Jed Madela says love can wait while career takes off

Jed Madela is one of the OPM artists lending his voice to a fundraising project spearheaded by Ogie Alcasid to benefit victims of the recent typhoons. He can relate. He was a flood victim himself. Career-wise, things couldn't be better for the young singer, with two platinum awards (shown in photo) and a concert on October 24 with BFF Rachelle Ann Go.


Nanggaling si Jed Madela sa ikatlong set of recordings ng mga OPM artists para sa project na pinangungunahan ni Ogie Alcasid, ang fundraising concert na magaganap sa December para sa mga biktima ng bagyong Ondoy at Peping.

Nagsama-sama ang mga Filipino artists sa recording studio ni Jay R para i-record ang kantang "Kaya Natin 'To."

Nakaka-relate si Jed sa mga nasalanta, dahil biktima rin siya ng nakaraang bagyo.

"Yeah, actually, nakakatawa nga. Bumaha noong Saturday, pero hindi ako nakauwi ng bahay sa Cainta hanggang ilang araw. The next day, isa ako sa iilan lang halos na nakapag-report pa rin sa ASAP. Nakasama pa rin ako sa telethon. Inisip ko na lang, kesa magmukmok ako sa isang tabi na yung bahay ko, binaha, yung mga gamit, halos sira na lahat, e, wala na rin naman akong magagawa.

"And noong dumating nga yung opportunity to record the song 'Kaya Natin 'To,' kasali rin ako sa project nina Ogie at Regine Velasquez. Ay, ngayon nga, kagagaling ko lang din sa recording sa bahay ni Jay-R. Nakakatuwa kasi, ang dami namin. I think, sa aming mga champions pa lang, halos lahat na yata ng OPM artists kasama."

Hoping din daw si Jed na pati sa concert sa December, makasama pa siya.

"Hopefully, hopefully... Inaayos pa kasi ang mga schedules. Supposedly, ang concert yata dapat November 14, e, hindi ako puwede. I'll be part of the Katy Perry concert and since na-move naman ng December, hopefully, makasama na by that time."

PERSONAL FLOOD STORY. Wala pa man daw ang concert, ramdam na ni Jed ang pagiging united nilang mga artists, regardless kung saang network or kumpanya sila kabilang.

"Sa artists naman kasi, sa totoo lang, wala talagang rift. I think, it's the people around us. Pero yung mga artists, kapag nagkita-kita, wala lang. Magkakamustahan, nag-uusap."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Mahirap daw talaga ang nangyaring pagbaha sa bahay niya. Halos mag-iisang taon pa lang silang nakatira sa bahay na naipundar niya nang bahain ito at ang lahat ng kagamitan.

"Sa loob kasi ng bahay, hanggang chest ang inabot ng tubig. May second floor naman, pero siyempre, yung mga naiakyat lang din ng mga kasama ko sa bahay yung maliliit na gamit. Yung mga malalaki, hindi na. Sabi ko rin, hayaan na nila. Just make sure na sila, safe naman at saka yung limang pet namin."

Nasa Iloilo ang mga magulang ni Jed at siya lang ang nandito sa Manila. During typhoon Ondoy, doon muna raw siya sa tita niya sa Las PiƱas nag-stay ng ilang araw.

Bagama't nakauwi na siya sa bahay niya sa Cainta nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa telepono noong Huwebes ng gabi, October 15, hindi pa raw niya alam kung maghahanap siya ng ibang tirahan.

Aniya, "Sa ngayon, medyo bare pa ang bahay. Yung sofa, lahat ng carpet, ref, oven, washing maching, wala na. Magwa-one year pa lang ako rito. At sabi naman ng mga tao, noon lang daw nila na-experience. Ine-explain naman na normally, hindi nangyayari. So far, wala pa naman akong planong maghanap. Ito rin kasi ang first house ko na nabili."

PLATINUM BOUNTY. Pero professionally, magandang unos naman ang dumarating sa career niya. Noong Linggo, ginawaran si Jed ng dalawang platinum record awards sa ASAP for his two albums, Only Human that was released last year, and Songs Rediscovered noong March, both from Universal Records. Halos sabay na nag-platinum ang dalawa niyang album.

"Sobrang fulfilled. Sobrang happy. Ako po kasi, kapag gumagawa ako ng album, very hands-on ako. Kahit itanong n'yo pa sa Universal, from conceptualizing, recording, arrangement, so, para yung album na umabot ng platinum, malaking reward po talaga. Lalo na ngayon na sobrang hirap mag-produce ng album at ma-convince ang buying public na bumili sa kabila ng mga piracy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Yung pagod ko sa album, nasusuklian, nare-recognize."

Sa ngayon, ang dream daw ni Jed ay makapag-release ng all-original album. Pero alam daw niyang depende rin ito sa market since sa ngayon, in pa talaga ang mga revival songs.

A CONCERT WITH RACHELLE. He will also have an upcoming concert with Rachelle Ann Go on October 24 at Skydome. First time nilang mag-ii-stage ng concert na silang dalawa lang.

"I'm happy na pinayagan ako ng UR na gumawa ng concert with Rachelle under Viva Events naman po. First time namin ni Rachelle na magsasama sa isang concert na sa amin talaga. Usually, sabay kaming guest."

Bigla naming naalala na nanligaw siya noon kay Rachelle, pero, obviously, naunahan siya ni Christian Bautista.

Natawa si Jed sabay aming, "Dati... tumatawag, nagte-text but not in a serious way. Kaibigan po."

Hanggang doon lang?

"Naging close kami ni Rachelle way before pa. Pero we're still close at masasabi ko na lalong tumibay yung closeness namin. Mas gusto ko na ganito, magkaibigan, mas close, kesa yung tied up kayo sa isang relationship."

Hindi ba sila nagkaroon ng ilangan after naging Christian at Rachelle na?

"Nagkaroon ng ilangan because of the people around us, pero, wala naman yung talagang seryosong ilangan. We're two-way naman ni Rachelle. Nag-o-open up siya sa akin, ako rin naman sa kanya. And if you will ask me kung sino ang pinaka-close ko sa showbiz, si Rachelle po yun. Ilonggo rin ang family niya kaya matagal na rin yung friendship and we trust each other."

SECOND CHANCE WITH RACHELLE? May balitang break na raw sina Gabriel Valenciano at Rachelle. Since close sila, nakakapag-open up ba ang huli sa kanya?

"Ay, ako po kasi, umiiwas ako sa personal issue. Pangit naman na tanungin ko siya and talk about other people. Siguro, sa kanila na lang yun. I respect her privacy. Unless siguro voluntary siyang magkukuwento, pero kung ako yung magpipilit, hindi."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kung single uli si Rachelle and they are close to each other, wala ba siyang planong ituloy ang tila naudlot niyang panliligaw dito?

"Well, hindi natin... ako kasi, I'm just speaking realistically. With all the things that are going, okey na. Why would I complicate things? Sa akin, okey na ang ganitong setup. Mas may space kami na makapag-breathe."

Matagal na raw ang last relationship niya. Kung may choice, he will always choose work over lovelife raw.

Hindi ba lonely ang single life?

"Hindi naman. Siyempre, ako naman, I balance my life. I have my family, friends, work. Yung steady talaga, I haven't found the right person. Parang ang hirap maghanap ng tao na super understanding sa business na ito."

Hindi ba sumagi sa isip niyang magka-girlfriend na lang para ma-erase yung sexuality issue tungkol sa kanya?

"Hindi... ako kasi, I'm a very mature thinker.... It's very unfair for the girl, too, na para lang mawala ang isyu. Siguro ako, noon, I got affected, pati family ko. Pero kapag inisip mo, sino nga ba ang hindi naiintrigang bading sa showbiz? Nine out of 10 dadaan sa ganitong intriga. Hindi ko na lang pinapansin or else life will become miserable."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN