Survivor Philippines Palau: Retired PBA player Cris Bolado fouls out

Ex-PBA player Cris Bolado becomes the latest castaway to be voted off Survivor Philippines: Palau. But the "gentle giant" still has a chance to return to the game and join the merged tribe if he beats first castoff Justine Ferrer in their face-off challenge.


Nalagasan na naman ng isang miyembro ang Airai sa pinakahuling Tribal Council ng Survivor Philippines: Palau.

Naging malaking palaisipan para sa marami kung sino ang matatanggal sa nalalabing apat na miyembro ng Airai na sina Cris Bolado, Charles de Vera Fernandez, Tara Macias at Mika Batchelor.

Kay Tara ibinigay ng Koror ang Immunity bracelet nang manalo silang muli sa Immunity Challenge kaya naging safe siya sa botohan. Hindi nagustuhan ni Mika ang pagbibigay ng Immunity bracelet kay Tara at naging ugat ito ng pagtatalo nilang dalawa pagbalik sa camp. Bigla na lang nag-litanya si Tara na kaya hindi siya makagawa ng chores sa camp ay dahil kay Mika. Sinabi rin ni Tara na kaya niyang gawin ang mga ginagawa ni Mika, lalo pag nawala na ang huli.

Sa bandang huli, ang retired PBA player na si Cris Bolado ang natanggal, sa bisa ng dalawang botong nakuha niya mula kina Mika at Charles. Si Mika ang ibinoto ni Tara, samantalang si Charles naman ang ibinoto ni Cris.

Sa pagkawala ni Cris, tatlo na lang ang natitirang miyembro ng Airai patungo sa inaasahang merge, kung saan makakasama nila ang anim na natitirang miyembro ng Koror—sina Suzuki, Echo, Marvin, Amanda, Jef at Shaun.

Bagamat napatalsik na sa laro, may pagkakataon pa ring makabalik si Cris kung matatalo niya ang unang castoff na si Justine Ferrer sa isang face-off challenge.

Magmula nang ma-vote off si Justine sa unang Tribal Council ay nanatili pa rin siya sa Isla Purgatoryo habang hinihintay ang susunod na castaway. Limang beses nang nanaig si Justine sa mga sumunod sa kanyang na-vote off.

Kaya malaking hamon para kay Justine ang paghaharap nila ni Cris sa huling face-off challenge. Ang sinumang mananalo ay kasali sa merged tribe.

REWARD CHALLENGE. Dito sa challenge na ito ay kailangang magdala ng tatlong items mula sa kanilang camp ang dalawang tribo, pero kailangang ipaalam ng "ambassadors" na sina Tara ng Airai at Amanda ng Koror kung ano ang mga bagay na gusto nilang makuha mula sa kabilang tribe.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang gusto ng Koror na makuha sa Airai ay bolo, palayok at poncho; samantalang ang Airai ay gusto namang makuha ang bolo, flint at palayok ng Koror.

Inisip ng Koror na kaya gustong kunin ng Airai ang flint at palayok ay para hindi na sila makapagluto nang tuluyan, at ang bolo para hindi na sila makapagbiyak ng buko. Kaya ang ginawa ng Koror ay kumuha ng isang bahagi ng flint na maaari pa rin nilang gamitin kung sakaling matalo sila sa challenge.

Pagdating sa location ng challenge, bago ipaliwanag ng host ng Survivor Philippines: Palau na si Paolo Bediones ang mechanics ng Reward Challenge ay tinanong muna niya ang dalawang tribes tungkol sa items na dinala nila.

Sa challenge na ito, bawat miyembro ng team ay dapat tumawid sa isang balance beam. Pagkatapos nito ay tatalon sila sa tubig kung saan kailangan nilang lumangoy para makakuha ng puzzle piece. Pag nakuha na nila ang puzzle piece, kailangan nilang sumisid papunta sa puzzle box. Ang puzzle box na ito ay may limang sides, kung saan kailangan nilang ilagay ang puzzle pieces. Isang puzzle piece lang ang maaaring ilagay sa bawat side. Pag nailagay na lahat ng puzzle pieces sa tamang puwesto nito, kailangang tumawid ang lahat ng miyembro sa balance beam, tumalon sa tubig, at dalhin ang buong box sa dalampasigan. Ang unang tribe na makakagawa ng task ang siyang mananalo ng reward.

Ang reward: isang napakasarap na whole pizza at hamburger patties na puwedeng ihawin ng winning tribe sa kanilang camp.

Dahil sobra ng dalawang miyembro ng Koror, hindi nag-participate sa laro sina Suzuki at Echo.

Bagamat nahirapan ang ilang miyembro ng Koror sa paglagay ng puzzle pieces, mas lalong natagalan si Tara ng Airai kaya nanaig pa rin ang Koror sa challenge.

Bukod sa pizza at hamburger patties, nakuha rin ng Koror ang tatlong items mula sa kabilang tribe.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pagbalik nila sa Airai camp, ipinaliwanag ni Tara kung bakit hindi niya nagawa yung challenge. Pero ayon kay Cris, hindi na mababago ng paghingi ng sorry ni Tara ang pagkatalo nila.

Dahil nanalo ang Koror, nakakuha rin ng hamburger patties si Justine sa Isla Purgatoryo at nakakain siya.

IMMUNITY CHALLENGE. Naging mabilis naman ang pagkuha ng Koror ng Immunity Challenge.

Sa challenge na ito, kailangang buhatin ng bawat tribo ang isang mabigat na kahon. Nakakabit sa tuktok ng kahon ang tatlong cork plugs na hihilahin ni Paolo kada dalawang minuto. Kapag nahila na ang mga plug na ito, tutulo ang tubig sa kahon na magpapabigat dito. Kapag hindi na mabuhat ng team ang kahon, mahuhulog ang cork sa isang punto. Kapag ang cork sa gitna ang nahulog, nangangahulugan na talo na ang team sa challenge ito.

Dahil sobra sila ng dalawang miyembro, hindi nag-participate sa challenge sina Amanda at Jef ng Koror.

Kulay green na tubig ang umagos mula sa tank ng Koror, samantalang orange naman ang kulay ng tubig mula sa tank ng Airai.

Pagkalipas pa lang ng isang minuto ay nahirapan na ang Koror sa kanilang posisyon at nakataglid na ang kanilang kahon. Mukha namang matatag ang Airai.

Sinabi ni Paolo na pagkatapos ng dalawang minuto ay ire-release niya ang isa sa mga lubid na magbibigay daan para sa pagtulo ng mas marami pang tubig sa tank.

In-adjust nang konti ng Airai ang kanilang posisyon, pero lingid sa kanilang kaalaman, napabilis nito ang pag-release ng cork. Nagulat sila nang i-announce ni Paolo na natanggal ang cork at ang Koror ang nanalo sa Immunity.

Pagkatapos nilang manalo sa challenge, pinapili ni Paolo ang Koror kung sino sa Airai ang bibigyan nila ng Immunity bracelet. Pagkatapos nilang mag-deliberate, iniabot ni Marvin ang bracelet kay Tara.

Nagulat man si Tara na siya ang pinili ng Koror, naniniwala pa rin siya na deserving siya sa bracelet. Disappointed naman si Mika sa nangyari.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paliwanag ni Jef, sa palagay nila ay si Tara ang nagku-cause ng malaking stress sa kanyang tribo kaya siya ang pinili nilang bigyan ng Immunity bracelet.


THE FINAL FACE-OFF CHALLENGE. Pagkatapos ma-vote off si Cris ay dinala siya sa Isla Purgatoryo, kung saan sinalubong siya ni Justine. Ipinaalam ni Justine kay Cris kung bakit nasa game pa rin siya hanggang ngayon at ang paghaharap nila sa huling face-off challenge.

Isang tree mail ang natanggap nina Justine at Cris, kung saan nakasaad na lilisanin na nila ang Isla Purgatoryo.

Ipinaliwanag ni Paolo sa kanila na ang sinumang mananalo sa kanila sa challenge ang makakasama sa merge, kasama ng mga natitira pang castaways.

Ang challenge: kailangang bumuo ang bawat isa ng tirahan na gamit ang mga materyales na ibinigay sa kanila. Isa sa mga tirahan na ito ang magiging tirahan ng merged tribe.

Ang magiging hurado sa challenge na ito ay ang mga natitirang castaways. Sila ang magdedesisyon kung kaninong bahay ang mas gusto nilang tirahan. Pero hindi nila alam na ang gumawa ay sina Justine at Cris.

Ang gumawa ng bahay na mapipili ng castaways ang siyang mananalo sa challenge at siyang makakabalik sa laro.

Limang castaways na ang natalo ni Justine. Magtuloy-tuloy kaya ang panalo niya, o si Cris ang pipigil sa winning streak ni Justine?


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN