Maybelyn de la Cruz plays Sunshine Dizon's friend in Tinik sa Dibdib

Busy politico's wife, Maybelyn de la Cruz, goes home to Dagupan after each taping day of Tinik sa Dibdib. She doesn't let the small matter of a four-hour drive, back and forth, keep her from getting to the studio at 7 a.m. "Umaalis ako ng bahay before 3 a.m." And she's never been late.


Nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Maybelyn dela Cruz sa presscon ng Tinik Sa Dibdib sa GMA TV Complex noong September 22, ay kadarating lang nila ng mister niya mula sa Japan. Nag-attend ang asawa niyang si Michael Fernandez ng convention ng Citynet, isang international network na binubuo ng iba't ibang organisasyon ng local authorities sa Asia-Pacific.

Si Michael ay konsehal sa Dagupan at kinatawan niya, bilang National Chairman, ang Philippine Councilors League.

"Chaperone ako," biro ni Maybelyn.

Pagkatapos ng convention, kunsaan nagkaroon ng eleksiyon, "nag-extend lang kami, isinabay na namin ang bakasyon," kuwento ni Maybelyn, kaya nagtagal din sila ng isang linggo sa Japan.

Before this trip, isang buwan ang ginugol nina Maybelyn at Michael sa Europe. Ito naman ay purong bakasyon lang.

"Kaming dalawa talaga yun, one month kami doon, mula end of June hanggang end of July. Tatlong countries ang pinuntahan namin, Italy, France at saka Switzerland."

FROM AIRPORT TO TAPING. Pagdating na pagdating ni Maybelyn mula Japan two weeks ago, dumiretso agad siya sa taping ng Sine Novela Presents Tinik Sa Dibdib ng GMA-7 na pinagbibidahan ni Sunshine Dizon.

"From the airport, takbo na ako agad ng taping, first taping day namin. Alam naman nina Ms. Camille [Gomba-Montaño, the show's executive producer] na manggagaling ako sa abroad that day."

Kaibigan (na ginampanan ni Beth Bautista sa original movie) ng karakter ni Sunshine (na ginampanan naman ng Superstar na si Ms. Nora Aunor) ang papel ni Maybelyn sa TV version, airing this September 28 sa Dramarama Sa Hapon.

Pangatlong beses na itong pagsasama nina Maybelyn at Sunshine sa isang drama series. Una ay sa Kung Mawawala Ka, 'tapos sa Kahit Kailan, at ito ngayong Tinik Sa Dibdib.

WORKING WITH SUNSHINE. Any difference in working with Sunshine now?

"Mas maganda kasi matagal yung pinagsamahan namin and ilang shows na yung pinagdaanan namin, so kilala na namin yung bawat isa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kapag may mga eksena na kailangan niyang umiyak or kailangan kong umiyak, alam namin kung paano magtutulungan at susuporta sa bawat isa. Kumbaga, gamay na namin yung isa't isa."

Mabigat ang story ng Tinik Sa Dibdib.

"Ah, yes, yes, matinik talaga ito," natatawang pahayag ni Maybelyn.

May mga binago ba sa story?

"Actually, opo, marami, like ie-extend kasi yung story, e, ii-stretch mo siya, e, so may mga bagong eksena. Pero we were able to keep the names of the original characters and yung storyline ganun pa rin.

"Nadagdagan lang yung mga subplots, yun lang ang naiba but the rest, almost the same pa din."

SUPPORTIVE HUSBAND. Mabuti at payag ang mister ni Maybelyn na ipagpatuloy niya ang showbiz career niya.

"Wala naman siyang choice! Ha! Ha! Ha! Hindi, joke lang. No, he's been very supportive right from the very beginning. Parang siya, nakilala ko siya na pulitiko siya, hindi porke mag-asawa na kami, e sasabihin ko sa kanya na tumigil na siya sa pulitika. Ganun din siya sa akin. I respect his work, he respects mine."

Siya ba mismo, walang plano na pasukin ang politics? Aktibo kasi si Maybelyn sa social work, tulad ng involvement niya sa Youth and Elderly In Service.

"Akala rin ng marami ngayon, tatakbo ako. Hindi po, I never planned. No, I won't pursue it kasi sabi ko sa dad ko, ang asawa ko pulitiko na, ikaw pulitiko pa."

Ang ama ni Maybelyn na si Atty. Berlin dela Cruz ay isang dating councilor sa Las Piñas.

Tatakbo ba for a higher position ang mister niya sa 2010?

"Hindi ko pa sure and ngayon kasi maaga pa, e. Wala pa pong may alam, even if you ask the people in Dagupan they still don't know who will be the ano, the candidates."

PROFESSIONAL ATTITUDE. Sa Dagupan umuuwi si Maybelyn, sa hometown ng kanyang mister. Hindi ba siya nahihirapan na sa Dagupan siya nakatira at ang tapings niya ay sa Metro Manila?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Even before, ganun, basta nung kinasal po ako dun na ako na-based. So four hours ako one way every time. Kaya bilib sila lahat sa akin sa taping kasi magko-call time sila ng 7 a.m., hindi ako nale-late. Umaalis ako ng bahay before three a.m."

NO KIDS YET. Noong January 18, 2008 sila ikinasal ni Michael. Wala pa silang anak.

"Next year siguro."

Bakit wala pa silang anak?

"Pareho kaming busy, e. Like ako, this is my third soap sa panghapon, simula nung ikinasal kami: Gaano Kadalas Ang Minsan, Dapat Ka Bang Mahalin?, then ito ngang Tinik Sa Dibdib.

"Tapos aside from that, si Mike naman kasi, my husband, since he's the National Chairman of the Philippine Councilors League now, he goes around the country a lot, as in dire-diretso siya.

"Kung wala akong work I go with him, like for instance this Friday, pack-up yung taping namin this Friday kasi may prior engagement kasi si Sunshine na nasagutan na niya, way, way before pa nagkaroon pa ng schedule for Tinik Sa Dibdib.

"Sa Baguio yata yun so wala kaming makukunan na eksena without her so pack-up ang taping namin ng Friday. And dahil walang taping, Thursday, Friday and Saturday, we'll be in Dumaguete kasi my husband has an event there.

"So siya, kahit hindi ako yung asawa niya, busy siya talaga na tao."

Supportive sila sa isa't isa. "Minsan nga, siya pa ang nagda-drive sa akin sa taping, e."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN