Maja Salvador says commercial with Kim Bum is her best birthday gift ever

A commercial with an international idol, a teleserye about to be shown, Maja Salvador feels her cup runneth over: "Hindi ko po maipaliwanag kung ano pang dapat maramdaman, yung kung meron pang mas magandang word dun sa masaya. Kung meron pang mas tutumbas sa word na yun, yun na po siguro."


Itinuturing ni Maja Salvador na best birthday gift na natanggap niya para sa kaarawan niya bukas, October 5, ang opportunity na makatrabaho sa bagong RC Cola TV commercial ang Korean heartthrob na si Kim Bum, na mas kilala bilang si Yi Jeong sa top-rating Asianovela ng ABS-CBN na Boys Over Flowers.

"I'm happy and sobrang nag-enjoy kami ni Kim Bum sa TVC shoot namin. Siyempre po, feeling lucky ako kasi pumunta dito si Kim Bum para lang gumawa kami ng TVC.

"Alam ko, marami pong mga babae na gustong mapunta dito sa posisyon ko, pero ang gusto ko lang sabihin sa kanila, pagbigyan n'yo na ako. Birthday gift n'yo na sa akin ito. Actually, ito yung masasabi ko na best gift na natanggap ko for my birthday," kinikilig na pahayag ni Maja during the presscon ng RC Cola para sa kanila ni Kim Bum na ginanap kahapon, October 3, sa 9501 Restaurant ng ABS-CBN.

Puring-puri nina Maja at Kim Bum ang isa't isa hindi lang sa pagiging maganda at guwapo, to the point na sinabi ni Kim na kamukha ni Maja ang Hollywood actress na si Catherine Zeta-Jones. Naroon din ang paghanga ng isa't isa sa pagiging professional nila sa trabaho.

AS REFRESHING AS THE SOFT DRINK. Nang tanungin si Maja kung puwede niyang ihambing si Kim sa RC Cola na pumapawi ng uhaw, tugon ng young actress, "Ito lang ang masasabi ko, kasi, di ba, 5 a.m. nga yung call time ko, tapos siya 3 p.m. Siyempre init na init ako, lagi akong nauuhaw. Pero nung dumating siya, okay na lahat. Hindi na ako nauuhaw. Ngiti pa lang, okay na."

Dahil halatang kinikilig si Maja kay Kim Bum ay hindi maiwasang biruin siya ng mga taga-press. Tinanong siya ng veteran columnist-PR manager-talent manager na si Ethel Ramos kung ready ba siya sa isang long distance relationship. Sabay na ring tinanong kung wala na bang mangyayaring balikan sa dating karelasyon na aktor na, bagama't hindi hayagang tinukoy ang pangalan, alam naman ng lahat ay si Carlo Aquino.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Wala na po, Tita," tugon ni Maja sa pangalawang tanong at saka sinagot ang una. "Yung sa long distance relationship... long distance relationship talaga... Yung sa amin ni Kim Bum, nakakatuwa lang kasi naging magkaibigan kami. Para sa akin, okay na sa akin yung ma-experience na makasama ko siya. Bihira lang po yung ganung chance na makasama ang isang guwapong aktor katulad ni Kim Bum."

KIM BUM IS ORIGINAL CHOICE. After the presscon ay in-interview pa ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Maja upang mahingan ng paliwanag tungkol sa kumalat na balita noon na originally ang makakatrabaho sana niya sa ad ay si Lee Min Ho, na mas kilala bilang si Jun Pyo sa Boys Over Flowers din.

"Hindi, si Kim Bum talaga ang original. Kasi rumor lang po yung sa amin ni Jun Pyo. Nagulat nga po ako, e," paglilinaw ni Maja.

Nagkapalitan ba sila ng contact numbers o e-mail address ni Kim Bum?

"Wala, wala pong ganun. Medyo shy pa po kami sa isa't isa. Nagpalitan lang po kami ng language."

EXCHANGE OF LANGUAGES. Kung si Kim Bum daw ay natuto ng ilang Tagalog words gaya ng maganda, payong, salamat po, palakpak, si Maja naman ay natuto rin ng ilang Korean words.

"Yun nga wu san meaning payong, bi—rain, kiyopdah—cute, kasi cute na cute ako dun sa makeup artist niya na si Min Jong. Tapos yung tsuchi—tissue. Kasi lagi kaming may hawak na malamig na malamig na RC, kailangan namin ng tissue. Kumbaga, pag hihingi ako ng tissue, sasabihin niya tsuchi."

Mami-miss niya ba si Kim Bum?

"Oo, ayoko nang magpakaano. Yun nga, iba kasi pag ngumiti, yung parang binubuhay niya talaga ang lahat ng tao, parang ganun. Maganda yung smile niya.

"At saka nakakatuwa siyang katrabaho. Tuwing parang pagod na pagod ka na, bigla niyang sasabihin na, are you tired? Tapos sasabihin niya, you're still maganda. Ume-effort talaga. Nakakatuwa nga. Hindi ko aakalain na ganun yung ipapakita niya sa akin. And ganun siya makikisama."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

NAGSIMULA SA PUSO. Samantala, ipinapakita na sa ABS-CBN ang trailer ng bagong teleseryeng pagbibidahan ni Maja na Nagsimula sa Puso. Sigurado na bang maipapalabas ito this October at hindi matutulad sa ibang soap na dapat niyang gawin na natengga o na-shelve?

"Yes, sigurado na po. Siguro inaayos lang din po kaya wala pang date talaga. Pero sigurado na po yun this October na maipapalabas."


Base sa mga teaser na pinapakita sa Kapamilya, sa October 12 na ie-ere ang Nagsimula sa Puso.

Anong feeling na sunod-sunod ang mga blessings na dumarating sa kanya?

"Ah, hindi ko po maipaliwanag kung ano pang dapat maramdaman, yung kung meron pang mas magandang word dun sa masaya. Kung meron pang mas tutumbas sa word na yun, yun na po siguro. Grabe ang pakiramdam. Ang suwerte, dahil hindi po ako nauubusan ng blessings na dumarating sa akin, yung sunud-sunod po," sabi pa ni Maja.

Ang kabuuan ng RC Cola TV commercial nina Maja at Kim Bum ay mapapanood sa October 18 bago mag-ASAP '09 sa ABS-CBN. Mapapanood rin sa Kapamilya Network ang bagong TV show ni Kim Bum na may titulong Dream. (CLICK HERE to read related article)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN