Biboy Ramirez feels his career's on track again under Viva Artists

Biboy's ex-girlfriend Jackie Rice has a new image, and he approves. "Parang destined siya to be sexy," he said.


On and off ang showbiz career ni Biboy Ramirez although he never really got out of showbiz. He believes na ang kawalan ng manager ang kakulangan niya. Noong sumakabilang-buhay ang manager-discoverer niya, hindi siya nakahanap ng pangmatagalan na magma-manage sa kanya.

His last regular show sa GMA-7 was Gaano Kadalas Ang Minsan?, and after that, puro guesting-guesting na lang ang ginawa niya. But ngayong nasa Viva Artists Agency niya siya, feeling positive si Biboy na finally, may mag-aalaga na sa kanya.

"Destiny lang... kasi nga, I'm into events na rin. Nagtayo ako ng Talento Filipino Events and Management. So, hinanap ko ang contact number ng Viva at nakausap ko si Ate Mich. Tiyempo naman na nakatrabaho ko na siya dati. So, kamustahan lang at tinanong niya ako kung sino manager ko ngayon. Sabi ko wala, nasa heaven na. Tapos, yun nga, tinanong niya 'ko kung interesado raw ako na hawakan ng Viva. So, I met with Ate Veronique del Rosario. Okey naman, nagkasundo kami sa contract and nothing to lose naman if I'll sign up with them.

"Besides, Viva is Viva naman."

WORKING BIBOY. So far, ang sinasabi raw na puwede niyang gawin na movie na sisimulan ng Viva ay ang Working Girls. Sa TV naman, under negotiation pa raw ang lahat.

"Actually, hindi ko alam kung saan mas affiliated ang Viva in terms of TV network. Ako naman, wala namang kaso sa akin kahit saan. Ano lang, mas nasanay ako sa environment ng GMA. Kung GMA, better. At least, kumportable na ako sa kultura nila, sa mga tao. Pero kung ibang network naman, wala rin kaso, at least may mga bagong makikilala, mas lalawak ang connection."

Kilala rin ang Viva sa paggawa ng mga digital films na daring ang tema. If ever, magpapaseksi na ba siya?

"Wala pa naman silang sinasabi, pero siguro, ito na ang time. So far, kulang pa rin... may ginagawa naman ako ngayon kasi, kinuha nilang sponsor ang Gold's Gym sa akin. Okey naman, alagang-alaga naman ako ng Viva, so, happy ako."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

So far, ang sexy pictorial niya para sa coffee table book na X-Ray ang pinaka-daring move na ginawa niya sa career niya.

ONE STEP AT A TIME. Masasabi bang ready na siya for gay films?

"Mapag-uusapan naman. Pero sa ngayon, hindi ko muna iniisip. Tine-take kong step by step. Kasi dati, masyado kong tinitingnan yung kumbaga sa nagda-drive ako ng kotse, hindi ko na tinitingnan yung kalyeng dinadaanan ko. Tinitingnan ko yung malayo, e.

"Ngayon, mas gusto kong tingnan yung susunod na step muna bago yung malayo. Sa ngayon, puwede naman, e... basta 'sakto lang. Basta kumportable ako. Kumportable sila. Yung matutuwa ang manonood. Siyempre, ayoko rin namang ipilit."

Pero dugtong din niya, "Siguro kung ako, kukuhanin ko muna yung wholesome ulit. Ibabalik ko muna. Wholesome na hindi naman teenybopper, ha. Drama siguro, mga heavy drama, yung ganyan. Hindi ko pa kasi nagagawa sa film yun, e."

HOW'S HIS LOVE LIFE? "Ang love life ko... meron akong nakakasama ngayon na consistent, pero, getting-to-know-each-other stage."

Okey na ba sila ni Jackie Rice?

"Simula noong breakup, hindi pa kami nagkakausap ulit at hindi pa kami nagkikita."

May one year na rin since they broke up. Masasabi bang bad breakup ang nangyari sa kanila, lalo pa nga't before, halos hindi sila mapaghiwalay?

"Ano, e... medyo bad siya. Medyo lang naman... wala namang bitterness. Hindi lang talaga maganda."

Third party ba ang dahilan ng paghihiwalay nila?

"Walang third party. Akala niya meron, pero wala... kaso, hindi na kami nagkakaintindihan. Palagi nang nag-aaway. Sobrang liit na bagay, nagagalit na. Alam n'yo, yung ganoon."

JACKIE'S NEW IMAGE. Anong masasabi niya sa pagpapa-sexy na ni Jackie?

"Yung sa magazine, natutuwa ako para sa kanya. Kasi dati, noong okey pa kami, ano siya, e... kapag tinatanong siya, ang sinasabi niya sa akin, 'ayoko nga n'yan'. Siyempre ako, natutuwa na hindi na lang siya nandoon. Kasi ano, e, parang destined siya to be sexy."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

How would he defend himself sa impression ng ilan na dahil inuna pa raw atupagin ni Jackie noon ang pakikipag-boyfriend sa kanya kaysa career niya, tila nabantilawan agad ang pagkapanalo niya sa Starstruck?

"Matagal nang sinasabi sa akin 'yan. Pero alam ko naman ang totoo at alam naman niya ang totoo na hindi ako ang dahilan kung bakit nahinto siya. Actually yung time na kami, yun ang time na tinatanggap niya ang lahat ng trabaho. Noong hindi pa kami, 'yan yung mga hindi siya tumatanggap ng trabaho.

"At saka, ako ang nagsasabi sa kanya dahil dinaanan ko na 'yun."

May feelings pa ba siya for Jackie?

"Wala na... wala na, one year na rin naman."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN