Jason Abalos prefers a slow career to being a flash in the pan in showbiz

Jason doesn't mind that some of his contemporaries are now carrying films and teleseryes and newer actors may even get ahead of him. "Ayos lang, hindi ako insecure," he said. "Gusto ko kasing tumagal sa business na ito. Hindi yung biglang sikat lang. Hindi ako nagmamadali. Gusto ko, nariyan lang ako, kahit matagal ang inilalakbay ko."


Kung tutuusin, isa sa orihinal na ka-teamup ni Maja Salvador si Jason Abalos. Kaya hindi nakapagtataka ang rapport nila sa isa't isa sa bagong afternoon soap ng ABS-CBN na Nagsimula sa Puso.

"Inaamin ko naman na nanligaw talaga ako kay Maja," sabi ni Jason. "Hindi naman binasted. Naroroon na sana, pero nagkahiwalay kasi kami ng trabaho, hanggang mawalan na kami ng time. Nag-focus talaga kami sa kanya-kanyang trabaho.

"Nagkanya-kanya kaming trabaho, nag-iba yung working atmosphere. Basta, ganoon lang. Wala naman siyang sinabing basted ako," natatawang dugtong ni Jason.

Matagal silang di nagsama at nawalan sila ng communication.

"Hindi na napag-usapan," sabi ng binata. "Ewan ko lang ngayong magkasama ulit kami sa trabaho. Pero ang mahalaga, naroroon pa rin ang friendship sa amin. Hindi nawawala. Magiging special pa rin kami sa isa't isa kahit wala sigurong malalim na relasyon."

AWARD WINNER. Si Jason ay isa sa mga artistang nakabuo agad ng respeto sa industriya. Award-winning actor siya, kaya hindi nakapagtataka na siya'y hindi nawawalan ng trabaho.

"Hangga't bata, sige, trabaho lang," aniya pa. "Nakakakuha pa rin ako ng time para sa sarili ko. Hindi naman araw-araw may trabaho rin ako. Mabuti nga, nakapagtayo ako ng negosyo.

"Kung wala akong trabaho, naroroon ako. Sa advertising at construction ako. Ang tatay ko kasi, engineer. And then may mga pinsan akong artists, kaya pinagsama namin yung mga kaalaman na yun," sabi pa ni Jason.

Kinumusta namin si Coco Martin, kung paano ito magtrabaho.

"Mahirap ding basta mag-react, kasi hindi pa kami masyadong nagkakaharap sa mga eksena. Pero, aware ako kung gaano ka-intense si Coco bilang actor.

"Kina-career ko na nga ang pag-e-emote. Yun lang din kasi ang kaya kong gawin," at natawa na lang siya.

STEPPING INTO JAY ILAGAN'S SHOES. Ang original movie version ng Nagsimula sa Puso ay tinampukan ni Jay Ilagan sa papel na mister ng bidang babae na ginampanan naman ni Hilda Koronel. Jason takes on the Jay Ilagan role.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ang pagkakamali ko lang siguro, hindi ako nakapanood ng kahit na anong pelikula ni Jay Ilagan," sabi ni Jason. "Hindi ko rin alam kung paano siya magtrabaho. Marami akong naririnig na sobrang galing niya. Sana nga, kung may time ako, makapanood ako ng kahit na anong movie niya. Isa raw siya sa pinamahuhusay na aktor sa kanyang henerasyon."

Yun ang kinatatakutan ni Jason, na baka di niya mabigyan ng justice ang role pag kinumpara sa ginawa ng yumaong Jay.

"Mabuti na rin kasing hindi ko napanood ang movie version ng Nagsimula sa Puso. May tendency rin kasi akong gayahin yung napanood ko na. Kung nagawa na at nakita ko, puwede kong gayahin, e, mahirap gawin yun. Mahirap manggaya," nasabi ng aktor.

SLOW BUT SURE ASCENT. Kahit leading man status na rin ang naabot ni Jason, hindi maipagkakailang mas angat pa rin daw ang gaya nina Gerald Anderson at Jake Cuenca na nagbibida na't may kanya-kanya nang teleserye. Mukha ngang mauunahan pa si Jason ni Coco Martin.

"Ayos lang, hindi ako insecure," kampanteng tugon ni Jason. "Gusto ko kasing tumagal sa business na ito. Hindi yung biglang sikat lang. Hindi ako nagmamadali. Gusto ko, nariyan lang ako, kahit matagal ang inilalakbay ko.

"Mamaya, biglang bigyan ako ng teleserye, hindi ko pa naman kaya. Hindi ko napaghandaan. Sayang lang. Kaysa tumagal ako, baka bigla lang akong mawala.

"Masaya ako sa ganito. Kuntento ako, kahit nagbibilang ako ng taon. Ang pag-arte kasi, gusto ko nang idikit sa buhay ko."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN