Sherwin Ordoñez turns more daring in I Love Dreamguyz

"As an actor, I have to mature na rin talaga. Hindi pa huli ang lahat dahil mature na rin ako talaga, in real life!" says the 31-year-old Sherwin Ordoñez.


"Bumigay" na nang husto si Sherwin Orodoñez sa bagong pelikula ng DMV Entertainment, I Love Dreamguyz, sa punto ng mas mahabang eksena ng halikan sa kapwa lalaki, na tipong torrid talaga. Ang kaeksena niya sa mga maiinit na tagpong yun ay si Jao Mapa.

"May bed scene kami ni Jao, who plays the role of our manager," sabi ni Sherwin sa PEP (Philippine Entertainment Portal). "Bale parang dance group kami dito na nag-a-aspire to work sa Japan. Ako kasi ang boyfriend niya sa istorya. Sa Kurap kasi, hindi pa masyadong grabe. Ang ka-bed scene ko pa doon, babae [si Rajah Montero]. Hindi ganoon ka-daring, unlike now.

"May dagdag na eksena pa sana kami ni Marco [Morales], parang dream sequence yun, may part sa movie na parang nagpa-fantasize siya, habang nagma-masturbate. Hindi na lang daw, sabi ni Direk Joel [Lamangan]. Too much na raw. Parang may eksena pa ring ganoon, pero hindi yata natuloy ang sex!" at natawa na lang nang malakas si Sherwin.

YOUNG-LOOKING. Inamin ni Sherwin na 31 years old na siya. Actually, kung hindi niya babanggitin ang edad niya, nakakadaya siya. Mas mukhang bata pa siya kaysa ibang mga co-star niya sa pelikula.

"Actually, parang natagalan talaga ang pagpapa-sexy," banggit niya. "Okey naman sa akin noon, kaya lang nauna yung pagbe-venture out ko sa business. Wala namang koneksiyon talaga yung pag-amin ko na may two kids na ako. Nagkataon lang na medyo lumamig ang career ko, kaya nag-business ako. Nawala ako sa limelight for a while.

"Nag-shift ako sa theater. Ayun, naisipan ko na siguro mas mabuting mag-aspire na ako sa ibang level na. As an actor, I have to mature na rin talaga. Hindi pa huli ang lahat dahil mature na rin ako talaga, in real life!" at natawa muli ang aktor.

Sa looks ni Sherwin, hindi siya masisisi na ma-typecast as a teener.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Teenybopper pa rin ang dating ko," napapailing si Sherwin. "Gusto ko nang kumawala sa genre na ganoon, tipong youth-oriented. Mag-move on na dapat ako, kasi yun lang ang pagkakatao na ma-hone ko yung craft ko."

FATHER OF TWO. May dalawang anak si Sherwin na pinag-aaral. Ang babae'y nasa Miriam College, samantalang ang lalaki naman ay na sa Ateneo de Manila.

"Five years old na yung anak kong babae, nasa kindergarten. Yung lalaki naman, magte-ten years old na.

"Supportive ang mother nila sa ginagawa ko. Alam nila kung anu-ano bang klaseng roles ang naibibigay sa akin. Kahit yung anak kong lalaki, naiintindihan na niya ang trabaho ko as an actor. Ipinapaliwanag ko na sa mga anak ko, kahit bata pa sila, ginagawa ko yun dahil part yun ng job ko as an actor. I'm portraying roles."


DANCER PLAYS A DANCER. Natutuwa naman siya na nakagawa pa siya ng pelikulang gaya ng Last Viewing na hindi kinailangang maghubad siya. Medyo wholesome na ang dating niya roon kung saan nakipag-aktingan siya nang husto kay Janice de Belen.

"Pero nakaka-relate ako sa istorya ng I Love Dreamguyz, kasi in real life, former dancer ako. Sa Abztract. Bago kasi ako mag-artista, gusto ko talagang mag-Japan.

"Sa ganoong anggulo lang ako nakaka-relate. May dance numbers dito na nakakatuwa, lalo sa auditions, at noong nasa bar na kami't nagtatrabaho. Nag-dance workshop pa talaga kami para magmukhang isang dance group talaga kami dito," sabi niya.

Aside from Sherwin at Marco, kasama rin sa lead cast ng I Love Dreamguyz sina Mayco Aquino, Miggy Valdez, Jay L. Dizon, at Niña Jose.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN