Roxanne Guinoo isn't fazed by "frozen delight" rumors at home studio

For whatever reason ABS-CBN isn't giving her projects at the moment, Roxanne Guinoo is taking it all in stride. "May kontrata pa rin ako sa ABS-CBN at habang wala pang ibang projects for me, puwede naman akong gumawa sa iba. Para hindi ako ma-frustrate o masaktan, naghihintay na lang ako. So far, hindi naman ako nawawala sa eksena."


Hindi nababahala si Roxanne Guinoo sa balitang "frozen delight" siya ngayon sa ABS-CBN. Parang ganito raw ang nangyari kay Kristine Hermosa noon na dahil sa ilang isyu, minabuti ng ABS-CBN na huwag na muna bigyan ng trabaho.

Nakatikim din daw ng ganitong treatment si Jericho Rosales, at iba pang gustong bigyan ng leksiyon ng Kapamilya network, hindi na lang ito ginagawang malaking isyu pa.

Cool lang si Roxanne tungkol dito. Sinabi niya, "May kontrata pa rin ako sa ABS-CBN at habang wala pang ibang projects for me, puwede naman akong gumawa sa iba. Natutuwa nga ako 'cause I was able to do a movie for GMA Films, yung Yaya & Angelina: The Spoiled Brat Movie, which became a big hit.

"Para hindi ako ma-frustrate o masaktan, naghihintay na lang ako. Kung wala pa, e, di tumanggap sa iba. So far, hindi naman ako nawawala sa eksena. May guestings pa rin ako sa ABS-CBN.

"Mayroon ngang iba riyan, nag-taping na sila for a teleserye, hayun, na-shelved pa rin yung project. Hindi rin ako pinababayaan ng Regal Films. Every now and then, si Mother Lily, isinasama ako sa mga pelikula nila. Happy na ako sa ganoon. Kung saan ako masaya at kumportable, doon ako, at magtatrabaho ako nang matino," sabi pa ni Rox.

COOL CAREER, HOT LOVELIFE. Parang hindi apektado si Rox ng ganitong mga isyu dahil happy siya sa lovelife niya.

"Hindi ko naman idine-deny," sabi niya. "Hindi ko maramot na isine-share ang part na 'yan ng lovelife ko kung mayroon, parang noong kami pa ni Jake Cuenca. Ang daming nalaman ng mga tao tungkol sa amin!

"Pero, may mga natutunan siyempre ako noon na hindi ko na lagi kong iisipin ngayon, lalo na't non-showbiz naman ang boyfriend ko.

"Masaya ako, kasi kahit ganoon ang setup, yung BF ko, naiintindihan niya ang situwasyon ko, at okey rin lang sa akin na ipagpatuloy ko ang showbiz career ko. Wala kaming problema pagdating sa trabaho," sabi ni Roxanne.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Iniisip na lang ni Rox na pana-panahon ang pagbongga ng career. Nakatikim na rin siya ng pagbibida sa teleserye, kaya kung yung iba muna ang binibigyan ng chance, okey lang sa kanya.

"Sa lovelife naman, pareho pa kaming nag-aaral. May trabaho ang BF ko, kasama ang kuya niya. Kababalik ko rin nga pala sa school kaya okey lang na hindi masyadong mag-active sa showbiz, pero hindi naman ako nawawala," sabi ni Rox.

BACK TO SCHOOL. Nanghihinayang din siya sa time. Management lang daw ng oras yun kaya naisipan ni Rox na bumalik sa school, na isang magandang impluwensiya ng bago niyang BF.

"I'm taking up Business Administration sa PCU [Philippine Christian University] sa Taft. Every Thursday lang ako nakakapasok. Yun talaga ang pinili kong schedule.

"It's more of modules and correspondence, one-on-one bale. Nag-o-offer sila ng ganoon, which is convenient for me. Pero, required to go to school once a week.

"Okey lang sa akin na may interaction sa klase. Gusto kong nae-experience yun, kaya happy ako sa ganitong setup sa studies ko. Maganda rin kasi sa mga kaeskuwela ko, nase-share ko yung experiences ko as an actress, kaya mas naiintindihan nila ang trabaho ko, kaya hindi ko nararamdaman ang discrimination sa school," banggit pa ni Roxanne.

Hindi naman nawawala kay Rox ang ideya na isang araw, mag-o-offer uli ang ABS-CBN sa kanya ng soap. Gustung-gusto kasi niya ang magdrama, pero habang wala pa, at least, mayroon siyang ibang bagay na pinagkakaabalahan.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN