TJ Trinidad wants to play a lead role, given the chance

"I don't wanna be typecast as that. I just wanna be able to do different roles. It doesn't matter kung leading man ka or boy-next-door or kontrabida," says TJ Trinidad about playing character roles.


Isang pulis ang ginagampanan ni TJ Trinidad sa pelikula ni Yam Laranas na Patient X. Base sa paglalarawan ni TJ sa kanyang character, may pagka-dark ang ginawa niya sa horror film na ito na joint venture ng Viva Films, GMA Films, at ng RGutz Production.

"Basically, pareho kami ng pinagdaanan ng character ni Richard Gutierrez. Siya noong bata siya, while ako naman, very recent. So, noong mamatay ang pamilya ko, wala lang. Parang I was just seeking revenge. Pero hindi ko sinabi kay Richard. Very cynical ang ginagawa ko up to the point na hindi naman nabaliw, pero parang nabulag na rin sa galit. So, may pagka-antagonist ako rito," paliwanag ni TJ tungkol sa kanyang role nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng Patient X kahapon, October 15.

Hindi ito ang first horror film ni TJ dahil ginawa na niya noon ang Tiyanak, Kulam, at Shake, Rattle & Roll 9.

Hindi raw nawawala sa kanila ang worry na any film that will be showing could still feel the effect of typhoons Ondoy and Pepeng.

Pero ani TJ, "I believe naman, well, we believe na maganda ang product na ibinibigay namin. So, we hope that people will support it. Of course, right now, we can't really tell. We're just really hoping for the best."

STAIRWAY TO HEAVEN. Masaya naman si TJ sa magagandang reviews na natatanggap nila para sa primetime series na Stairway to Heaven, lalo na ang pagganap niya at ng mga co-star niya ritong sina Dingdong Dantes, Rhian Ramos, at Glaiza de Castro.

"Nakatulong talaga yung before the show started, nag-workshop talaga kami about how to go with our roles and our characters. Yung relationship namin, pati yung interaction namin with each other," sabi niya.

Ayon kay TJ, hindi raw talaga niya pinanood ang original Korean version ng Stairway To Heaven, and yet he was able to deliver his character na malapit pa rin sa ginawa ng original na si Tristan (Kim Tae Hee).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I think, I can credit that to our directors and good preparation before the soap. Yun ngang mga workshop namin. Pati yung pagdidirek ni Direk Joyce Bernal at Direk Andoy Ranay, kasi they really... they are very specific with what they want."

Nag-attempt din naman daw si TJ na magpahaba ng buhok gaya ng unang gumanap bilang Tristan, pero hindi raw siya kumportable kaya pinaputol na rin niya.

"Noong una, pinahaba ko siya, kaso ang hirap i-manage ng ganoong buhok. Tapos, ganito na yung buhok ko. Hindi naman porke't mahaba ang hair mo, magiging effective ka. So, I just decided to just keep it like this."

Bukod sa magagandang reviews sa kanilang primetime series at mahusay nilang pagganap, consistent din na mataas ang rating na nakukuha nito.

"Yeah, siyempre, happy kami. Lahat kami, as a team naman na kasama sa isang soap. As much as possible, ayaw mong bumaba ang rating mo. I think, we got affected also ng bagyong Ondoy. I really believed that. We're all happy naman.

"Of course, when we are working, we're not thinking about that. But at the end of the day, parang bonus namin yun. At least, na-appreciate ng mga tao ang hard work namin," sabi niya.

Masaya rin daw si TJ bilang isang Kapuso dahil magmula nang lumipat siya mula sa ABS-CBN ay hindi na siya halos nabakante.

"Of course, I'm grateful na pinagkakatiwalaan nila ako sa mga ganitong meaty roles. First with Zorro, and now with this. So, I'm very happy that they trust me," sambit niya.

So far, puro character roles ang nagagawa niya. Sa ganoong linya na ba niya gustong makilala?

"Hindi naman. I don't wanna be typecast as that. I just wanna be able to do different roles. It doesn't matter kung leading man ka or boy-next-door or kontrabiba," sagot ni TJ.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi naman niya itinatanggi that given the chance, he would also want to play a lead role.

"Siyempre, siyempre... Of course, isa yun sa winu-work out ko. So, siyempre, nandun pa rin yun."

So far, sa dalawang nagawa niyang series sa GMA-7—Zorro at Stairway To Heaven—si Rhian Ramos palagi ang nagiging love interest niya. Kung siya ang tatanungin, sino pa ang gusto niyang maka-partner?

"Si Rhian... Nandiyan naman si Iza Cazado if it's GMA-7, may Sunshine Dizon pa naman. Jennylyn Mercado... marami pang puwedeng ma-pair up," sabi ni TJ.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN