Jericho Rosales feels he made a good Change with Star Records

Echo's first album under Star Records is called Change. But in fact, he felt like he was coming home. "Since I was working with ABS-CBN naman and all my soaps are with ABS... I mean 95 percent of my projects are with Star and ABS, feel ko lang, ang sarap to be at home, super at home."


Inamin ni Heart Evangelista sa SNN: Showbiz News Ngayon recently that she's currently dating someone. Di man ibinigay ang identity ng nasabing lalaki, it seems bukas ang puso ni Heart to giving herself a chance to enjoy life, meet other people and maybe find the right man for her.

Pero walang katumbas na balitang may naging girlfriend si Jericho Rosales pagkatapos ng paghihiwalay nila ni Heart.

Sa nakaraang launch ng album ni Echo titled Change under Star Records, tinanong namin kung nasasaktan pa siya hanggang ngayon kung nababalitaang may dine-date si Heart.

"Di na naman bago sa akin yun, alam ko naman she's been dating. No, I'm not hurt, no need, di na naman niya kailangang i-inform pa sa akin yun. Every time I hear something like that, I always pray for her that she'll be hanging out with the right people. My prayers is always for her.

"I cannot stop naman kung ano ang nangyayari sa buhay niya, di ba?"

CAREERS WENT COLD. May mga nagsabi na mukhang di sila suwerte sa isa't isa dahil parehong bumagal ang careers nila nung sila'y magkarelasyon at gumanda naman uli nung nagkahiwalay na sila. Hindi sang-ayon ang aktor sa pananaw na ito.

"No, I don't think my God is unable. My God is able and God wants to makes me happy in all areas of my life. He will bless my career, He will not say, 'Ay, di ko puwedeng i-bless ang lovelife mo kasi blines na kita sa career mo.' Di Siya ganun, e.

"Timing lang. I mean love requires time, career requires time, so let's just say if you're in a relationship, siyempre, kailangang magbigay ka ng time in a relationship. Siyempre, pag may career ka rin, automatic na kailangan ka ring magbigay ng time so it's all about balance, balance lang talaga 'yan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"That's why there's a word 'sacrifice' sometimes. Di mo talaga puwedeng i-measure ang relationship mo dahil may career ka, no, no, no.

"Nung kami ni Heart, I focused on music. Actually, to set things straight, para ayusin ko lang ang mga bagay, nung time na nag-decide ako na mag-music, nung time na maging kami ni Heart, medyo nabe-burn out na ako sa trabaho, tapos naging kami. Medyo na-inspired ako nang kaunti, okey trabaho pa tayo. But then medyo di ko na kinaya, talagang gusto ko nang magpahinga, she was there to support me.

"When I said I wanted music, she was there to support me in music so nung nag-lie low ako sa acting it wasn't because of Heart na tumigil ako sa acting, it was because of music. Everyone thought na, 'Naku, humina ang career ni Jericho because of Heart.' No, no, no, that's not true.

"Ang totoo niyan, she actually supported me with my chosen field, sa mga decisions ko."

A ROMANCE WITH CARMEN SOO? Sa nakaraang interview kay Carmen Soo, sinabi ng Malaysian actress na magkaibigan lang sila ni Jericho but she's not closing the possibility to any romance. Sa parte naman ng actor, inamin niya that Carmen possesses the qualities na maaari niyang magustuhan sa isang babae, pero sa ngayon ay di pa siya talaga handang pumasok sa panibagong pakikipagrelasyon.

"My doors is always open, I just don't know when kung kailan may papasok dun. Pag tumibok na ang puso ko at sinabi ni God na hayan na, I gonna get signals from Him naman.

May nakapuna na lahat na yata ng pamilya ng mga naging girlfriend niya, magmula kay Kristine Hermosa hanggang kay Heart, ay naging tutol sa kanya.

"Sanay na din ako, di na ako naninibago. Kumbaga kasi, alam ko kasi na ganun lang ang mga magulang. Pag mahal nila ang anak nila, siyempre protective sila. Yun lang ang sa akin, di ko sila masisisi, naiintindihan ko yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"That's why I'm trying to build a good reputation. At least inaayos ko ang mga kilos at galaw ko para makita ng mga tao na okey naman ako. My friends naman tell me I'm a nice man, I'm a nice guy."

ECHO AT THE EMMYS, HE HOPES. Nominated ang Kahit Isang Saglit sa darating na Emmy awards in November kung saan nominated din as Best Actress si Angel Locsin for Lobo at ang Magdusa Ka. Di raw makapaniwala si Echo nung una niyang mabalitaang na-nominate ang primetime soap na pinagbibidahan nila ni Carmen Soo.

"There's something up and down, sobrang saya talaga, sobrang proud. Actually di ako makapaniwala nung una, di ko maintindihan, anong ibig sabihin nun? Nominated sa Emmys, international kasi, paano nangyari yun?

"Now ang gusto lang namin is to be able to go there sa November para ma-experience ko rin. I wanna go, I've been asking and requesting and begging na payagan akong pumunta. I'll be with Carmen but hopefully mas marami kaming makapunta, better."

Marami ang nakapuna sa sobrang bilis ng pacing ng Dahil May Isang Ikaw at inakala tuloy ng iba na baka matatapos na ito. Echo assured us na matagal pa ang tatakbuhin ng DMII at marami pang revelations ang magaganap dito.

"Mabilis lang ang istorya pero di pa matatapos. Hanggang next year pa 'yan, matagal pa yun, marami lang ang nangyayari. Maraming dapat abangan, marami pang magagandang twists sa istorya."

AT HOME WITH STAR RECORDS. Masayang nagkuwento si Echo tungkol sa bago niyang project.

"It's called Change, it's my first album under Star Records. It has 11 tracks and three bonus tracks, all in all 14 lahat 'yan. It includes 'Smile in My Face,' 'Cool Change,' 'Pusong Ligaw,' 'Naaalala Ka,' and whole lot more. It has 'Di Bale Na Lang' and 'Beautiful In My Eyes.' Some original songs nandito, like 'Pusong Ligaw' and 'I Love Your Ways.' Ang single namin is 'Pusong Ligaw.' I believe na gagamitin namin ito sa Dahil May Isang Ikaw.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Dati EMI ako, now Star Records na. Well, first of all, it's about time. Matagal na rin akong hinahanap ng Star Records and yung offer last year. Since I was working with ABS-CBN naman and all my soaps are with ABS, basically all of my projects. I mean, 95 percent of my projects are with Star and ABS. I felt the support, the interest and respect, and I said, let's go. Nag-expired na rin naman ang contract ko with EMI.

"I have a good relationship din naman with them. Feel ko lang, ang sarap lang to be at home, super at home."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN