Singer Jay Perillo proves that there's life after losing in Are You The Next Big Star?

"Sa totoo lang, ang na-realize ko, huwag kang humiling. Magpasalamat ka lang sa lahat ng darating dahil mas grabe pa yung darating. Parang ganoon," says Viva Artist Center contract star Jay Perillo about life after Are You The Next Big Star?.


Nang iharap sa PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press ng Viva Artist Agency (VAA) ang mga bago nilang talents, isa ang singer na si Jay Perillo sa ipinakilala nilang muli. Si Jay ay naging finalist sa Are You The Next Big Star? ng GMA-7.

Although dati nang VAA talent si Jay, maganda rin na makumusta ito ngayon. Hindi man siya ang itinanghal na winner sa Are You The Next Big Star? ay marami ang naniniwala na siya ang pinakamagaling na male contender.

"Okey naman po ako, steady," sabi ni Jay sa PEP. "At parang yung work na nagagawa ko, yun po talaga ang gusto ko. Yung mga binabanggit ko noon, yung Big Star, parang nagagawa ko ngayon, like yung movie with Ms. Reg [Regine Velasquez] and Aga Muhlach."

So far, ang alam daw niya tungkol sa movie project na tinutukoy niya ay ang working title nito—Of All The Things, na hango rin sa title ng isang kanta.

"Yung role ko po sa movie, sobrang opposite ko po. Pero, sobrang enjoy po. Then, may ino-offer din po na regular show ang GMA-7. Pero yun nga po, hindi pa alam, pero sure naman po na may show. So, nakakatuwa rin po. Ang alam ko po, related pa rin po sa music ang show kaya masayang-masaya po ako," saad ni Jay.

Pagkatapos daw ng Are You The Next Big Star?, nagpahinga muna si Jay.

"Nagpahinga rin po ako ng a couple of weeks. Kasi, kahit ako rin po sa sarili ko, sinabi ko rin po na gusto ko namang mag-relax. So, mga three weeks, nasa bahay lang po—tugtog, PlayStation."

Hindi naman kaya parang dun niya ibinuhos ang sama ng loob na hindi siya ang nanalo?

"Kumbaga, para po akong nagbakasyon sa bahay, ganoon po ang ginawa ko," sabi niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May communication pa rin naman daw sila ng mga kapwa niya Big Star contestants. Nagkakasama rin daw sila, lalo na kapag may spot number sila sa SOP gaya last Sunday, Oct. 4.

In a way, marami rin daw na-realize si Jay after joining Are You The Next Big Star?.

"Sa totoo lang, ang na-realize ko, huwag kang humiling. Magpasalamat ka lang sa lahat ng darating dahil mas grabe pa yung darating. Parang ganoon."

Wala ba siyang naramdamang bitterness talaga?

"Seryoso... After nung ano, mga fifteen minutes, ako mismo, sinabi ko, bakit ganito? E, ganito naman, ganoon naman... Pero noong lumabas ako, nakausap ko mga press, nakita ko reaction ng mga tao, nasabi ko, hindi naman ako talo. Parang okey na ako dun. Yun na lang ang inilagay ko sa isip ko, na kailangan din naman talaga ni Geoff Taylor."

How's his family?

"Yun din, nagulat din ako. Kasi noong umiiyak ako, si Ate Michelle, yung handler ko po, niyakap ako. After, sabi ko, 'Ate, pakitingnan naman si Mama, baka ano. Si Papa, kasi high blood.' Tapos may kausap ako, nakita ko nanay ko, parating. Sabi niya, 'O, bakit umiiyak ka?' So, wala... wala...

"Parang sa lahat, sobrang applicable sa buhay ko ngayon yung word na steady lang. Parang sa lahat ng nangyayari sa buhay ko, parang steady lang. Tapos, di ba, dati po, sinabi ko, weird kasi usually ang sinasabi ko, 'Bigay N'yo na sa akin 'to. Matagal ko nang hinihiling 'to.' Pero noong finals, sinabi ko na, 'Kung ano ang ibibigay N'yo, salamat' And until now, ganoon po ang sinasabi ko. Nagpapasalamat ako every day. Bakit kailangan mo pang humiling, nakukuntento naman ako kung ano ang ibigay sa akin," pahayag ni Jay.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN