Singer-actor Nico Antonio accepts gay role in indie film Ang Laro ng Buhay ni Juan

"This is just a role. It has nothing to do with my personal life or being a musician or singer. Tinanggap ko yung role kasi hindi naman siya bastos," says Voizboys member Nico Antonio about starring in an indie film where he plays a gay role.


Sa indie world, masasabing nakikilala na rin si Nico Antonio lalo pa nga't markado naman ang ilan sa characters na nagawa na niya sa ilang indie movies na tinampukan niya. Sa telebisyon naman, nagsimula na ring makabuo ng sarili niyang following si Nico through their segment in ASAP Live, ang Voizboys, kasama sina Ronnie Liang, Guji Lorenzana, at Jay-R Siaboc. The group will soon launch their own album.

"So far, ako, bilang musician-artist, meron po kaming gagawing album sa Voizboys, hopefully by early next year, mailalabas na po namin yun. Iba't iba pong tracks. So far, kinu-compile pa po namin at kapag nag-recording, mamimili na lang din po kami," pagbabalita ni Nico sa PEP (Philippine Entertainment Portal).

Posible raw na by November or December pa ang start ng recording nila dahil, ayon kay Nico, may "rigodon" pa sa grupo nila.

"May mawawala, may mapapalitan sa aming apat," medyo malungkot niyang sabi.

Posible kayang si Ronnie ang mawawala sa grupo nila dahil sa kanilang apat, ito ang may kontrata sa ibang recording company?

"Actually, hindi ko rin naman po alam kung ano ang mangyayari," sagot ni Nico. "Ang sinabi lang po talaga sa amin kaya medyo natatagalan since, di ba po, nag-concert kami ng August? Wala kami ng September and October sa ASAP, at dahil nga raw po 'yun sa may mangyayari sa grupo. May babaguhin daw po."

Kung sakali, magiging kabawasan ba kung sinuman ang mawala o mapalitan sa grupo nila, especially kung si Ronnie nga ito?

"Sa opinion ko ho? Kabawasan po kung si Ronnie nga po. Kasi, magaling na talent din po si Ronnie. Iba rin po ang may balladeer sa grupo. Pero yun nga po, talents lang din naman po kaming apat. Sumusunod lang din po kami sa gusto ng mga bossing namin," aniya.

FIRST GAY INDIE FILM. May bagong indie movie si Nico, kung saan first time siyang sumabak sa isang gay film, Ang Laro ng Buhay ni Juan, na idinirek ni Jay Altarejos. Ipalalabas ito sa October 21 sa Robinsons Cinemas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ako po si Noel dito. Lover ko po yung bida na si Ray-An Dulay. Yung back story po namin, we met sa department store. Ito po yung noong nagtatrabaho pa siya sa department store. Pero isa rin siyang torero [sex performer]," kuwento ni Nico tungkol sa kanilang pelikula.

Gaano siya ka-daring dito?

"Actually, more on yakap-yakap, intimate kissing. Pero wala naman po yung butt scene, love scenes... Sinabi naman po na hindi naman na raw po necessary."

Since first gay film niya itong Ang Laro ng Buhay ni Juan, in the future, kaya niya ba na mas bold and daring pa?

"Well, ang masasabi ko lang ho sa ganyan, hindi ko ho masasabi kung ano ang hinaharap. Siguro po kung maganda ang materyal, tatanggapin ko po. Ang paniniwala ko po kasi, actor naman ako. Hindi naman ako artista lang, actor ho."

Dugtong pa niya, "Aside from singing, naging passion ko pa po ang acting. Yung pagiging gay, parang first time ko pa po. Parang it broadens my horizons, my comfort zone. Talagang dati, homophobic ako. Takot ako sa bakla.

"Evenutually, noong mag-theater ako, naindintihan ko na. Meron pa nga, naghahalikan sa harapan ko. Halikan talaga to the max. Minsan, sabi nila, nagse-sex daw sila sa banyo. Nagse-sex sila sa kung saan-saan. Tapos yung naging girlfriend ko pa sa theater, baklang babae. So, mas na-expose ako sa gay community, gay culture. So, okey na po sa akin."

What if mapagdudahan siya na isa rin pala siyang gay?

"Sa akin naman po, kung paano mo po dadalhin ang sarili mo, doon po makikita yun. For example po, isa-cite ko pong example sina Sean Penn... pero hindi sila bakla. It's just a role para sa akin. Pero kung iba-brand po nila sa akin, wala na po akong magagawa dun. Pero ako ho, alam ko ho na lalake ho ako," sabi niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bilang isa ring singer, hindi kaya magkaroon ng conflict ang paggawa niya ng gay indie films and people may not take him seriously as a singer?

"Sa akin po kasi, as an artist, kailangan versatile ho. Hindi ka lang basta umaarte, kumakanta ka rin. So, ang ano ko naman siguro, ang mga tao are mature enough to understand. This is just a role. It has nothing to do with my personal life or being a musician or singer. Tinanggap ko yung role kasi hindi naman siya bastos.

"Hindi rin naman ako 'yung walang pakialam. Gusto ko lang din na mag-expand yung yung craft ko. Hindi naman ako naghubad d'yan totally. Kiss lang naman sa lalake.

"Tinanong ko rin naman po si Mr. M [Johnnny Manahan, Star Magic head] kung okey lang ba na gawin ko 'to. Sabi naman po, okey lang. Meaty naman ang role. Hopefully, makita nga niyang meaty ang role aside sa meat na nakahubad ako!" natatawa niyang sabi.

Si Nico ay nasa 4th year na ng kanyang Law proper. Hindi na rin siya lumayo sa ina niya na si Atty. Joji Alonso. May non-showbiz girlfriend din siyang nagtatrabaho na.

"Sa totoo lang po, wala naman po akong nakikitang masama kung ginawa ko man po yun. Yung girlfriend ko naman po, sinasabi nga po niya, mas gusto pa raw niya na lalake ang kahalikan ko dahil mas confident siya na wala lang," saad ni Nico.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN