Kris Aquino will not force reconciliation with Korina Sanchez

"Siyempre, naiintindihan ko ang lahat ng isinakripisyo nila. Because of the decision that Mar had to make, their ambition has to take a back seat. It's not a joke for her because she gave up Bandila [ABS-CBN's primetime newscast]. Siyempre, she's going to be Mar's wife. I think we have enough time to make it right," says Kris Aquino about Korina Sanchez.


Balita noon ang naging sama ng loob ni Kris Aquino nang mag-propose si Senator Mar Roxas sa fiancée nitong si Korina Sanchez sa Wowowee, gayong naipangako na raw ng dalawa na ibibigay ang buong detalye at mga kaganapan sa engagement nila sa Showbiz News Ngayon, ang nightly showbiz talk show ni Kris with Boy Abunda sa ABS-CBN.

Bagamat naayos na ang isyung ito, panibagong isyu na naman ang namagitan sa kanila nang magdesisyong tumakbo bilang presidente ang kapatid ni Kris na si Noynoy Aquino at nagbigay-daan si Mar na tumakbo na lang bilang vice president. Tunay daw na ikinasama ito ng loob ni Korina sa kabila ng pagsasabing naiintindihan niya ang naging desisyon ni Mar.

Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Kris sa presscon ng bagong endorsement niya na Downy Antibac noong September 24 sa Plaza Ibarra, sinabi ng TV host-actress na hangga't maaari ay ayaw na niyang pag-usapan pa ang tungkol kay Korina.

Paliwanag ni Kris, "I don't really wanna talk about Korina, kasi, di ba, dapat naman we try to be as united as possible? Siyempre, naiintindihan ko ang lahat ng isinakripisyo nila. Because of the decision that Mar had to make, their ambition has to take a back seat. It's not a joke for her because she gave up Bandila [ABS-CBN's late-night newscast]. Siyempre, she's going to be Mar's wife. I think we have enough time to make it right.

"My Ate [Ballsy] keeps telling me, 'Sa lahat sa atin, Kris, ikaw ang nagkaroon ng relationship sa kanya [Korina]. So, ikaw ang kailangang umayos niyan at ikaw ang kailangang gumawa ng effort.' Pero sinabi rin ng Ate na, 'Huwag mong pilitin, it will take time, at mas pangit kung mas forcing through.' Although, we went to see Ninang Judy [Roxas, Mar's mother], Manang Rhea... And as far as our family is concerned, we're okay."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bukod sa parehong Kapamilya sina Kris at Korina ay nagkaroon din sila ng morning show noon sa ABS-CBN na pinamagatang Morning Girls with Kris and Korina.

Matutuloy pa ba ang pagri-ring bearer ni Baby James sa nalalapit na kasal nina Korina at Mar?

"Siyempre, nung kinukuha nila si Baby James, ibang-iba yung sitwasyon," sabi ni Kris. "Kung mabigat pa sa loob nila, kung hindi pa okay, okay lang yun. It's her day, right? The wedding is the bride's day. Baby James has lots of moments of his own. In fact, hinihintay lang ni Deo [Endrinal, business unit head of ABS-CBN] na magsalita siya nang diretso for a children's show. Pag klarong-klaro na ang pagsasalita niya, simula na siya, and I'm really excited about that. It's an educational show every Saturday."

DINGDONG AS NOYNOY'S YOUTH SPOKESPERSON. Sinabi noon ni Kris ang plano ng kanilang pamilya na kunin ang Kapuso actor na si Dingdong Dantes upang maging youth spokesperson ni Noynoy sa 2010 elections. Ano na ang development dito?

"We haven't been able to talk to Dingdong," sagot ni Kris. "We understand the fact na napakalaki ng ating batang population, so we need to address that. That's the reason why my nephews have been helping me with both Facebook and Twitter.

"I have to make it clear na marami kaming kinakausap. Only, yung kay Dingdong, he was on the top of the list, especially of my sisters. It really, really made Mom [former President Cory Aquino] so happy nung sinabi niya that Dad [the late Senator Ninoy Aquino] was his idol. Siguro sa Mom, knowing that Dingdong is young and yet he cared about Dad, it mattered so much for our Mom. Siyempre, sa amin ngayon, kung ano ang makakapagpaligaya sa Mom."

NOYNOY'S GIRLFRIEND. Nilinaw rin ni Kris ang lumalabas na reports na ayaw niya sa girlfriend ni Noynoy na si Valenzuela City Councilor Shalani Soledad.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Si Josh ay possessive of his Tito Noy, and you know how possessive I am with Josh because nai-insecure si Josh," sabi ni Kris. "Pati yung nanay niya, nai-insecure na rin. Yun ang main reason. Pero nung nakapag-usap kami [ni Shalani], wala naman akong masasabi sa kanya.

"Actually, if you think about it, if ever you got the chance to interview her... The first time she met Noy, even before that first date, Noy said, 'You know what she asked me? Tungkol sa lovelife mo.' It was an open forum daw and sinagot daw ni Noy na, 'I think my sister's lovelife is not something that we should be discussing in this forum.' And then when they met three years after again, sinabi ni Shalani sa kanya, 'Nagalit ka sa akin kasi nagtanong ako kay Kris. Pasensiya ka na, fan talaga ako.' That was their first meeting.

"I want to take this opportunity lang, masyado kasing inulit-ulit ni Josh na ayaw niyang ikasal si Tito Noy. Grabe ang pagka-possessive ni Josh kaya siguro naging ganun ako. Pero kung sa'n naman liligaya si Noy, okay. I also explained that to Shalani. Sabi ko, 'More than me, ligawan mo please ang anak ko, kasi threat ka sa kanya.' Ligawan niya si Josh kasi natatakot si Josh na aagawin niya si Tito Noy—in so many ways. Kasi I must commend Noy, kasi si Josh pinaka-nangangailangan, so si Josh ang binigyan niya ng extra-special attention.

"Siyempre kung ikaw si Josh, hindi mo mae-express, pero mapi-feel mo bakit iba ang ka-holding hands? Sabi niya [Shalani], 'I understand kasi Noy already told me how important Josh is and what he promised to your Mom about Josh.' Maraming prinamis si Noy kay Mom about Josh, and because sinabi ni Mom kay Noy, 'As much as James [Yap, Kris's husband] is there, Noy, he needs to feel that he belongs.' Binilin talaga yun ni Mom kay Noy, na sa situation niya, kailangan constant reassurance. So I think she understood very well also. Ngayon naman, niyayakap na siya [Shalani]."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN