Jen Rosendahl trims plus-size figure for Tinik sa Dibdib role

GMA gave talent Jen Rosendahl an ultimatum—lose weight or else get no projects... or maybe mother roles, which the former Viva Hot Babe isn't ready to accept just yet. Besides, she misses being every man's sexual fantasy: "Promise na kapag bumalik ang dati kong figure, super pictorial ulit ako to show them that I am sexy again."


Ginulat ng former Viva Hot Babe na si Jen Rosendahl ang marami dahil sa laki nang itinaba niya.

Kung noon ay pinagpipiyestahan ng kalalakihan ang seksing katawan niya, ngayon ay isang malusog na Jen ang humarap sa entertainment press dahil kasali siya sa cast ng Tinik Sa Dibdib ng GMA-7.

Inamin naman ni Jen na masyado siyang naging busy sa kanyang buhay pag-ibig kaya napabayaan na niya ang figure niya. Six years na sila ng kanyang non-showbiz boyfriend at kung saan-saan daw kasi sila bumiyahe.

Sinisi nga ni Jen ang boyfriend niya dahil nahawa raw siya sa pagiging big eater nito.

"Before kasi, pareho kami na mahilig sa sports. We play tennis a lot. Tapos we both work out kaya we were both so sexy. Maintained ang katawan ko noon. E, biglang nag-travel kami, so hindi kami nakapag-gym at nakapaglaro ng tennis.

"E, kapag nasa biyahe kami, he likes to eat and eat. Ako naman dahil sa masarap siyang kumain, kakain din ako! Kaya eat lang kami nang eat! We eat together parati.

"Kaya look what happened, I gained so much weight. I never noticed it kasi nga matagal din akong hindi nagkaroon ng TV show because I've been traveling. When people say na tumaba ako, hindi ako naniniwala. Feeling ko gano'n pa rin ang figure ko. Hindi kasi ako nagtitimbang.

"Until kelan lang na I can't fit in my clothes anymore. Hala, tumaba nga ako! Nakakahiya talaga! Now I can't even wear my bikinis anymore kasi sobrang lumaki ang waistline ko. Pati ang mga boobs ko, lumaki nang sobra!"

LOSE WEIGHT OR ELSE. Ngayon nga ay balik sa exercise at diet si Jen dahil magsisimula na siyang mag-taping para sa Tinik Sa Dibdib.

"Oo naman, kaya I really need to slim down fast. Every day na ako pumupunta sa gym at tinitiis ko ang hindi kumain ng mga sweets at fatty foods. Binigyan nga ako ng warning ng GMA Artist Center. Lose weight or else wala akong project. Natural natakot ako, di ba? Kung bigyan man ako, baka mother roles na kasi nga hindi na ako sexy. Kaya serious ako sa pagpapapayat ulit. Iiwasan ko muna ang boyfriend ko na mahilig kumain! I won't eat with him anymore!" tawa pa niya ulit.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ipinapangako nga ni Jen na kapag bumalik na siya sa dati niyang katawan ay magpapa-pictorial siya para pagpantasyahan ulit siya ng maraming kalalakihan.

"Gusto ko ulit na maging fantasy nila, di ba? Miss ko na yung mag-pictorial ng sexy. Ngayon hindi pa puwede kasi ang full figure ako ngayon. Promise na kapag bumalik ang dati kong figure, super pictorial ulit ako to show them that I am sexy again," pagtatapos ni Jen Rosendahl.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN