Emilio Garcia recalls harrowing experience at the height of typhoon Ondoy

"Nadurog ang puso ko. Parang, paano kaya ang iba pa? Alam mo yun? Wala, ganoon pala ang feeling. Noong araw, napapanood ko lang. Pero kapag sa 'yo pala nangyari, pagbukas mo pala ng pinto, titigil ka lang talaga, wala ka nang magagawa, e. After that, two days na, hindi mo pa ko makakausap nang matino," says Emilio Garcia about his typhoon Ondoy experience.


Habang tumatagal, mas lalo pang dumarami ang lumilitaw na artistang napinsala rin ang halos lahat ng ari-arian dahil sa nagdaang bagyong Ondoy. Ang aktor na si Emilio Garcia ang isa sa kanila. Inabot din ng mataas na baha ang bahay nila sa Filinvest Subdivision sa Cainta, Rizal.

Ang masaklap pa raw na nangyari sa kanila, on the way na sila ng asawa niya pauwi sa bahay nila nang ma-stranded sila sa daan at hindi na nakapasok pa malapit sa subdivision. Ang tatlong anak niya—the eldest is 12, ang pangalawa ay 8, at ang bunso ay isang taon pa lang—ay naiwan sa bahay nila kasama lang ang yaya.

"Never pa kasing bumaha nang ganoon sa lugar namin. So, bigla na lang tumaas yung tubig. Yung yaya ng mga anak ko, nag-text na yung tubig daw hanggang sa may hawakan na ng pinto ang baha. Sabi ko pa, 'Itong si Yaya talaga, exaggerated magkuwento.' Tapos, hindi na raw makita ang kotse, lubog na raw ang kotse. Akala ko noong una, hindi totoo, tapos nagtawag ako, totoo nga!

"Mabuti na lang yung kapitbahay naming may second floor, napansin sila. Noong una, akala walang tao. So, kinatok nila at ayaw pang sumama ng panganay ko noong una, nahihiya. Kasi, hindi naman nila naisip na tataas nang ganoon," kuwento ni Emilio sa PEP (Philippine Entertainment Portal) sa shooting ng Sagrada Familia.

Pinakamahirap daw na may ganoong kalamidad, pero wala siya sa tabi ng mga anak nila.

"Pinakamasaklap talaga yung hindi ko na sila makontak," aniya. "Alam mo yung feeling na wala akong magawa. Nakatambay kami sa Cainta papasok ng Marcos Hi-way. Sinubukan kong umikot sa iba, wala talagang nagpaparaan, sarado na!"

Kinabukasan na raw ng gabi sila nakauwing mag-asawa sa bahay nila.

"Nasa daan lang kami. As in, hindi ako nakakatulog dahil gusto kong makita ang mga anak ko. Sabi ko nga, kung may mangyari man, gusto ko, magkakasama kami. Hindi na makatawag noon. Alam mo yung feeling na pagod ka buong hapon, pero hindi mo maramdaman ang pagod. Gusto kong languyin talaga, hindi lang ako pinapayagan ng mga sundalo," lahad ng aktor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Galing daw sa isang badminton tournament si Emilio, kasama ang kanyang misis at iba pang Kapuso stars noong September 28.

"Kinabukasan ng Sunday [Sept. 29], medyo bumaba na hanggang baywang na lang. Nilusong na lang namin yun kasi hindi pa rin makakapasok ang sasakyan. Yung mga anak ko, kinaumagahan, kinuha sila ng father-in-law ko. So, kampante na 'ko. Pero hindi ko pa ma-picture out kung ano na ang hitsura ng bahay. Pagdating namin, nakita ko ang kotse, nakabaligtad na! Pagbukas ko ng pinto, talo pa ang Payatas! Wala akong second floor kaya wasak lahat ng gamit!

"Natanggal na ang putik, tina-try i-save yung ibang gamit. Marami na ang nasira. Yung mga TV, yung ref, kahit paano nagawa na. Yung kotse, nasa pagawaan na. Naglilinis, may bagyo na naman daw. Pinuntahan ko ang kotse, hindi ko na naisip, mga two kilometers, naitulak namin papunta dun, kaming dalawa ng kasama ko. Kasi, baka mamaya, 'eto na naman, liparin naman. Kumbaga, napraning na talaga!"

Sa ngayon, nakikituloy muna sila sa bahay ng biyenan niya sa Filinvest, na suwerte namang hindi binaha ang bahay.

After what happened, posible raw na maghanap na rin sila ng ibang matitirhan. Nagkaroon daw kasi ng hindi magandang epekto ang trahedyang dulot ni Ondoy sa mga anak niya.

"Na-trauma ang mga bata. Ayaw pa nilang bumalik. Nagbabalak kaming lumipat, pero inaalalayan ko muna. Hanep ang mga gastos ngayon dahil sabay-sabay, e. So, ang hirap," saad ni Emilio.

Ano ang na-realize niya dahil sa bagyong yun?

"Nadurog ang puso ko," sagot niya. "Parang, paano kaya ang iba pa? Alam mo yun? Wala, ganoon pala ang feeling. Noong araw, napapanood ko lang. Pero kapag sa 'yo pala nangyari, pagbukas mo pala ng pinto, titigil ka lang talaga, wala ka nang magagawa, e. After that, two days na, hindi mo pa ko makakausap nang matino.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hanggang ngayon, naba-block pa rin ako, lalo na kapag naiisip ko ang trauma ng mga bata. Yung panganay ko, noong magkita kami, siya agad ang yumakap sa akin. Niyakap niya agad ako. E, yung mga gamit din nilang lahat, books, notebooks sa school, nabaha. So, ipinapakiusap pa namin sa school nila kung maaaring mapalitan.

"Pero alam n'yo yung material na bagay, huli ko na na-realize. Ang pinaka-hindi ko gustong feeling, yung wala sa tabi ko ang mga anak ko. Kasi ang sa akin lang, kapag pamilya, kahit anong mangyari, basta magkakasama kayo, okey lang. At least, may nagawa ka at nag-try ka. Thank you, Lord, na walang nangyari sa kanila. Nagpapasalamat din ako sa kapitbahay namin."

Tumawag din daw sa kanya ang GMA-7 for telethon para sa mga nasalanta ng bagyo. Pero after a week na raw siya nakaupo sa telethon dahil wala rin daw siyang maisuot na damit dahil lahat ay nabaha.


SAGRADA FAMILIA. Nagpapasalamat naman si Emilio dahil tuluy-tuloy ang trabaho niya. Sa kasalukuyan ay may tinatapos siyang pelikula, Sagrada Familia, na idinidirek ni Joel Lamangan para sa Legalas Entertainment.

Emilio will play one of his most challenging roles to date bilang pagka-"psychotic" na ama ni Lovi Poe and as the husband of Snooky Serna.

Kuwento niya tungkol sa pelikula: "Wala rito ang asawa ko, nagpunta ng abroad, nag-DH siya. So, nasira ang ulo ko...wala na. Yung title ng movie, Sagrada Familia, so, parang yung irony."

Habang binabasa pa lang daw niya ang script ng movie ay kinalibutan na siya. Posible bang makakuha siya ng award para sa role na ito?

"Honestly, hindi ko inisip," sagot ni Emilio. "Noong nabasa ko ang script, kinalibutan ako. Tatlong beses ko siyang binasa, walang biro! Sabi ko, grabe naman 'to. Pero sa totoong buhay, nangyayari 'to, di ba?"

May rape scene din daw sila ni Lovi rito. Pero ayon kay Emilio, iningatan naman niya ang young actress at inalalayan sa mga maseselan nilang eksena.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN