Jamilla Obispo is not out to compete with Cristine Reyes

"Kapatid ko siya sa VAA. Huwag naman kaming i-compare. Iba ang mga projects niya sa mga ibibigay sa akin. 'Tsaka mas bongga ang career ni Cristine. Kung hindi lang siguro ako naging pasaway noon, baka magka-level kami ngayon. Pero ngayon, parang nagsisimula ulit ako and I wish nga to work din with Cristine balang araw," says Jamilla Obispo about fellow VAA contract star Cristine Reyes.


Kasama sa mga bagong ima-manage ng Viva Artist Agency (VAA) ang Pinoy Big Brother Teen Edition Season 1 ex-housemate na si Jamilla Obispo.

Mas maganda at mas sexy ngayon si Jamilla dahil nagpapayat ito at nag-workout. Ready na raw siyang ipakita ang kaseksihan niya sa big screen. May gagawin ngang isang indie film sa ilalim ng Viva Digital na may titulong Ex-Deal.

Sabi ni Jamilla, hindi na raw siya dapat mag-iinarte pa dahil nasa tamang edad na siya at kailangan niyang buhayin ang kanyang anak.

"I need to work at nagpapasalamat ako sa VAA kasi nagkainteres sila sa akin. Maganda ang mga plano nila for me at natutuwa naman ako. Working mother ako at kailangan kong buhayin ang anak ko. They came just in time kasi matagal na rin akong walang regular show. May guestings naman ako every now and then, pero kailangan ko ng regular na trabaho para ma-maintain ko ang pangangailangan ng anak ko," nakangiting sabi ni Jamilla.

Pero kahit nasa bakuran na siya ng VAA ay tatanggap pa rin siya ng trabaho sa ABS-CBN kung saan siya nagsimula. Kahit nga raw naging pasaway siya noon, pinagbibigyan pa rin naman daw siya ng kanyang mother studio.

"Maganda pa rin ang relationship ko with Star Magic. Alam ko na branded ako na pasaway noon. Marami talaga akong mga hang-ups noon at alam ko na marami akong nasaktan na mga tao because of my attitude.

"Pero pinayagan naman nila ako na pumirma sa VAA. Marami na kasing artists ngayon sa Dos at masuwerte ako at napili ako ng VAA na i-manage. Wala namang problema with Star Magic kasi matagal na akong walang kontrata with them," sabi niya.

Hindi maiiwasan na maikumpara si Jamilla sa alaga rin ng VAA na si Cristine Reyes. Pareho silang sexy at pantasya ng mga lalake. Pero sabi ni Jamilla, hindi siya dapat ikumpara kay Cristine dahil mas sikat ito sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kapatid ko siya sa VAA. Huwag naman kaming i-compare. Iba ang mga projects niya sa mga ibibigay sa akin. Tsaka mas bongga ang career ni Cristine. Kung hindi lang siguro ako naging pasaway noon, baka magka-level kami ngayon. Pero ngayon, parang nagsisimula ulit ako and I wish nga to work din with Cristine balang araw," nakangiti niyang sabi.

Tungkol naman sa anak niya, maayos na raw ito after maoperahan dahil sa cleft palate nito. Malusog daw ngayon ang bata at nakakangiti na ito nang maganda.

Nang tanungin naman si Jamilla tungkol sa ama ng kanyang anak, heto ang nasabi niya: "Matagal na akong walang pakialam sa kanya. Tutal wala naman din siyang pakialam sa amin ng anak ko. Huli kong nabalitaan, sumama raw sa isang bading. Wish ko lang, matagalan ng bading ang lalakeng 'yon."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN