Isabel Oli has not seen ex-boyfriend Paolo Contis since their breakup

"Ready na talaga akong ma-in love. Kaso, wala pa talaga. I'm dating this guy na taga-Cebu. Mayroon din akong dine-date na taga-Manila. Hindi na nga nasusundan 'yan, 'cause I'm so busy na," says Isabel Oli.


Ginagampanan ni Isabel Oli ang role ni Therese sa TV remake ng Kaya Kong Abutin ang Langit. Sa bagong afternoon soap ng GMA-7, ang character niya ay ina-idolize ni Clarisa Rosales na naging Clarise Gardamonte (Iza Calzado).

"Sa halip na maging mabait ako dahil ina-idolize ako, ginagaya niya, magagalit pa ako sa kanya at magiging masama ako," sabi ni Isabel tungkol sa role niya kaugnay ng character na ginagampanan ni Iza sa nabanggit na teleserye.

Hindi naman daw super bad ang role niya sa Kaya Kong Abutin ang Langit. Medyo inaapi-api lang niya si Iza rito at ina-under kumbaga.

"Second time ko for a bad role. Slightly bad nga lang ako dito, unlike sa Maging Akin Ka Lamang, I was super bad there!" saad ni Isabel.

Four years na sa GMA-7 si Isabel kaya gamay na raw niya ang working atmosphere doon.

PAOLO CONTIS. There was a time na naging maingay ang mundo ni Isabel dahil kay Paolo Contis na naging boyfriend niya.

"Pero matagal na kaming hindi nagkikita," paglilinaw niya. "As in, ever. Naku, may tsismis daw na nakabuntis siya, but I don't know. Hindi naman confirmed yun."

Kumakalat kasi ang balitang buntis na ang girlfriend ngayon ni Paolo na si Lian Paz ng EB Babes, pero pareho namang itinanggi na ng dalawa ang balita.

"Naku, labas na ako diyan! No comment na lang ako diyan," iwas ni Isabel.

Paano kung kunin siyang ninang, if ever na buntis nga si Lian?

"Naku, ano ba?" tawa nang tawa si Isabel. "Ayokong pag-usapan 'yan. Hindi pa naman confirmed na buntis! Kahit na sabihin 'what if, halimbawa', naku, alam ko na kung saan papunta 'yan! Ayokong mag-comment!"

Mag-iisang taon na mula nang mag-split sila ni Paolo, pero himalang hindi pa sila nagkikita. Parang napakalaki ng GMA-7 at hindi man lang sila nagsasalubong dito?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sa Darna sana magkasama kami," paliwanag ni Isabel. "Hindi lang ako natuloy, kasi yun yung time na nagkaproblema with my dad [George So]. Inatake siya. Singapore-based kasi ang father ko. Malaki sana ang role ko sa Darna as Babaeng Linta, or isa doon sa mga kontrabida."

"Na-ICU [Intensive Care Unit] ang dad ko that time due to cerebral degeneration. He's 72 years old, matagal na ang sakit niya, and there's no cure for that."

Kumusta na pala ang dad niya?

"Stable na siya. Matagal na siyang wala sa ICU. One week lang siya doon. Nasa bahay na nila siya, and doing well. Nagte-therapy na siya," sabi ni Isabel.

Sa December, magsasama-sama sila sa Singapore at doon sila mag-i-spend ng Christmas. Pero last month lang siya nanggaling doon dahil nga sa inatake ang dad niya.

After ng breakup nila ni Paolo, wala pang nababalitang bagong pag-ibig si Isabel.

"Pero, ready na talaga akong ma-in love," nakangiti niyang sabi. "Kaso, wala pa talaga. I'm dating this guy na taga-Cebu. Mayroon din akong dine-date na taga-Manila. Hindi na nga nasusundan 'yan, 'cause I'm so busy na."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN