Jaclyn Jose lets daughter Andi Eigenmann shine on her own

"Nagpupursige yung bata on her own. Hindi ko alam kung sinu-sino ang kinakausap niya para sa career niya. But definitely, hindi ako, hindi si Ralph [Mark Gil, ama ni Andie]. Tinatrabaho niya," says award-winning actress Jaclyn Jose about daughter Andi Eigenmann.


Nagko-concentrate ngayon ang multi-awarded actress na si Jaclyn Jose sa regular work niya sa upcoming ABS-CBN afternoon soap na Nagsimula sa Puso, kaya ayaw na raw muna niyang tumanggap ng indie films.

"Natapos namin yung Biyaheng Lupa, pero kinausap ko si Ed [Instrella, her manager], hindi na ako ganoon kabata. Dati kasi, sume-segue pa ako—soap opera, then indie film. Sabi ko sa kanya, huwag na muna ngayon. Ipapahinga ko muna ang katawan ko. Depende na lang kung irresistible talaga," saad ni Jaclyn sa PEP (Philippine Entertainment Portal).

Naniniwala rin ang aktres na tatagal sa industriya ang bida sa Nagsimula Sa Puso na si Maja Salvador. Ngayon pa lang, nakakuha na ng respeto among the more talented and prestigious group of senior stars si Maja na inilulunsad ng ABS-CBN sa ganap na pagbibida sa Nagsimula sa Puso.

"I don't think si Maja yung parang dumaan lang na star, na biglang mawawala," sabi ni Jaclyn. "Magtatagal siya sa klase ng abilidad niya. Alam naman natin kung sinu-sino ang nakakaarte at marurunong."

JACLYN'S DAUGHTER. Pero kung may hinihintay na future si Jaclyn, ito ay walang iba kung hindi ang para sa anak niyang si Andi Eigenmann, na kasama sa ongoing MYV VJ Search ng Studio 23.

"Mangangampanya ako sa text votes," sabi ni Jaclyn. "MYX 1, and send to 2366. Tulungan naman ninyo ako para masaya ang anak ko. Sa Channel 23, sa MYX, kung wala kayong ginagawa, panoorin ninyo siya. Ongoing kasi yung search. Sa October 13 ang announcement kung sino ang mananalo.

"Sa totoo lang, hindi ko siya ini-encourage. Kung puwede nga lang na i-discourage ko siya, gagawin ko. Pero kasi, nirerespeto ko lang kung ano ang gusto niya. Gusto niya yung ganyan, VJ-VJ. Ayoko siyang pigilan at ayokong magka-conflict pa kami. E, ako naman, hindi na humihinto sa kakakayod. Nakakapagod na rin, tapos magkaka-conflict pa kami ni Andie. Umiikot lang naman ang buhay ko doon sa dalawang anak ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kung ano ang gusto niya, marunong naman siyang mag-VJ na ganyan, go! Magaling siyang magsalita, kaya bigyan na natin ng chance."

Pero bukod doon, nasabi ni Jaclyn na gusto talaga ng anak niyang mag-artista.

"May disiplina ang bata," sabi niya. "Naghahanda siya. Ang payat na niya! Ang ganda! Nag-o-oatmeal naman siya at nagbe-vegetables, kaya okey lang. But, I told her, huwag sosobra ang pagda-diet. She has to eat.

"Nagpupursige yung bata on her own. Hindi ko alam kung sinu-sino ang kinakausap niya para sa career niya. But definitely, hindi ako, hindi si Ralph [Mark Gil, ama ni Andi]. Tinatrabaho niya.

"Napakalawak ng vocabulary ng bata. Palabasa kasi. Marami siyang binibigkas na words na hindi ko alam. Nag-Miriam siya, then nag-Benilde. Ngayon, nag-stop siya for a while. Pinalilipat ko kasi siya ng school. Napakalayo ng Benilde, ninenerbiyos ako!" bulalas ng award-winning actress.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN