"Birit Baby" champion Jude Matthew Servilla captures the hearts of Filipinos

Twelve-year-old Jude Matthew Servilla was named "Birit Baby 2009" after besting seven other finalists in the grand finals held last Saturday, October 2, in Eat Bulaga!. Jude's interpretation of Wency Cornejo's "Hanggang" not only touched the judges but the viewers as well.


Marami ang bumilib sa husay na ipinakita ng 12-year-old na si Jude Matthew Servilla sa grand finals ng "Birit Baby" sa Eat Bulaga! noong Sabado, October 3. Maging ang mga judges na kinabibilangan nina Dulce, Jed Madela, Rachelle Ann Go, Moy Ortiz, at Arnel de Pano, ay hindi napigilang lumuha dahil damang-dama nila ang makabagbag-damdaming rendition ni Jude ng awiting "Hanggang" ni Wency Cornejo.

Sa huli, si Jude ang itinanghal na "Birit Baby" grand champion at tinalo niya ang anim na iba pang finalists. Ang batang singer na ito mula sa La Carlota, Negros Occidental din ang Viewers' Choice dahil sa 72,530 text votes na nakuha niya mula sa mga manonood. Samantalang mahigit 11,000 lang ang text votes ng sumunod sa kanya.

Bago pa sumali sa "Birit Baby" si Jude, bihasa na rin siya sa pagsali sa mga amateur singing contests sa kanilang bayan.

Ayon sa nanay ni Jude, madalas manalo ang kanyang anak sa mga contest na ito. Kaso nga lang, dahil hanggang alas diyes ng gabi lang ang mga sasakyan sa lugar nila, inuumaga na raw sila sa daan. Ayon naman sa ama ni Jude, ang napapanalunan nito ang nagagamit ng kanilang pamilya bilang pambayad sa kanilang mga utang.

Live na nag-guest si Jude sa Showbiz Central noong Linggo, October 4, at si John "Sweet" Lapus ang nag-interview sa kanya.

Unang tanong ni John kay Jude ay kung ano ang nararamdaman niya bilang champion over other contestants na magagaling din?

"Sobrang-sobrang saya po, kasi natupad ko na po yung pangarap ko," sagot ng batang singer.

Six years old pa lang daw si Jude ay pangarap na niyang maging singer.

Sino sa mga magulang niya ang nagturo sa kanyang kumanta?

"Silang dalawa po," ani Jude.

Mga singers din ba sila?

"Hindi po!" natatawang sabi niya.

Sinabi ni Sweet na bagamat 12 years old pa lang si Jude ay punong-puno na ng emosyon ang pagkanta niya. Saan niya kinukuha ang emosyon na ito?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Inspirasyon ko po sila, si Mama, si Papa, mga kapatid ko po. Yung ano po namin, karanasan."

Sa ngayon, excused lang daw si Jude sa klase niya. Pero pagsasabayin ba niya ang pag-aaral at pagkanta?

"Pagsasabayin ko po. Kasi, importante po ang pagkanta at importante rin po ang pag-aaral," sagot niya.

Naapektuhan din pala ng nakaraang bagyo ang tirahan nina Jude sa La Carlota. Ang dalawang kapatid niya at ang lola lang niya ang nando'n sa bahay nila nang bahain ito. So, kumusta na sila ngayon?

"Okey naman po, sa awa ng Diyos."

Nakausap na ba niya ang lola at mga kapatid niya?

"Opo, proud na proud po sa akin. Natutuwa po. Okey naman po ang kalagayan nila, masaya po sila para sa akin."

Nangutang lang daw ang mga magulang ni Jude para makaluwas sila sa Manila para makipaglaban siya sa "Birit Baby." Nabayaran na ba nila ang utang nila?

"Opo," nakangiting sabi Jude.

Bukod sa P200,000 cash prize bilang champion ng "Birit Baby" ay nanalo rin ng P20,000 si Jude para sa pagiging Viewers' Choice. Ano ang plano niya sa perang napanalunan niya?

"Siguro po, makakapagpatayo na kami ng bahay sa mismong city ng La Carlota. Yung bahay po namin [ngayon], parang sa baryo po," banggit ni Jude.

Ano ang gusto niyang sabihin sa lahat ng mga taong sumuporta sa kanya?

"Masasabi ko lang po sa kanila, maraming-maraming-maraming salamat po. Kung hindi sa inyo po, hindi ko po mapapanalunan ang Viewers' Choice award po. Nagpapasalamat po ako talaga. Maraming salamat po sa pagsuporta sa akin," saad ng "Birit Baby" grand champion.

CLICK HERE to watch clip of Jude's winning moment.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN