Mike Tan plays a janitor obsessed with cell phones in horror indie Hellphone

Mike may not be getting the kind of buildup that other stars are enjoying, but he takes heart from careers like Ronnie Lazaro's. "It's never too late kung may gusto kang marating. Siya [Ronnie], ngayon lang nabigyan ng award. Kumbaga, naghintay talaga." Lazaro won the 2009 Urian Best Actor award after waiting 27 years.


Second indie film ni Mike Tan ang Hellphone under Blue Moon Productions. May nauna na raw siyang ginawa, pero ang Hellphone ang mas unang ipalalabas this November 11.

Horror ang tema ng pelikula na, naging challenge para kay Mike bilang isang actor.

"Kaibigan ko si Rainier [Castillo] rito, pareho kaming naglilinis ng isang building. Isa akong obsessed sa cell phone rito. Dumarating sa point na matutulog na lang ako, tinitingnan ko pa ang features sa cell phone. Inaasar na ako kung bakit wala akong cell phone. E, dahil janitor lang ako, wala akong pambili.

"Hanggang sa makuha ko accidentally yung cell phone na dapat kay Jackie Rice at ibibigay ni Snooky Serna na matagal niyang pinag-ipunan. Tapos, dun na magsisimula yung conflict sa character ko at the same time, sa movie rin."

Puring-puri si Mike sa co-stars niya sa pelikula katulad ni Snooky. May sumundot ng tanong kay Mike kung hindi raw ba siya pinaghintay nito, na madalas nagiging isyu sa actress.

Aniya, "Ay, hindi naman po... wala naman pong ganoon. Mabait nga po siya. Marami po siyang kuwento."

Thankful din daw siya sa kanyang director na si Joven Tan dahil marami daw itong advice sa kanya.

"Okey siya, ang dami po niyang advices sa akin which I find na makakatulong pong talaga sa akin."

"MARAMI PANG STARSTRUCK'S NA BAKANTE." Si Mike ay grand champion ng second batch ng StarStruck. Pagkatapos ay dalawang batch pa ang sumunod at ngayon, may bago na namang i-introduce ang GMA-7 via StarStruck Batch 5.

How does he feel about this?

"Ang sa akin, okey lang naman, pero siyempre, para sa akin, marami pa kami. Marami pang ibang StarStruck's na bakante, walang ginagawa. Sana, kahit paano, mabigyan sila ng network ng chance. Pero ganun talaga, e. Ganoon ang role sa showbiz, ganoon ang patakaran. Kailangan mo ng bago. Kung hindi mo patutunayan ang sarili mo, mawawala ka. Kaya naiintindihan ko rin ang network kung bakit palagi silang nagpapasok ng bago."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nakukulangan ba siya sa naibibigay sa kanya?

"Hindi ko po masasabi kung nakukulangan or baka nagkukulang din ako. Tingin ko naman po, hindi lang naman company lang ang may pagkukulang or isang tao lang. Palagi naman pong parehas.

"On my part naman po, ginagawa ko naman po lahat ng makakaya ko para ma-improve kung anuman ang kulang sa akin. Like sa acting, ginagawa ko po para mag-improve pa po ako. Workshop at saka sinubukan ko rin pong mag-teatro, at okey naman po ang feedback sa akin."

Alam ni Mike na sina Aljur Abrenica at Kris Bernal ang napu-push ngayon ng network. Hindi naman daw naging isyu sa kanya yun dahil parehong kaibigan niya ang dalawa. At naniniwala raw siyang "it's never too late naman po kung may gusto kang marating. Parang ano rin po ang tingin ko sa ganyan, Ronnie Lazaro. Siya, ngayon lang nabigyan ng award. Kumbaga, naghintay talaga."

TIME TO GO SEXY? Marami ang nagsasabi kay Mike na dapat daw siguro, magpaka-daring na siya or mas maging mature pa sa mga roles at image niya. Minsan na siyang nagpa-sexy sa X-Ray magazine, pero tila hindi na nasundan ito.

"Well, actually, yun nga ang pinag-uusapan namin ng handler ko, si Kuya Daryl [Zamora]/ Ako kasi, kapag nag-gym, on and off. Malayo kasi, sa Angono, Rizal ako umuuwi, tapos, pupunta ako ng Quezon City para mag-gym, so minsan, nagdadalawang-isip ka kung tutuloy pa ba.

"Ngayon naman, sinara yung isang kalye kaya pagpunta lang sa Quezon City, inaabot na ako halos ng dalawang oras. Medyo mahirap din ang biyahe dahil sa nangyaring bagyo."

Halos kalahati ng village nila ay binaha. Hindi naman daw binaha ang mismong bahay nila, pero dahil nagka-brownout ng ilang araw, sa panic ng nanay niya na baka masira ang mga pagkaing pinamili ay iniluto itong lahat.

"'Sakto yun, kaka-grocery lang niya dahil suweldo ko nun. Kinabukasan bumagyo na kaya yun, ubos agad lahat ng nasa ref."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero, ready na nga ba siyang magpaka-daring na?

"Kasi ako, ang iniisip ko, parang patakaran ba talaga sa showbiz na magpa-sexy para umangat ka? Kung ganoon... siguro kung kailangan talagang gawin para mapansin. Pero, para kasing, siguro sabihin natin, sino ba talaga ang hindi nagbi-bare? Si John Lloyd Cruz, pero, magaling talaga siya. Actor siyang talaga.

"Siguro ako, given the chance makakaya ko rin ang ginagawa niya."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN