GMA-7 pulls out Sunshine Dizon from Tinik Sa Dibdib; Nadine Samonte to replace her

Tinik Sa Dibdib lead star Sunshine Dizon has been pulled out from the afternoon soap due to "health reasons." This is the second time that Sunshine has been removed from a project.


Kumpirmadong tinanggal na si Sunshine Dizon sa afternoon soap ng GMA-7 na Tinik Sa Dibdib.

Kaugnay nito ay nagpalabas ng maikling official statement ang Kapuso network. Ayon sa kanila: "GMA Network would like to inform the public that it has pulled out Ms. Sunshine Dizon from her current afternoon drama program, Sine Novela Presents Tinik Sa Dibdib, due to health reasons.

"It was decided that Ms. Dizon's condition would make it impossible for her to perform as an actress. GMA Network advised Ms. Dizon to rest in order to fully recover."

Bagamat "health reasons" ang ibinigay na dahilan ng GMA-7, may mga lumalabas na iba't ibang reports sa tunay raw na kadahilanan sa pag-pullout kay Sunshine sa Tinik Sa Dibdib.

Una na nga rito ang balitang "buntis" diumano si Sunshine. Pero mariin itong pinabulaanan ng ina ng aktres na si Dorothy Laforteza.

Ayon sa ina ni Sunshine, magbabakasyon muna ang kanyang anak sa U.S., kung saan naroroon ang ama nito. Plano rin daw ni Sunshine na mag-aral doon at hindi pa sigurado kung babalikan nito ang pag-aartista.

May lumabas din report na "depressed" diumano ngayon si Sunshine. Ito ay dahil daw sa pakikipag-break niya sa kanyang boyfriend, na kapatid diumano ng aktres na si Tanya Garcia.

Ang balita pa nga, kaya raw naospital si Sunshine dahil na-overdose diumano ito sa sleeping pills. Pero walang gustong magkumpirma ng report na ito.

Hindi ito ang unang pagkakataon na nag-backout o pinalitan si Sunshine sa isang proyekto. Matatandaang nag-backout din siya noon sa afternoon soap na Gaano Kadalas ang Minsan?. Nakapag-taping at nag-pictorial na noon si Sunshine, pero pinalitan siya ni Camille Prats, na noo'y kapapanganak lang sa kanyang unang baby. Dahil daw sa matinding migraine niya kaya nag-backout noon si Sunshine.

Si Sunshine ang gumaganap sa lead role bilang Lorna sa Tinik Sa Dibdib. Sa kanyang pagkakatanggal sa show, papalitan siya ng StarStruck Avenger na si Nadine Samonte, na huling napanood bilang Babaeng Impakta sa Darna.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Halos isang buwan nang umeere sa Kapuso network ang TV remake na ito ng 1985 film na pinagbidahan ni Ms. Nora Aunor. Kaya malaking problema sa mga scriptwriter ng Tinik Sa Dibdib kung paanong gagawing kapani-paniwala na mag-iiba ng hitsura ang central character ng Sine Novela na ito.

Kasalukuyang nasa Germany si Nadine, pero sa Sabado, October 17 na ang balik nito. Magsisimula siyang mag-taping para sa Tinik Sa Dibdib sa Oct. 19.

Bukod sa Tinik Sa Dibdib ay hindi na rin mapapanood si Sunshine sa morning program na Unang Hirit at sa weekly musical-variety show na SOP.

Isa rin sana si Sunshine sa magiging judge ng StarStruck V, pero dahil sa nangyari ay mukhang hindi na rin siya matutuloy rito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN