Coco Martin says he nearly got carried away during love scenes with Maja Salvador in Nagsimula Sa Puso

Coco says he's trying to keep things professional between him and his adorable co-star: "Natatakot ako kasi bilang lalaki, nakasalalay sa 'yo yung eksena. Ayoko namang makaramdam siya na nagti-take advantage ako sa situation."


May love scenes sina Coco Martin at Maja Salvador sa bagong serye ng ABS-CBN, ang Nagsimula sa Puso na pinagbibidahan ni Maja at mapapanood na simula bukas sa Hapontastic ng ABS-CBN. Sa panayam kay Coco ng SNN: Showbiz News Ngayon nung Biyernes ay inamin niya na tinablan at nadala siya sa love scenes nila ni Maja.

"Natatakot ako kasi bilang lalaki, nakasalalay sa 'yo yung eksena. Siyempre, ayoko namang makaramdam siya na nagti-take advantage ako sa situation. Ako, honestly, habang kinukunan yun talagang nadadala ako. Pero alam ko pa rin naman ang limitasyon ko," sabi ni Coco.

Sa nasabing serye, ang role ni Coco ay bilang isang estudyante na na-in love at nagkaroon ng relasyon sa kanyang guro played by Maja. Sa totoong buhay ba ay na-in love si Coco sa isang guro noong nag-aaral pa siya?

"Hindi naman in love, siguro nagkaroon lang ako ng crush sa mga naging guro ko kasi may magaganda sa kanila. Pero hindi naman umabot sa puntong may niligawan ako o nakipagrelasyon ako," sagot niya.

Matagal nang usap-usapan na mula nang magkasama ang dalawa sa mga tapings ng seryeay na-develop daw si Coco kay Maja at niligawan ang aktres. Pero ayon kay Coco, walang ligawan na nangyayari sa kanila. Ngunit aminado siya na hindi mahirap mahalin ang isang katulad ni Maja.

"Actually, lahat ng staff, lahat ng mga artistang kasama namin sa show ay mahal na mahal siya. Kasi sobrang sweet ni Maja," sabi ni Coco.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN