Katrina Halili wants to attend International Emmy awards night where Magdusa Ka is nominated for Best Telenovela

"Sobrang saya ko nang sabihin sa amin na kasama ang Magdusa Ka sa final four nominees for Best Telenovela sa International Emmy Awards. Ang laking karangalan na yung ma-nominate, di ba? Kasi international award-giving body ito. Ibig sabihin, tanggap na sa buong mundo ang mga ginagawa nating drama series," says Magdusa Ka lead actress Katrina Halili.


Sobrang natuwa si Katrina Halili nang makarating sa kanya ang balitang nominated ang ginawa nilang Sine Novela ni Dennis Trillo sa GMA-7, ang Magdusa Ka, sa 37th Emmy Awards. (CLICK HERE to read related story.)

Sa dami raw na ipinadala na entries ng GMA-7, isa ang Magdusa Ka sa nakapasok na final four nominees for Best Telenovela, kasama rin ang Kahit Isang Saglit (A Time For Us) ng ABS-CBN. Ang iba pang nominees ay India: A Love Story (Brazil) at Second Chance (France).

Very special para kay Katrina ang Magdusa Ka dahil yun ang first time na nagbida siya sa isang drama series.

"Hinding-hindi ko makakalimutan ang Magdusa Ka, kasi 'yan ang show na unang ginawa ko after ng matinding kontrabida role ko sa Marimar. Sa Magdusa Ka ako unang binigyan ng pagkakataon na maging lead actress, at for the first time din ay naging mabait at api-apihan ako.

"Kaya sobrang saya ko nang sabihin sa amin na kasama ang Magdusa Ka sa final four nominees for Best Telenovela sa International Emmy Awards. Ang laking karangalan na yung ma-nominate, di ba? Kasi international award-giving body ito. Ibig sabihin, tanggap na sa buong mundo ang mga ginagawa nating drama series," sabi ni Katrina sa PEP (Philippine Entertainment Portal).

Gusto raw sanang personal na dumalo ni Katrina sa awards night, na gaganapin sa November 23 sa New York, kaya ipinagdarasal niya na maimbitahan sila.

"Natural, gusto kong um-attend doon. Bongga kaya 'yon! Maimbitahan man kami o hindi, magpapagawa ako ng gown ko na pang-red carpet. At least, ready na ako just in case!" tawa niya.

Dagdag ni Katrina, "And if ever nga na mabigyan kami ng invitation, gusto kong escort si Direk Maryo [J. de los Reyes]. First time kasi akong madirek ni Direk Maryo sa Magdusa Ka at talagang piniga niya ako nang husto sa pagganap ko. Kaya malaki ang pasasalamat ko sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ngayon, magkasama ulit kami sa Rosalinda at gano'n pa rin siya, hindi niya kami pinapabayaan sa pag-arte naming lahat sa show. Kaya gusto ko makasama sa New York kung maimbitahan man kami ay si Direk Maryo talaga."

Bukod sa Magdusa Ka at Kahit Isang Saglit, nominated din si Angel Locsin Bilang Best Actress para naman sa Lobo (The Wolf).

KRIS LAWRENCE'S TATTOO. Naitanong din ng PEP kay Katrina ang tungkol sa bagong tattoo ng singer na si Kris Lawrence sa kaliwang braso nito. Sa mga nakakita raw nito, may hawig daw sa mukha ni Katrina ang tattoo ni Kris.

Ano ang reaksiyon dito ni Katrina?

"Nakita ko na rin yung tattoo ni Kris at angel 'yon, e. Mahilig kasi sa music si Kris, di ba? Kaya parang angel of music daw 'yon. May mga nagsasabi nga na parang kahawig ko raw yung mukha ng angel sa tattoo ni Kris. Pero wala naman siyang sinasabi kung ako ba 'yon o nakahawig ko lang," sagot ng aktres.

Pero in case na mukha nga ni Katrina ang nasa tattoo ni Kris, matutuwa naman daw siya.

"Siyempre, nakaka-flatter 'yon, di ba? Parang ang ganda-ganda ko naman masyado! 'Tsaka it means na importante ka sa taong ito," ngiti niya.

Nabanggit ni Katrina na magkaibigan pa rin sila ni Kris.

"Isa pa rin naman si Kris sa mga very close friends ko ngayon. Kapag hindi kami sobrang busy, nagkikita naman kami kasama ang ibang kaibigan namin. Hindi naman nagbago ang friendship namin and he remains to be very supportive sa akin at sa mga pinagdaanan ko."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN