Former PBB housemate Rico Barrera turns Kapuso

"Per show pa lang, dito sa Tinik Sa Dibdib. This is a trial for me, kung ano siguro yung acting na ipapakita ko muna, susukatin muna nila ang kakayahan ko," says Rico Barrera about his first project in GMA-7.


May dating Kapamilya na Kapuso na ngayon.

Lumipat na sa GMA-7 ang dating housemate sa Pinoy Big Brother (PBB) Season 1 na si Rico Barrera. Kasama si Rico sa bagong Sine Novela ng Siete, ang Tinik Sa Dibdib, na pinagbibidahan nina Sunshine Dizon, Marvin Agustin at Ara Mina. Ito ang pinakaunang project ni Rico para sa Kapuso network.

"Yeah, this is my first project. Kumbaga, nagkaroon ng audition for this role then tiningnan naman, nag-script reading kami, nagbihis ako nang maayos, ginalingan ko. So ayun. After that, sinabi sa akin, 'Okay, Rico, I'll see you again!' So ayun, nakuha naman ako for this project," lahad ni Rico sa PEP (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng Tinik Sa Dibdib last Tuesday, September 22.

Wala raw exclusive na kontrata sa GMA-7 si Rico.

"Per show pa lang, dito sa Tinik Sa Dibdib. This is a trial for me, kung ano siguro yung acting na ipapakita ko muna, susukatin muna nila ang kakayahan ko."

Ayaw magkumpara ni Rico sa Dos at Siete.

"Hindi naman talaga dapat mag-compare. Basta happy ako dito sa GMA, my new home. Tinutulungan nila ako kaya sobrang happy ako dito."

May pagsisisi ba siya sa naging takbo ng career niya sa ABS-CBN?

"Siguro hindi naman sisi talaga, pero minsan napapaisip ako. Minsan pag binabalikan mo yung past mo, minsan may kulang, e. Alam mo yung ganun? Like pagkalabas ko ng PBB, hindi ko naman kasi alam na pagiging artista pala ang kalalabasan ko, so wala talaga akong plans. Pero after that, sinabak ako sa showbiz, so minahal ko na yung trabaho," saad ni Rico.

Nagkikita pa ba sila ng mga dati niyang housemates?

"Hindi na gaano, e. Textmates na lang. Si Franzen [Fajardo] dumadalaw sa bahay minsan, dumadaan muna sa bahay bago pumunta sa taping niya," banggit ni Rico.

Bukod kina Sunshine, Marvin, Ara, at Rico, kasama rin sa Tinik Sa Dibdib sina Bembol Roco, Daria Ramirez, Michelle Madrigal, Deborah Sun, Jen Rosendahl, Miguel Tanfelix, at Maybelyn dela Cruz.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

LIFE AFTER PBB. Pagkatapos niyang sumali sa PBB noong 2005, nag-stay si Rico sa ABS-CBN hanggang 2007.

"Pero right now talaga, I'm a freelancer na talaga," banggit niya.

Nang matapos ang kontrata niya sa Star Magic, halos nabakante raw siya at puro guestings lang ang pinagkaabalahan niya sa showbiz.

Ani Rico, "Pasulput-sulpot lang. Pero having a regular show, hindi ako nakuha sa mga ganun. Ang last na pinaka-regular ko is Super Inggo pa, that was 2007."

Kaya naman nang medyo nanamlay ang showbiz career niya, itinuon daw ni Rico ang atensiyon at panahon niya sa negosyo.

"Siyempre, meron akong personal life, and we have a business sa Pampanga na pawnshop, sa San Fernando. So, dun muna ako nag-concentrate, kami ng Mama ko. May investments din ako dun, tiningnan ko, binantayan ko. Actually when I was in PBB, nandun na talaga yung business namin, so medyo umuwi-uwi na muna ako. I'd visit my dad in Subic," kuwento niya.

Nag-aral din daw si Rico sa culinary school.

"That was last year sa Aristocrat, sa CIA, sa Culinary Institute of Aristocrat, more on sa baking lang siya. Like kapag gusto mong magnegosyo ng bakery, ng bakeshop. That was ano lang, six months lang, it's all about mga cakes, chocolates, mga cookies, basic baking. Hindi naman siya yung as in lahat ng cuisine, puro baked products lang."

RICO OPENS UP ABOUT HIS FAMILY. Habang wala siyang ginagawa, dumalaw rin si Rico sa ama niyang nasa Subic. Magkahiwalay kasi ang parents niya at may kanya-kanyang pamilya na.

"Iyon ang pinaka-in-open up ko sa PBB, yung problem about sa family ko before, yung hiwalay sila. Then, yung mga kapatid ko sa Mama ko, hindi nila alam na kapatid nila ako. Ang alam nila, pinsan nila ako. Then one day, pumasok sila sa school, may nagsabi na sa kanila na, 'Uy, kapatid mo pala si Rico Barrera ng PBB!' So ayun yung pinakaano sa buhay ko."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bakit inilihim sa umpisa na anak din siya ng kanyang ina?

"Kasi, di ba, nagkahiwalay sila? So nagkaroon ng family yung Mama ko, nagkaroon ng family yung father ko. So, nagkaroon yung Mama ko ng asawa na politician. So yung reputation nila, pinangalagaan nila kumbaga. Hindi nila puwedeng ipaalam na may anak siyang una sa iba. So, itinago ako hanggang sa tumagal nang tumagal. Nalaman lang ng marami, 2005. Actually sa PBB, dun talaga na-discover, kasi kuwento ng buhay ang kailangan.

"Okay na okay na kaming lahat ngayon, actually since 2006 pa. Alam na nila na kadugo nila ako. Ang stepfather ko, matagal na niyang alam. Okay kami, wala siyang pinagbago sa treatment or what."

Solong namumuhay si Rico.

"Independent ako dito. I live by myself lang here, I'm staying in Q.C. Kasi before, taga-Makati ako, so nag-Q.C. ako kasi nga dito sa GMA. And thankful naman ako kasi right decision, kasi lahat ng tapings ng Tinik Sa Dibdib, puro Scout areas, e."

READY TO GO SEXY. Handa rin daw magpa-sexy si Rico.

"Oo naman," sambit niya. "Di ba, nakita n'yo naman ako sa PBB, lumalakad-lakad ako dun na naka-boxers at naka-ano lang?"

Hanggang saan ang kaya niyang pagpapakita ng katawan?

"Hmmm, ano ba? Hanggang mga topless lang, e. Wala pa namang offer, pero kaya ko naman, kasi modelo ako before."

Frontal nudity, kaya niya?

"Ah, hindi ko kaya. Siguro hanggang butt exposure lang, hanggang dun lang. Yung family ko kasi, e, medyo conservative. Frontal, hindi ko kaya," aniya.

What about gay love scenes?

"Depende sa partner siguro. It depends upon sa partner. Siguro sa partner, kung sobrang galing na artista na matutulungan niya ako sa eksena. And depende sa direktor at basta maganda yung story," sagot ni Rico.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN