Che Tiongson withdraws civil case against Chavit Singson

"Ito yung reconciliation na sinasabi ko. Hindi naman ibig sabihin nun na magkakabalikan kami or ano. For the sake of our children," says Che Tiongson (right) about her decision to withdraw the civil case she filed against deputy National Security Adviser Chavit Singson.


Pagkatapos magpalitan ng maaanghang na salita laban sa isa't isa, nagkasundo rin sa huli ang dating mag-live in partner na sina deputy National Security Adviser Luis "Chavit" Singson at Rachel "Che" Tiongson.

Nagharap sina Tiongson at Singson sa Quezon City Regional Trial Court Branch 106 kaninang umaga, September 30. Dito ay pormal nang inurong ni Tiongson ang civil case na isinampa niya laban sa dating governor ng Ilocos Sur.

Matatandaang inakusahan ni Tiongson si Singson ng paglabag sa Republic Act 9262, o Violence Against Women and Children Act. Isinampa ni Tiongson ang kaso laban kay Singson noong September 2 sa QC RTC. Ito ay matapos bugbugin ni Chavit si Tiongson at ang boyfriend nitong si Richard Catral noong August 23. (CLICK HERE to read related story.)

Sa panayam ng GMA News kay Tiongson, sinabi niyang masakit at mahirap ang naging desisyon niyang iurong ang reklamo laban kay Singson. Pero ginawa niya raw ito alang-alang sa kanilang limang anak, na lubha raw naapektuhan sa nangyari sa kanila.

"Ito yung reconciliation na sinasabi ko. Hindi naman ibig sabihin nun na magkakabalikan kami or ano. For the sake of our children," paliwanag ni Tiongson.

Nilinaw rin ni Tiongson na hindi niya inatras ang kaso para maghabol ng financial support mula sa dating gobernador ng Ilocos Sur.

"No, 'cause we're not married," sambit ni Tiongson. "At saka hindi ko naman hiningi, e. Ang hiningi ko lang yung ano nga, visiting [rights]."

Ayon naman kay Singson, wala raw problema ang kahilingang ito ni Tiongson. Maaari raw bisitahin ni Tiongson ang kanilang mga anak kahit na anumang oras.

"Yes, no problem, anytime," sabi niya.


GABRIELA'S STATEMENT. Nagbigay naman ng pahayag ang women's activist group na Gabriela kaugnay ng desisyon ni Tiongson.

Ayon sa kanila, alam nila ang pressures na hinaharap ng mga babae sa ganitong mga kaso.

"Like other abused women whom we have encountered and assisted in the 25 years of Gabriela's staunch advocacy for the rights and welfare of women, 'Che' wanted to fight, but in the end she was overwhelmed with the pressure that she had to face," saad ng Gabriela.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


THE CASE OF MARIA TERESA CARLSON. Sa pagsubaybay ng mga tao sa kasong ito nina Tiongson at Singson, bumabalik naman sa alaala ang nangyari noon sa dating beauty queen at aktres na si Maria Teresa Carlson, asawa ng dating Ilocos Norte congressman na si Rolando Fariñas. (CLICK HERE to read related story.)

Gaya ni Tiongson, bata pa rin noon si Carlson nang makilala niya si Fariñas. Pagkatapos nilang ikasal ay iniwan ni Carlson ang kanyang pag-aartista upang manirahan sa Ilocos Norte at bumuo ng isang pamilya. Nagkaroon sila ng anim na anak.

Sinasabing naging biktima ng pang-aabuso si Carlson sa mismong kamay ng kanyang asawa. Sa isang interview ay sinabi ng dating Miss Young Philippines na isa siyang battered wife at ilang beses na siyang humingi ng tulong sa iba't ibang grupo. Pero sa kabila nito ay bumalik pa rin siya sa kanyang asawa dahil wala siyang ibang mapuntahan.

Noong November 23, 2001 ay tumalon sa kanyang kamatayan si Carlson mula sa 23rd floor ng kanyang tinitirhang condo unit sa Greenhills. Bagamat sinabi ni Fariñas na "aksidente" ang pagkakahulog ni Carlson, sinabi naman ng San Juan Police na "nag-suicide" diumano ang dating beauty queen. Pero may hinala naman ang iba na may "foul play" sa naturang insidente.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN