The Buzz hosts react strongly against malicious text message about Sagip Kapamilya relief operations

"Let us be honest, pag nakakatanggap ka ng relief, masarap makatanggap ng relief sa mga magaganda!" says Kris Aquino, one of the hosts of The Buzz, along with Boy Abunda and Ruffa Gutierrez.


Umalma ang tatlong hosts ng The Buzz na sina Boy Abunda, Ruffa Gutierrez, at Kris Aquino sa "P.O.V. (Points, Opinions, Violent Reactions)" segment ng kanilang show last Sunday, October 4. Ipinagtanggol nila ang ABS-CBN kontra sa malisyosong text message na kumakalat sa mga cell phones.

Ayon sa mapanirang text message, ginagamit lang daw ng ABS-CBN ang isinasagawa nitong mga Sagip Kapamilya relief operations sa mga naging biktima ng bagyong Ondoy para "magpabango" sa publiko. Pinupunto rin ng text na ang ginagawang pagtanggap ng donasyon ay "dagdag leverage" lang daw para sa Kapamilya network. Hindi rin daw nakikipag-ugnayan sa gobyerno ang network at kailangan pa raw maghintay ng mga artistang sasama para mamigay ng relief goods.

Bago nagbigay ng kanilang reaksiyon sina Boy, Ruffa, at Kris ay ipinalabas muna ang VTR kung saan nauna nang nahingan ng pahayag si Kris nang ma-interview siya ng staff ng The Buzz tungkol sa isyu, habang kasama ang actress-TV host sa isa sa mga relief operations ng Sagip Kapamilya.

Sabado, October 3, nang makarating kay Kris ang text. Bilang isa sa mga aktibong nagdadala ng mga relief goods sa iba't ibang apektadong lugar, sumama ang loob ni Kris.

Aniya, "Ang ABS-CBN daw hindi nagbibigay sa mga government-related. Nakita naman natin nandito kanina, kasama natin si Mayor Mon Ilagan [ng Cainta, Rizal]. Sa likod ko po army ang nandiyan, sa likod. So, alam natin na we are working closely hand in hand with the government. Yung nag-text na yun, yung pisong pinan-text mo, sana itulong mo na lang sa kapwa. Pangalawa, kahit marami tayong donations na natatanggap, kulang yung mga trucks para i-deploy 'yan. E, di kayo ang mag-arkila ng truck at tumulong din kayo, di ba?

"Yung pagpunta po ng artista, hindi naman yun para lalo naming ikasikat, e. Hindi rin naman yun para iangat natin ang bangko ng ABS-CBN. Lahat naman ng artista din naglabas ng pera galing sa sariling mga bulsa namin para makatulong po. Kung si Willie Revillame isang milyon, si Kim Chiu two hundred thousand, si Ai-Ai delas Alas one hundred fifty thousand, lahat ng makakaya naman po namin, bilang Kapamilya n'yo, ginagawa namin. So, sana po bago n'yo naman po kami pintasan, tignan n'yo po, ano ba ang nagawa n'yo para sa mga Pinoy?" mahabang paliwanag ni Kris.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

ABS-CBN STATEMENT. Upang maging maliwanag ang lahat isang opisyal na pahayag ang inilabas ng ABS-CBN.

"ABS-CBN continues to receive the generous outpouring of help from individuals, groups, and companies. Because of the numerous donations, Sagip Kapamilya was able to deploy relief goods to more than 12 affected areas daily with or without the artist. To date Sagip Kapamilya has delivered relief to 161,124 families.

"The cash donations we have received will be earmarked to help in the rehabilitation projects. We profusely thank our kindhearted donors, volunteers and artists. Together with them, Sagip Kapamilya will continue to serve the Filipinos affected by typhoon Ondoy."

BOY, RUFFA & KRIS REACT. After ng VTR ay isa-isa nang nagbigay ng reaksiyon at opinyon ang tatlong hosts.

Nauna nga si Ruffa sa pagsasabing, "Tama yung sinabi mo, Kris, na imbes na manira sila, tumulong na lang sila. Kasi hindi lang naman ABS-CBN ang sinisiraan, pati yung mga artista na tumutulong talaga, sinisiraan at ginagawan pa ng kuwento. So, sana tigilan na natin ito."

Ayon naman kay Boy, "Alam n'yo mga kaibigan, masakit po nung amin pong matanggap ang text message na ito. I will not speak on behalf of the network. 'P.O.V.' po ito, opinyon ko lamang po ito. Ang sa akin lamang po ay bayan, lalo na doon po sa mga naninira, diretsang usapan ito. Would you rather have isang entertaiment network katulad ng ABS-CBN—and I'm speaking also in behalf of the entertainment industry— would you like to have, halimbawa ang ABS-CBN sasabihin sa mga artista, 'Mga artista namin, huwag kayong lumabas ng bahay. Baka magkasipon kayo, hindi kayo makakapag-taping, hindi kayo makakapagtrabaho. O di kaya, huwag kayong lumusong sa baha dahil baka magkagalis kayo at baka mabawasan ang inyong mga tagahanga.'

"Or, a network who says, 'Kung gusto n'yo pumunta kayo dito sa ABS-CBN. Hinihikayat namin ang aming mga artista na tumulong sa Sagip Kapamilya dahil first and foremost, we are children of God and we are citizens of this country. And then we are movie stars. We are television hosts.'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Patuloy niya, "One, I'm also proud, mga kaibigan, dahil nagkaroon po kami ng chairman na si Gabby Lopez, na nagbibigay ho sa amin ng inspirasyon, hindi kami pinipilit na gumawa ng hindi namin gusto. Isang chairman na nagbibigay sa amin ng free airtime para hikayatin po ang buong Pilipinas na makipagtulungan sa ABS-CBN.

"I'm proud to have a president like Charo Santos-Concio, na wala man dito noong kasagsagan ng bagyong Ondoy, pero oras-oras tumatawag, siguraduhin lamang na maayos ang trabaho namin dito sa ABS-CBN. I am proud to have a channel head, Cory Vidanes, na mula po nung Linggo ng umaga hanggang sa ngayon, as we talk, kaibigan, walang tulog, giving us her gift of time and expertise para lamang makapagsilbi sa taong-bayan. Kasama ang lahat ng officers ng ABS-CBN."

CELEBRITIES JOINING RELIEF OPERATIONS. Sumunod na tinalakay ni Boy ang pagsama ng mga artista sa mga relief operations.

"Okay, bakit marami pong artista na kasama pag naghahatid po ng mga relief goods? Kami po ay isang entertainment company. Marami po sa mga miyembro ng aming komunidad ay mga artista. Kaya hindi po nakapagtataka na maraming mga artista. Diretsuhang tanong, doon sa ini-infuse sa akusasyon po na hindi raw lumalabas ang Sagip Kapamilya kapag walang artistang kasama, hindi po totoo 'yan. That is not true. Dahil marami po ang naabot na mga tulong ng Sagip Kapamilya na walang kasamang artista. At kung may kasama mang artista, tanong, masama po ba? Hindi ba?"

Dagdag paliwanag pa ni Boy, "So, yun po lamang, sa gitna po ng lahat ng mga kaganapang ito, maraming mga pagdududa. Kasi alam n'yo po, ang lumabas dito sa ABS-CBN, huwag nating akuin, pati na rin sa ibang istasyon, sa ibang organisasyon. Lumalabas po na we have become responsible active citizens and we're sending the message lalo na doon sa mga nasalanta, walang pinili—artista, mayaman, mahirap—that kapag ika'y nasa isang sitwasyon na ganito, mayroon kang isang kababayan na handang tumulong at nagmamahal.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Huli na po itong punto, it will take a while, Krissy, to rebuild not just homes but ourselves as people. Sana ay ipagpatuloy po natin ang pagtulong. Sana hindi po natin inaantay ang mga trahedya para maging mabuti tayo sa isa't isa. Sana hindi natin inaantay ang mga sakuna para maging mabuti sa isa't isa. Because kung hindi natin aalagaan ang isa't isa, sino?"

Sabi naman ni Ruffa, wala namang pilitan sa mga artista at kusang loob nilang ibinu-volunteer ang sarili nila sa pagtulong.

"Kami ring mga artista, like kunwari tomorrow libre ako, ako mismo ang nagsasabi, 'Uy , Krissy, di ba I told you, na free ako tomorrow, puwede akong tumulong sa umaga, wala akong appointment.' Kasi ang pagtulong naman natin, Tito Boy, hindi naman bilang Boy Abunda at Kris Aquino at saka Ruffa as hosts—as human beings. Yun talagang gusto lang nating makatulong," wika ni Ruffa.

"Let us be honest, pag nakakatanggap ka ng relief, masarap makatanggap ng relief sa mga magaganda!" sambit ni Kris na ikina-react ng mga tao sa studio. "Hindi, totoo! Doon sa pinuntahan natin, di ba? They were the nicest."

Bilang paglilinaw naman sa sinabing ito ni Kris ay nagpaliwanag si Boy.

"Let me explain that. 'Yan po, mga kaibigan, ang power of celebrity. Ang kapangyarihan po na makapagpangiti ng ating mga kababayan."

Singit ni Kris: "Smile talaga and while they are saying thank you, sinasabi talaga nila na, 'Kahit walang makeup maganda ka.' Uy, thank you!"


CHOOSE YOUR BATTLE. Bilang mga celebrities na matagal nang nagtatrabaho sa entertainment industry, sanay na sina Boy, Ruffa at Kris sa mga tsismis at mga intriga. Pero, anila, may mga paninira rin na kailangang ipaliwanag para malinawan ang mga tao.

"While we are talking about this mga kaibigan, may mga tsismis na pinalalampas. Pero may mga paninira na pinag-uusapan dahil pag itahimik namin ito, parang we condoned kung anuman yung [hindi] katotohanan," ani Boy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag ni Kris, "Choose your battle. Pero ito dapat talaga na ipaglaban natin ang mga sarili natin. Hoy, it's no joke na babangon ka ng five in the morning, tapos nagbubuhat ka ng mga saku-sako ng mga tsinelas. But you know it's never enough. Yun ang na-realize ko lang. It's never enough sa dami ng kailangan. I wish I had more. So, I think that's our job, Ruffs, Boy... Eto ha, ang Christmas outreach natin dapat all these places na pinuntahan natin during the bagyo and the tragedy, dapat balikan natin pag maligayang panahon na."

Sa huli may paalala pa si Boy: "Mga kaibigan, huwag po tayong patatalo doon sa mga masamang tsismis. Alam n'yo po, with this tragedy, we discovered once again na mabuting tao ang Pilipino."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN