Armida Siguion-Reyna continues to promote culture in Aawitan Kita sa Makati... Live!

Singer, actress and producer Armida Siguion-Reyna puts in her fiery two cents' worth on the National Artist issue: "The issue is the violation of the rules. Whether or not they are deserving... is a matter of opinion. Para sa akin, ang na-violate... ang nababoy ay yung proseso."


Para kay Armida Siguion-Reyna, ang kasalukuyang isinusulong na panukala ng Concerned Artists of the Philippines (CAP) kontra sa apat na nahirang na Pambansang Alagad ng Sining (National Artist) ay may positibong patutunguhan.

"Hindi maaaring hindi maganda ang puntahan niyan, o mapupunta lang 'yan sa magandang ending, kung ang mga ibinoto ng mga kabilang sa committee [ng Sentrong Pangkultura ng Pilipinas o CCP, at National Commission for Culture and the Arts]... na nagdya-judge, ay siyang masusunod.

"You cannot right a wrong by making another wrong," sabi pa ni Tita Midz nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kamakailan.

Tulad ng CAP at iba pang sangay-pangkultura at sining sa Pilipinas, na nagpapasulong ng protesta, naniniwala ang beteranang mang-aawit, aktres at prodyuser na hindi dumaan sa tamang proseso ng pagkakapili ang apat sa hinirang ng Malacañang na National Artist, na sina Cecilia Guidote-Alvarez (Theater), Francisco Mañosa (Architecture), Jose "Pitoy" Moreno (Fashion Design), at Carlo J. Caparas (Visual Arts and Film).

Sinasang-ayunan ni Siguion-Reyna ang ginawang pagtutol ng ilang kabilang sa roster ng National Artists (tulad nina Bienvenido Lumbera, Benedicto Cabrera, Napoleon Abueva at Arturo Luz), sa pamamagitan ng petisyong inihain ng CAP sa kataas-taasang hukuman ng Pilipinas (Supreme Court), bilang isang hamon (o pag-kuwestiyon) sa legalidad ng pagkakadeklara sa apat na personalidad.

Samantala, kabilang sa mga naideklarang National Artist nitong taon, na kasama sa napili ng CCP at NCCA committees, ay sina Manuel Conde (posthumous, Film and Broadcast), Lazaro Francisco (posthumous, Literature), at Federico Aguilar Alcuaz (Visual Arts).

QUALIFICATION IS NOT THE ISSUE. Ang isa pang nakasama sa pagpili ng CCP at NCCA committees, si Ramon Santos (Music), ay tinanggal ng Malacañang sa talaan.

"Ang issue, inililihis nila," paniwala ni Tita Midz. "Dinadala nila sa qualification. That is not the issue. The issue is the violation of the rules. Kaya sa issue na 'yan, nagkakamali sina Cecile Guidote at Carlo Caparas... si Pitoy naman, at si Mañosa, hindi nagkokontra-protesta...

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Yung qualification, that's a matter of opinion. You may think, 'I'm the best' or 'the most beautiful woman on earth...,' pero yung weight of the process... that is the serious matter.

"And for that alone, they [Guidote-Alvarez, Moreno, Mañosa at Caparas] should not be nominated! They should really be stricken out of the list!" sabi ng ever vocal na Tita Midz.

Ang kanyang maaanghang na pahayag ay sinundan pa ng pagsasabing, "Whether or not they are deserving... is a matter of opinion. Para sa akin, ang na-violate... ang nababoy ay yung proseso. Nababoy ng Malacañang, at saka ni Cecile Guidote-Alvarez. That is unfair!"

Tinutulan nga ng marami ang pagkakapili ng Malacañang kay Guidote-Alvarez, dahil ito ang pinuno ng NCCA, at isinusulong ang kanyang pagkakapili sa puntong ito'y isang "presidential prerogative."

"Tapos, yung talagang nakapasa sa lahat ng committee, yun ang tinanggal?" naiiling na nangingiti na lang si Tita Midz.

CRIS AND MONIQUE. Hindi man aktibo tulad nang dati bilang artista at prodyuser ng pelikula, masaya raw si Tita Midz sa kasalukuyan niyang buhay.

"I would say that I'm happy. Yun ang secret ko. So I cannot produce because, as movie producer, you cannot expect the luxury of your time. And the function of an artist is to do something that will fulfill his gift of expression.

"Sabi nga ni Robert Redford, sa isang Academy Awards [presentation] sa Hollywood several years ago, 'Artists are the recorders of history...'"

"But how can you record a history that is a lie?" sabi rin ni Tita Midz.

Nang makausap ng PEP si Tita Midz ay kasama niya ang isa sa mga anak, si Ms. Monique Villonco, dating TV producer (Hapi House, for RPN-9) at mommy ng singer-performer na si Cris Villonco.

Namalagi pala sa abroad si Cris, ayon sa kanyang mom, kaya hindi muna nagtuluy-tuloy sa local showbiz.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"She tried working in Hongkong Disneyland, but she'll be back for good," banggit ni Ms. Monique, na editor-in-chief ng Town & Country magazine.

AAWITAN KITA... TODAY. Ever the popular and glamorous "lola," who's turning 79 years old in November this year, nakilala si Armida Siguion-Reyna bilang opera singer at prodyuser ng Aawitan Kita na namayagpag sa telebisyon (RPN-9) simula noong early 1970's hanggang sa pagsapit ng bagong milenyo.

Sa ngayon, wala mang regular telecast ang Aawitan Kita, ito'y ibinibilang pa ring isang pangunahing programang pangkultura, sa lahat ng panahon.

Kung mayroon mang natatanging legacy ang isang Armida Siguion-Reyna, na dapat kilalanin at parangalan, ito'y bilang tagapagsulong ng kulturang Pilipino sa pamagitan ng Aawitan Kita.

Kaya hindi rin matalikuran ni Tita Midz (at ng kanyang anak na direktor, si Carlos Siguion-Reyna) ang patuloy na pagtataguyod sa produksiyon ng programa, bilang isa na ngayong live musical production.

"It's still ongoing. Four years na kami... Aawitan Kita sa Makati... Live!" masayang pagbanggit ni Tita Midz.

Presented every last Friday of the month at the University of Makati, Aawitan Kita is under the sponsorship of the office of Makati City Mayor Jejomar Binay.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN