagpabilib sa Britain's Got Talent at ngayon ay mina-manage na rin ni Manny.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ano talaga ko, e, music lover talaga 'ko at mahilig talaga akong kumanta. Gagalingan namin para makapagbigay ng kaligayahan," saad ni Manny.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN